"Love 08"

37 3 0
                                        

"Love 08"

Pagkatapos Ihatid ni Bright ang Buong Pamilya ni Win at Aminin ni Bright ang lahat kay Yhen Bigla naman naging Missing in Action ito sa Buhay ng Mag asawa.Ngunit Hindi Nababahala si Yhen dahil kahit hindi Nagpupunta si Bright lagi pa rin silang nag uusap sa Cellphone at laging Pinapaalalahanan na huwag kakalimutan anv gamot ni Yhen.Napansin ni Win na hindi Nagpupunta si Bright

'Hon hindi yata dumadalaw yung kaibigan mo' sabi ni Win

'Sinong Kaibigan' tanong ni Yhen

'Hayaan mo na nga lang yung Sinabi ko'sabi ni Win na ayaw banggitin ang Pangalan ni Bright

'Si Bright Tama ba' sabi ni Yhen

Tumingin si Win kay Yhen

'Bakit ba hindi mo aminin na Gusto mo ring nakikita yung tao'sabi ni Yhen

'Hon'sabi ni Win

'Maglolokohan pa ba tayo Hon Magkakaibigan tayong Tatlo simula Pagkabata,Alam ko ang Pinakatago tago ninyong Sikreto kaya pwede umamin ka na'sabi ni Yhen

Tumayo si Win at Umalis sa Mesa

'Kunwari ka pa halata naman' Sigaw ni Yhen na napapangiti.

Siguro kung alam niya na may Pag asa pa siya baka ipaglaban niya si Win kaso alam niya na kaunti na lang ang Ialaan niya na Kasama si Win kaya Gusto niya bago siya Mawala ay maiayos niya ang Kalagayan ng Mag aama niya.Hindi siya matatahimik kung sa hindi niya kilalang babae magpapakasal si Win Pagkawala niya yun ang laging nasa isip ni Yhen

Habang Abala sa Ginagawa niya si Yhen nag Ring ang Cellphone niya

Ring..ring...ring

'Hello Sir Bakit Napatawag ka'sabi ni Yhen

'Anniversary ng Lolo at Lola ko sa Suturday Gusto ko sana kayong Invite saka parang Bakasyon na rin ninyong Mag anak'sabi ni Bright

'Saan ba Gaganapin'sabi ni Yhen

'Sa Isang Private Resort sa Batangas' sabi ni Bright

'Okey Sige sasabihin ko kay Win Pag uwi niya Sir' sabi ni Yhen

'Kamusta na nga pala siya'sabi ni Bright

'Ganun pa rin in denial pa rin sa totoong feelings niya sayo'sabi ni Yhen

'Baka naman wala na talaga Boss'sabi ni Bright

'Ano ka ba malakas Pakiramdam ko lalo na sa inyong dalawa kaya hindi ninyo ako Mapaglilihiman' sabi ni Yhen

'Boss may Tanong ako sayo'sabi ni Bright

'Ano yun'sabi ni Yhen

'Okey lang ba talaga sayo na ganito Pinag uusapan natin ang about kay Win kahit na Asawa mo siya at alam kung mahal na mahal mo rin' tanong ni Bright

'Ano ka ba Oo naman saka nakalimutan mo na bang ilang Buwan na lang kailangan ko ng Umalis kaya Gusto ko maging maayos na kayo ni Win sa Panahon na yun'sabi ni Yhen

'Bakit kaya mo Boss' sabi ni Bright

'Ang alin' tanong ni Yhen

'Ang Casual na Pag usapan ang Sakit mo ang Pagkawala mo at ang Tungkol sa amin ni Win'Paliwanag ni Bright

'Sir ilang buwan na nga lang ilalagi ko sa mundo Magbabaon pa ba ako ng Negativity at Emosyonal trauma sa Pag alis ko hindi pa ba sapat na Physically mahihirapan ako at magiging haggard ako gugustuhin ko pa ba na durugin ang Puso ko at Sumabatan ang nasa Taas na naging mabuti naman akong Tao bakit kailangan kung Pagdaanan ang lahat ng ito' sabi ni Yhen

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon