"Love 01"
Naranasan mo na bang Magmahal at Iwanan ka sa Gitna ng Inaakala mong Pinaka Masayang Araw sa Buhay mo.Ito ang Karanasan ng Pinakamahalagang Tao sa buhay ko Ngayon.
Ako nga pala si Yhen Asawa ng isa sa Pinaka sikat na Model ng Bansa, Ang Pangalan niya ay Win Metawin binigyan kami ng dalawang anak na Babae si Zoey at Sky. Walong Taon na ang Makukulit Ngunit Malambing na Kambal na ito.Madalas silang Gumagawa ng Kalokohan hindi lamang sa bahay pati na rin sa Eskwelahan.Madalas kapag Pinapatawag ang Parents sa School sinasabi ng mga ito na ang Daddy na lang nila ang Pumunta para hindi sila Pagalitan ng Teacher kasi mahihiya sa Daddy nila.Hindi ko nga Alam kung bakit ako ang Naging Mommy ng Makukulit na Batang ito Kabaligtaran sila Noong ako ay Bata pa.
'Yhen' Sigaw ng Batang Lalaki
'Ano ba Win baka Magising ang Nanay ko,Nasaan si Bright'Tanong ko kay Win
'Hmmm ewan baka tulog na naman'sabi ni Win
'Paano tayo mangunguha ng Bayabas niyan sino ang Aakyat' Tanong ko kay Win
'Ako'sagot ni Win
'Ikaw eh hindi ka nga makaabot kahitnsa kalahati lang ng Puno ng Bayabas Paano ka Aakyat' sabi ko
'Maniwala ka Kaya kung Umakyat'sabi ni Win
'Okey Halika na,Pupuntahan ba natin si Bright' sabi ko kay Win
'Sigurado magagalit lang yun sa atin kapag ginising natin siya'sabi ni Win
'Tara na kung Ganun' sabi ni Yhen
Nagpunta kami sa Bayabasan na Matatagpuan sa Bakanteng Lote na malapit sa bahay nila Bright,Maraming Nakatanim na Bayabas Doon at Malaya kaming Kumuha dahil ang Tatay ni Bright ang Nagbabantay sa Lupa na yun.
'Tingnan mo Win ang daming Bunga'sabi ko kay Win
'Wow Sigurado madami na naman tayong maipagbibili sa School' sabi ni Win
'Sinong Aakyat' Tanong ko sa kanya
'Ako Sino pa ba Bakit kaya mo bang Umakyat sa Puno' sabi ni Win
'Hindi'Sagot ko kay Win
'Yun naman pala eh kaya Maghintay ka diyan Saluhin mo yung Ibabagsak ko na Bayabas'sabi ni Win
'Okey Sir'Biro ko kay Win
Ngumiti si Win sa akin,Sa Tuwing Ngumingiti si Win para akong Natutunaw at Pakiramdam ko Umiinit ang buo kung katawan kaya namumula ang aking Mukha.Sino ba naman kasi ang hindi Matutunaw sa Ngiti ng Isang Singkit na batang ito sa harap ko.Kahit ata Maghapon siyang Magbilad sa Araw ay hindi siya Umiitim.
'Yhen'tawag ni Win
'Huh bakit'tanong ko
'Bakit ka natulala may nakita ka bang multo' Tanong ni Win
'Wala may naisip lang ako'sagot ko
'Iniisip mo na agad kung magkano ang mapagbibilhan natin sa bayabas na makukuha natin'sabi ni Win
'Oo tama ka iniisip ko ang Pera'sabi ko na napapakamot ng ulo
'Ikaw talaga basta Pera nawawala ka sa Sarili,Sige Aakyat na ako'sabi ni Win
'Okey Ingat ka Sir' sabi ko
Sir kung tawagin ko si Win at Bright nakasanayan ko na rin na ang Simpleng Biro na pagtawag sa kanila ng Sir ay maging Endearment ko sa kanila.Nakatanaw ako habang Umaakyat si Win sa Puno.Alam ko naman na hindi rin Sanay si Win na Umakyat ng Puno,Ngunit Wala si Bright at kailangan namin ni Win ng Pambaon bukas sa School kaya Nangunguha kami ng Bayabas ang iba ay ibebenta namin sa Tindahan ni Aling Ising at ang Iba ay ibebenta namin bukas sa Eskwelahan.Nasa Itaas na si Win kinukuha niya ang mga bayabas na pwede ng ibenta.Habang ako naman ay Iniipon kk sa Dala naming Basket.Malapit ng Mapuno ang Basket ng Biglang Narinig ko ang Tunog ng nabaling Sanga.At Pag Tingala ko ay nakita ko na Malalaglag si Win.
BINABASA MO ANG
"Still Love 2 Love"
FanfictionAng Pag ibig na Wagas ay Nagpapalaya yan ang lagi kung Sinasabi sa aking Sarili,Hindi kailangan ikulong ang isang tao sa Seremonya ng kasal kung alam mo na ang ikaliligaya nito ay ang taong minsan ng Lumayo sa buhay niya. Ako si Yhen ang Asawa na ka...