Chapter 21

201 8 0
                                    

[Isha's POV]

Nandito na kami sa room.. May i-aannounce daw kasi si Ma'am. I think alam ko na yun! everytime kasi na matapos ang Sem break, kasunod nun, Foundation month na sa school! For me, hindi eto ang favorite activity ko! kasi naman, walang aral-aral! Lahat busy sa mga sinalihan nilang activities! Haayy -.-

"Good Morning class!! well, alam ko gusto nyong madaliin ko to para free time na kayo right? hehe.. Ok! I-Aannounce ko lang na simula today, pwede na kayong mag-sign sa mga activities na gusto nyong salihan! Nakapaskil sa board sa labas yung mga pwede nyong salihan! I'am expecting na maraming makikipag-participate galing sa section na to! ok? And by the way! yung project ko sainyo, pass it to me in my office, at i-checheck ko nalang! That's all class! Goodbye and Have fun this whole month!!" Nakangiting nag-wave samin si ma'am then lumabas na sya ng room..

"Tara! Tignan natin kung anong pwede nating salihan!!" yaya ni Charles.

"Kayo nalang! Gutom na ko! Samahan mo ko bestfriend!!" naka-pout na sabi ni A-ven! Pa-cute pa ah!? hehe..

"Sige tara!" sagot ni Gio.

"Sasama na kami! mamaya nalang tayo tumingin dun!" pahabol ni Sam.

Nagtext naman ako kila ate Ella na papunta muna kaming Cafeteria. sakto daw na nandun sila kaya hihintayin na daw nila kami! After ng medyo mabagal na paglalakad namin! hehe.. Nandito na kami!

"Hi ate, kuya!!" Bungad ko sakanila..

"Kuya Luis! libre mo ko! gutom na gutom na ko!!" Kakapalan ng mukha ni A-ven! grabe ahhh!! hindi ko po pinsan yan! haha.

"Ang kapal lang ng mukha bestfriend!?" pang-babara ni Gio! BOOM!! haha.

"Tatahimik ka jan? o ikaw ang lalapain ko?" sabi ni A-ven habang sobrang sama makatingin kay Gio!

"A-ahhh!! Hoy! Kuya! iLibre mo na! Masama to magutom no!!" utos ni Gio. haha. nasindak si Loko :D "Ayos ba bestfriend!?" natatakot na tanong ni Gio! Inirapan lang sa ni A-ven! haha.

Pagkatapos namin kumain... ayy.. si A-ven pala, lumamon! haha... Biglang may lumapit kay A-ven na classmate namin! si Rica. member yan ng Student Council.. kung di nyo pala naitatanong, si ate Ella ang president! hehe.. di pwedeng hindi nuh! Parang amin narin tong school eh.. Naalala ko nung nagulat yung mga boys nung nalaman nila! Di maipinta mga mukha nila! hehe.

"Hey A-ven!! Pwede kang maka-usap?" medyo hingal na tanong ni Rica.

"Rica? Kinakausap mo na ko noh!" ang taray! hahaha. Busog pa kasi eh :D

"Ahh.. Taray! Well yun nga--"

"Umupo ka nga dito sa tabi ko! hingal na hingal ka eh! ilang kabayo ba humabol sayo?" paningit ni A-ven. Umupo naman agad si Rica.

"Adik! Eh yun na nga! wala kasi nun si Ate Ella nung nag-meeting kami, pero napag-desisyunan kasi na ikaw at si Gio ang representative ng 3rd year para dun sa Campus Sweethearts!!" halos maibuga ni A-ven yung iniinom nya dahil sa narinig nya! Naksss!! Panalo na kami! haha.

"ANNNOOOOO!???" Sabay na tanong ni A-ven at Gio.

"Pwede ba? wag ng chussy! Maganda ka! Gwapo sya! Bagay nga kayo eh! tapos bestfriends na kayo diba? edi Perfect na!!" Ibang klase talaga tong si Rica.

"Rica! Don't worry! hindi aangal yan! ako bahala!" Paningit ni ate Ella.. Sabay naman lumingon sakanya yung dalawa. haha! ang mga mukha! haha laughtrip lang :D

"Ganun po ba ate!? Sige po! Kayo ng bahala huh? Marami pa po kasing utos sakin! Una na ko! Hoy A-ven!! Ipanalo nyo ah!! Malaki hatak sa grade nyan! hindi lang grade nyo! damay lahat! Ok? Bye!" sabay takbo ni Rica! Ganyan sya lagi! feeling ko nga sya lang kilos ng kilos sa SC eh! haha.. look at Ate Ella nalang eh! pa-petiks lang lagi :D

"Ate!? Bakit ka pumayag!? Ayoko!!" protesta ni A-ven.

"Aba! Alam ko na kasi yun, pero di ko alam na kayo mapipili! wala ka ng magagawa! SC ang nag-desisyon!!"

"Pero president ka naman! baguhin mo nalang! Please!?" puppy-face pa si A-ven.

"A-ven! Di porket pinsan mo ang president eh susunod na sayo! in fact! ako nga ang president diba? kaya IKAW ang sumunod sakin!!" Hantaray ni ate!! Hahaha. Ikaw na! Ikaw na si Ms. President!! And next year! AKO NAMAN!! hehehe :)

"Fuuuuudge!!! Fine!!!........Hoy Gio!! Payag ka narin ba!?" naiinis na sabi ni A-ven.

"Tss.. Syempre! Ikaw lang naman tong maarte eh!" medyo pabulong na yung sa maarte part!

"ANO YUN??" Pasungit na tanong ni A-ven.

"Wala ho!!" at inirapan lang sya ni A-ven! Hehe.. First time to na excited na ko magsimula tong foundation month! i think kasi, Mas masaya yung ngayon kesa last time :)

[Arjhay's POV]

Ayos rin tong school na to ah!! Campus Sweethearts? Pang bakla pero goodluck kay pinsan at kay A-ven! Kung tutuusin, tama naman yung Rica eh. Bagay kaya sila! at alam rin naming matagal ng may lihim na pagtingin si Gio kay A-ven! Woooohhh! Lalim! haha.

Papunta ako sa may board para tignan kung saan ako pwede sumali.

Basa...

Basa...

Basa...

OK!!! Sa basketball team ako! Ilalagay ko narin name nila Archie at Luis! ahaha.. Wala ng paapaalam noh! :D . Habang nagsusulat ako! narinig kong may i think 5 babae na naka-kumpol tapos pinaguusapan yung cheering daw? Wow! May cheerleaders pa? Ayos! :)

Pagtapos ko mag-sign. biglang lumingon yung isa sa mga naguusap..

O_________O

A--ACEE!!?? bigla naman akong tumalikod. at kumaripas ng alis! teka! bakit ba ko umalis? ano ba yan? anong nangyayari sakin? Tss.. Napadpad nalang ako dito sa may Garden. Nandito rin sina Isha, Sam, Ella, Archie at Chevz.

"Hey! Ok ka lang?" tanong ni Archie.

"O-oo naman!"

"Bakit kuya! mukhang hindi kasi eh!" Magsasalita na dapat ulit ako ng may lumapit na lalaki kay Ella.

"Ms. President! Tawag ka ni Dean!" Sabay tayo naman ni Ella then nagpa-alam na samin. eto namang kumag kong kuya na si Archie. mukhang nagseselos at sumama pa!

"Wait huh? May dadaan lang ako sa library!" sabi ni Isha.

"Samahan na kita!" damoves naman ni Sam sabay kindat sakin. ngumisi lang ako at umalis na sila. kami nalang ni Chevz dito. Sakanya ko nalang kaya itanong? Hmmm..

"Ok ka lang?" pangbasag nya sa katahimikan namin.

"H-huhh? A-ahhmm!"

"Hindi ka ok! hehe.. May gusto kang itanong?" mind-reader ba to? Tsss..

"A-hhh.. Ano k-kasi!"

"Sige na! Anu ba yun?"

"Ahmm.. S-si S-si Acee ba uhmm.. m-member ng cheering squad dito?"

"Ahh Oo! sya nga ang captain eh!"

"T-talaga!?"

"Yup! Pero kasi hindi sumali ngayon sa competition tong school kaya siguro di mo sya nakitang nag-cheer! pero this foundation month, malamang may practice na yun kasi may laban ang basketball eh! Bakit mo nga pala natanong?"

"N-nakita ko kasi sya kanina, kasama yung iba nyang ka-team!"

"Ahhh! Baka nag uusap para sa practice nila! Second to the last kasi ng activity dito ang basketball! last yung sinalihan nila A-ven at Gio!"

"Ahhh G-ganun ba?" tumango lang sya, tapos tinuloy yung pagma-make up nya. kaya natahimik nanaman yung paligid namin.

Cheerleader sya? edi hinahagis hagis sya? ganun yun diba? tapos may ka-team silang lalaki? Mahihipuan sya nun ah!! Tsk! Ayyy Bakit ba? Ano bang pake ko diba? gusto nya yan eh! ibig sabihin ginusto nyang mahipuan o kung di inaasahan, maaksidente! Pero, bakit punong-puno ng pag-aalala yung puso ko? Ano bang nangyayari sakin!? >.<

It must be love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon