Chapter 12

239 7 1
                                    

[A-ven's POV] 

Well, Nandito na ko ngayon sa house. Half day lang eh. may faculty meeting sa school. Naku! Kalandian nanaman nyang school na yan! hehehe.. Ako lang pala at si Ate Julie nandito, Nag-grocery yung apat eh.. Well, Nanonood lang naman ako dito sa sala! Ang boring nga eh, kaso, nakakatamad naman maglaboy. Haaayyy...

*Ding-Dong*    

*Ding-Dong*  . Oh? Nandito na agad sila ate?

"Oh at-- Ayyy! Mga kuya! Kayo pala! Pasok!!" Akala ko naman sila ate na, yung anim na boys lang pala. hehehe..

"Uhmmm.. Wala sila ate eh! Nag-grocery sila!" Sabi ko.

"Ikaw lang ba nandito?" Tanong ni Gio.

"Nope! Nandito rin si ate Julie, kaso tulog eh! Hmmm... Hihintayin nyo na ba sila ate?"

"Depende.. Hehe. Ikaw naman kasi pinunta namin dito eh!" Sabi ni kuya Luis. Luh? Ako? Ano namang kailangan nitong mga to? Tssss..

"Huh? A-ako? B-bakit?"

"May mga gusto lang kaming itanong!" Sabi ni Charles. Naku! Mukang seryoso sila! Anu naman kaya yun? Hmmm.. Bigla silang nagsi-upuan sa sofa, tapos nilagay nila yung mini chair sa harap nila at dun nila ko pinaupo. Ano to? Hot seat? anung meron? Aish -.-

"Bakit ba mga kuya? Ano ba yun?" Curious kong tanong.

"May gusto lang kaming malaman... hmmm.... tungkol sa mga ate mo!!" sabi ni kuya Luis.

"Huh? Bat di sila tanungin nyo?"

"Syempre, nahihiya kami! Basta! Sumagot ka nalang sa mga itatanong namin! Ok?" Sabi ni Sam.

"Oo na! Ano pa nga bang magagawa ko? Anim kayo, iisa lang ako! anong laban ko diba? Hmp. Oh sya! Tanong na!"

"Ako na mag-uumpisa! Pero first, Kilalang kilala mo ba mga ate mo?" Tanong ni kuya Archie.

"Oo naman! Para ngang mas kilala ko pa sila kesa sa mga magulang nila eh!" Pout lang ako ng pout! haha. Ang seryoso naman kasi ng mga to :D

"Good! Uhmmm.. Welll.. Gusto ko lang itanong kung... uhmmm.. Ano bang klaseng babae si Ella? I mean, ano bang ugali nya?"

"Ahhhh!! Well, Uhmm.. Si ate Ella? Mabait sya, May pagka-masunget minsan, minsan demanding rin! hehe. pero napaka-responsible nun! lalo na sa mga binilin sakanya! For example, ako nalang! Binilin ako sakanya kaya sobra mag-alala at magalit yun pag nalaman na tumatakas ako! hehe.. ayaw nya kasing may mangyaring masama sakin or kahit sino saming anim!!"

"Ahhh.. Hmm.. Sa love life? Ilan na naging boyfriend nya?"

"Hmmm.. Ano bang specific na gusto mong malaman? ilan LAHAT? or ilan yung sineryoso nya?"

"Uhmmm.. Ilan lahat then ilan yung sineryoso nya!"

"Ahhh.. Hmm.. 11 na naging boyfriend nya. tapos, 2 lang sineryoso nya!"

"Huuuuhh??!!! 11? tapos 2 lang? bakit? pano?"

"Ang OA naman ng reaction kuya? hehe.. 11 kasi maganda sya, kaya malamang maraming nagkakagusto dun! pero ewan ko kung bakit 2 lang. basta, sinasabi naman kasi nya samin kung seryoso sya sa boyfriend nya that time or kung hindi!"

"Ahhh ganun ba? Tingin mo, Siseryosohin nya ko?"

"Bakit? Kayo na ba?" Nanlaki naman mata ko habang tinatanong yan :D

"Hindi pa!!"

"Aiiish.. Hindi pa pala eh! tsaka mo ko tanungin nyan kapag kayo na! Tsss -.-" natahimik nalang si kuya Archie. ang taray ko yata? hehe.

It must be love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon