Chapter 5

253 6 0
                                    

[A-ven's POV]

Tumakbo ako pagkatapos ako mabitiwan ni Gio. Nandito ako ngayon sa likod ng school, maraming puni dito kaya kahit papano mahangin, kailangan ko ngayon to after nung nangyari.

>Flashback<

Nandito na kami sa room, nandito narin sina ate Julie at Isha, maya-maya pa'y dumating na yung magiging advicer namin, after namin mag-greet sakanya, may pinakilala syang transferees.

"Ok class. Magpapakilala na muna yung tatlo nating transferees. kahit kayo wag na dahil kilala ko na naman kayo! Ok boys. Start na kayo!" then isa-isa na nga silang nagpakilala.

"H-hello! I'm Charles Jerome Ignacio!" mukha syang mahiyain at nerdy.

"Hi! I'm Samuel Drake Villanueva! Just call me Sam! Nice meeting you all!" halata sa pustura nya na babaero to, tsaka may pagka-presko. And lastly.

"I'm Daniel Gio Fortalejo! Gio nalang for short!" after magpakilala nung last guy. nanlaki bigla mata ko at siniko ko yung mga ate ko sa tabi ko.

"Aray! A-ven! Bakit ba?" tanong ni ate Isha.

"A-ate! S-sya yung lalakeng nakaaway ko sa mall!" tinignan naman nila isa-isa yung lalaki at ayun, namukaan na nga nya kung sino dun! Si Gio!!

"Oo nga noh! Nako A-ven, umayos ka ah! First day ngayon! Don't do anything stupid! malay mo nga hindi ka na naaalala nyan eh! kaya behave ka lang! Ok?" Bilin ni ate Isha. Hindi ako sumagot! Nanlisik agad mata ko kasi nakita kong nakatitig sya sakin, Hmp! Hindi nya pa ko nakakalimutan!

"Ok! Dun kayo maupo sa vacant seat malapit dun sa tatlong babae na yun (point's samin) Sige na boys para makapagstart na tayo!" Sabi ni Ma'am.. Takte, wag nyang magawang dumikit sakin, babalatan ko talaga sya!

Fast forward na natin kasi wala namang ibang nangyari..

>Fast Forward< (break time)

Paalis palang kami sa upuan namin ng may paulit-ulit na sumisit-sit sakin.. Grrrrr.. Si Gio!!

"Hey! Bat di mo ko pinapansin classmate!?" pabiro nyang tanong. Hindi ko naman napansin na kausap na ni ate Julie si Charles at si ate Isha kausap naman si Sam as if close na sila. Naku! Magpigil ka lang A-ven! Habaan mo pasensya mo!

"Hoy!!" tawag nya pa. "Tsss.. Nag-aaral ka dito sa prestigious na school na ti tapos bastos ka!" Wala na! Nagpintig na tenga ko! nilingon ko na sya at tinignan ng masama.

"Ano bang problema mo? Hindi na nga kita pinapansin tapos ikaw tong papansin! sasabihan mo pa kong bastos? how dare you!" ngumisi sya sakin at dire-diretsong lumabas. sinundan ko naman sya, nakaramdam na siguro sila ate ng masama kaya sinundan lang nila kami. habang nasa likod nya ako, talak nalang ako ng talak.

"Eh ikaw naman pala tong bastos eh!" Sabi ko, tuloy-tuloy parin akong nagsalita, tapos tumigil sya ng paglalakad at lumingon sakin, nilapitan nya ko at medyo nilapit nya rin yung mukha nya sakin.

"Isa pang talak mo, hahalikan na kita!!" Sabi nya, karamihan sa students napatingin samin, nasa likod lang din namin sina ate at yung dalawa pang lalaki. Well, Hindi ako natatakot! Alam kong tinatakot nya lang ako sa halik halik na yan! kaya paglayo nya, tumalak ulet ako.. tuloy-tuloy nanaman yung pagsasalita ko. tumigil nanaman sya sa paglalakad. paglingon nya, bigla nyang kinuha yung mukha ko...

at...

O_______O

HINALIKAN NYA KO!

Natulala lang ako sakanya, at sobrang nakaramdam ako ng galit kaya pinaghahampas ko sya sa dibdib nya, First Kiss ko yun, iniingatan ko yun, tapos ano? Nanakawin nya lang! Hindi ako nagsasalita, hinahampas ko lang talaga sya,

hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, pinapatigil nya ko sa paghampas pero hindi ako nakikinig sakanya, hanggang sa hinawakan nya yung dalawang wrist ko para patigilin ako pero nagpupumiglas ako kaya napahigpit na lalo yung hawak nya at aray nalang ako ng aray!

Dun na dumating sina ate, Sinipa sya ni ate Acee hanggang sa napaupo sya sa floor.. at dun na ko nagsimulang tumakbo palayo sakanila

>End of Flashback<

Ngayon, nakasandal lang ako dito sa may bench, pinapatahan ko ang sarili ko pero pag naiisip kong nabastos ako sa harap ng maraming tao, at napunta sa walang kwentang lalakeng yun ang first kiss ko, Hindi ko na mapigilan yung iyak ko! Bigla namang dumating si ate Isha.

"A-ven??"

"Ate! Wag muna ngayon! *sniff* Iwan mo muna ko!"

"Per--"

"Please lang ate!"

"Fine! Pero pag kailangan mo ko, tawagan mo lang ako ok!?" tumango lang ako, alam kong umalis na sya. kaya eto, hindi ko na napigilang humagulgol! Ni minsan sa tana ng buhay ko, hindi pa ko umiyak ng ganito! pero wala eh, hindi ko mapigilan! kailangan ko tong ilabas. Haaayy..

[Ella's POV]

Dinala nila Archie si Gio sa may garden ng school, sumunod naman kami pwera kay Acee na nagpunta na sa guidance. Pag dating namin, agad-agad syang tinanung ni Archie kung ano ang nangyari. At kinwento na nga nya lahat

"ANO? HINALIKAN MO SYA? G*GO KA PALA TALAGA EH!" Sigaw ni Archie.

"Binalaan ko sya kuya! kaso hindi sya tumigil sa kakatalak eh. akala nya hindi ko tototohanin!" explain ni Gio.

"T*NGA! Sana hindi mo parin ginawa!! Kelan ka pa nawalan ng respeto sa babae hah?!" galit na galit si Archie.

"Teka! hinalikan mo si A-ven? Meaning, Ikaw ang First kiss nya? Naku! Alam mo bang pinaka-iingatan nya yang first kiss nya! Naku naman!" medyo naiinis kong sinabi. bigla ng dumating si Acee.

"Hey! Pinapapunta na yung dalawa sa guidance!" Sabi ni Acee. Natigil na yung usapan namin, sumama kami hanggang makarating sa guidance office si Gio, nagulat kami ng nakita naming nandun na si A-ven! Mugtong mugto yung mga mata nya! First time ko sya nakitang umiyak ng ganito! Haaayy.. Iniwan na namin silang dalawa sa office.

[A-ven's POV]

Nandito na ko sa guidance office, hindi naman nagtagal at dumating narin si Gio. Ngayon, kinakausap na kami ni Ma'am Tuiza.

"So? Can anyone of you tell me what exactly happen?" tanong ni Ma'am. At nagsimula na nga kaming magkwento sakanya, after nun...

"Haaayy.. Ms. Ocampo! Alam kong kilala ka dito sa school dahil nga sa inyo itong academy, Kaya sana, wag mo naman sirain ang reputasyon at pangalan ng mga magulang mo! Kilala rin kita! ang ugali mo! pero never kong in-expect na aabot ka sa ganito! Tsk!.. At ikaw Mr. Fortalejo! Transferee ka palang tapos ganyan na pinapakita mong image! Haaayy.. Oh sya! For your punishment, 1 month kayong volunteer na magaayos ng books sa library, kayo rin ang maglilinis doon afterwards! am i clear?"

"Yes ma'am!" Sabay naming sagot.

"Ok! ok! You may go! Wag nyo yan kakalimutan! simulan nyo na bukas rin!"

"Ok po ma'am!" at umalis na nga kami, tahimik lang ako ganun rin sya, dahil nga ayoko syang makasama, lumiko na ko para maka-iwas na sakanya. isang buwan lang yung punishment. kaya ko naman yun! ang hindi ko kaya, ay yung alam kong kasama ko sya sa classroom hanggang sa library. Kung maaari nga lang sana kahit anino nya hindi ko na makita! Haaayy.. Konting tiis lang A-ven! Kaya mo to!

It must be love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon