[Gio's POV]
Ok. Nandito kami ni A-ven sa may faculty room kasama yung ibang representative ng bawat year, meaning, four pairs kaming nandito at kinakausap ni Ms. Lyn! Sya coordinator nitong kabaklaan na to eh! haha. btw. eto pala ang representatives :)
1st Year - Renzo & Marielle
2nd Year - Steven & Raina
3rd Year - Gio & A-ven
4th year - Adrian & Hazel
"Ok couples! Ang agenda for this year is mas pinaghandaan kesa sa previous ones! Meaning, asahan nyong maraming preparations ang gagawin nyo everyday until the crowning night!" Sabi ni Ms. Lyn.
"So, Ma'am! Ano-ano po bang ka-ekekan gagawin namin?!" tanong ni A-ven! Ano ba to? siniko ko nga! kaso, pinandilatan lang ako! ako naman si loko, nasindak agad! Tsk.
"Well A-ven! Klaruhin ko nga muna to sayo, Do you really want to be part of these!?" tinignan ko si A-ven, yung mukha nya is yung mukha na prangka syang sasagot! Tsk! Lagot na! -.-
"To be honest ma'am! Againts po ako sa pagsali ko dito! pero dahil wala akong magagawa, Sige nalang! makiki-ride nalang po ako!!" Medyo pataray nyang sinabi. Naku to! Teacher kausap nito eh! A-ven talaga!! -.-
"Bakit wala kang magagawa!?"
"I'm not in the possition po to make my own decisions, for now po!"
"Pero bakit? Haaayy.. A-ven! Hindi to basta-basta! kung tingin mo na simpleng paglalandian ipapagawa namin sainyo, nagkakamali ka! Tsaka, Malaki ang hatak nito sa grades ng respective years nyo! kung di ka dedicated. edi pinapaasa mo lang ang buong third year!"
"Yun na nga po eh! Nakaasa na sila samin ngayon, kaya might as well, gawin ko na po to! don't worry ma'am! Nangako naman po ako kila ate na behave ako"
"I know you very well A-ven! Kaya sige! naniniwala ako sayo! Pero behave huh? May dalawang year dito na nakababata sayo! Maging role model ka naman kahit konte! ok?" sabi ni Ms. ng naka-ngiti! grabe. feeling ko kilalang kilala silang anim na magpipinsan dito, hindi lang ng students, pati teachers!
"Yes ma'am! Please continue na po! gutom na po ako eh!" naka-pout na sabi ni A-ven! Jusko naman! -.-
"hehe! fine! ikaw talaga! so, get your notebooks or kahit anong pwede nyong sulatan para alam nyo na yung pagka-sunod sunod ng schedules nyo!" Siniko ako ni A-ven tapos tinitigan ng Ikaw-na-magsulat look! Haaayyy -.-
1) Practice for the talent portion.
2) Music Video making
3) Pictorial
4) Study for the QandA portion
"Ok na ba? Naiintindihan nyo na?" Tanong ni Ms.
"Yes Ms!!" sagot namin in chorus.
"Good! Ok! Makakaalis na kayo!" Lumabas na kami sa faculty room..
"For sure A-ven! Kayo na mananalo! haha" sabi ni ate Hazel.
"Naku ate! friendly competition to sakin! manalo matalo! ok lang! cute parin ako!" natawa naman si ate sakanya.
"Oh sya! Goodluck sating lahat ah! we should do our best! Basta, wag nyo masyadong dibdibin huh? para incase matalo tayo, hindi masakit! Ok ba?" sabi ni ate saming anim.
"Opo ate!" sagot nung mga 2nd year at 1st year pati na ako.
"Ayaw sumagot A-ven? hehe"
"Eh ate, gutom na gutom na kasi ako! pasensya na huh? malinaw na yan sakin! panigurado naman kasing aasikasuhin ako ng mga ate ko kaya wala na kong problema jan! haha!"
BINABASA MO ANG
It must be love [FIN]
Teen FictionThis must be it? This must be what they called LOVE.