"Love 23"
Palihim na dinalhan ni Win at Yhen ng Pagkain si Bright at ang Mag ina,Alam din ni Hannah at Joss ang nangyayati kaya naman hindi maiwasan ni Hannah ang Manggihil kay Neevvy pero wala silang magawa dahil kaillangan muna nilang mahuli sa akto si Neevvy at makipaglaro dito.Naawa naman si Win sa mga Magulang ni Bright maging sa Lolo at Lola nito kaya habang wala pa si Neevvy ay kinausap na ito ni Win
'Tay wala pa pong matibay na Ebidensya si Bright na may Kinalaman si Neevvy maliban sa Narinig niya na sinabi ng isang Kidnapper na Gustong Patayin ng Amo nila si Bright dahil may malaki itong kasalanan sa kanya' Paliwanag ni Win
'Ibig sabihin Ligtas na ang Apo ko'sabi ng Lolo ni Bright
'Opo Lo nasa mabuti po siyang kalagayan at nandito lang sa Loob ng Bahay pero kailangan natin Umarte sa harapan ni Neevvy na nagwo worry tayo sa kalagayan ni Bright at hanggang ngayon ay wala pa rin tayong Alam tungkol sa kung Nasaan siya' sabi ni Win
'Sige sige Magkukunwari kaming nahihirapan sa Sitwasyon' sabi ng Nanay ni Bright
'Ganun po ang dapat nating ipakita kay Neevvy kung Magaling Siyang Umarte sabayan natin ang Pag arte niya para mas makakuha tayo ng Matibay na Impormasyon'sabi ni Win
Sinabi ni Win kay Bright na hindi niya nakayang ilihim sa mga Magulang ng huli ang lahat dahil nakikita niya ang Pag aalala ng mga ito kaya mas minabuti niyang ipaalam na sa mga ito. Pumayag naman si Bright sa naging desisyon ni Win.
Nasa sala silang lahat ng Dumating si Neevvy lahat sila ay malungkot ang mga mukha na tila binagsakan ng langit at lupa.
'Hello po Uncle Auntie Kamusta na po may balita na po ba kay Bright'sabi ni Neevvy na umupo sa tabi ng Ina ni Bright
'Wala pa nga hindi ka halos kami nakatulog sa pag aabang kung may tatawag para humingi ng Ransom' sabi ng Tatay ni Bright
'Baka po hindi naman Ransom ang kailangan nila Hindi pa rin po ba natatagpuan kung Saan nandoon yung mga Kidnapper'sabi ni Neevvy na kunwaring nag aalala din
'Sana nga matagpuan na at sisiguraduhin ko na mabubulok sa bilangguan ang mga yun' sabi ng Lolo ni Bright
'Win kamusta ka na'sabi ni Neevvy
'Okey naman naghihintay pa rin'sabi ni Win na ipinakita ang lungkot sa mga mata niya sa harapan ni Neevvy
'Huwag kang Mag alala matatapos din ang lahat ng ito'sabi ni Neevvy
Gustong gusto ni Yhen na sabunutan si Neevvy pero pinipigil niya ang sarili dahil hindi ito makakatulong para mailabas ang ebidensya na may Direktang kinalaman ito sa Pangdudukot kay Bright
Habang abala sa Paghahanda sa ng Pananghalian sina Yhen at Hannah Tumulong si Neevvy sa kanila.
'May pwede ba akong itulong sa inyo girls'sabi ni Neevvy na nakangiti
'Naku huwag na kami na lang saka bisita ka nina Uncle at Auntie' sabi ni Yhen na nakangiti pero kumukulo ang dugo sa kaharap
'Okey lang sanay naman ako na tumutulong kay Auntie pag nandito ako'sabi ni Neevvy
'Close ka talaga sa kanila'sabi ni Yhen
'Yeah actually kahit Noong nasa America pa kami close na ako kina Auntie madalas ko siyang tulungan kapag free time ko'sabi ni Neevvy
'Nakakapagtaka Close ka pala sa kanila pero parang hindi nasabi ni Bright sa amin na close kayo si Hannah lang ang sinabi niyang naging kaibigan niyang babae sa America'sabi ni Yhen na umiral ang oagka taklesa at walang control sa pagsasalita
Nakikinig lang si Hannah sa sinasabi ni Yhen kay Neevvy dahil totoo naman na siya lang ang naging close kay bright at hindi masyadong pinapansin ni Bright si Neevvy

BINABASA MO ANG
"Still Love 2 Love"
FanficAng Pag ibig na Wagas ay Nagpapalaya yan ang lagi kung Sinasabi sa aking Sarili,Hindi kailangan ikulong ang isang tao sa Seremonya ng kasal kung alam mo na ang ikaliligaya nito ay ang taong minsan ng Lumayo sa buhay niya. Ako si Yhen ang Asawa na ka...