"Love 11"

15 2 0
                                    

"Love 11"

Maalisangan ang Gabi kaya Pabaling baling sa higaan si Win,Mayamaya ay Umupo siya at saka unti unting umalis sa kama. Bago siya Tumayo Bumulong siya kay Yhen

'Hon iinom lang ako ng Tubig sa kusina' sabi ni Win

'Ummm'maiksing sagot ni Yhen

Kumuha si Win ng Tubig sa Ref at saka Ito Uminom nakaka ilang Lagok pa lang siya ng bigla siyang Napalingon sa Pinto ng Kusina,Naibuga ni Win ang Tubig at Nabasa si Bright dahil Umabot sa kanya ang Naibugang Tubig ni Win.

'Okey ka lang' tanong ni Bright

'Ah eh Oo Okey lang ako'Natatarantang sabi ni Win

'Bakit Parang nakakita ka ng Multo' tanong ni Bright

'Bakit ka ba palakad lakad ng naka hubad' tanong ni Win na hindi makatingin ng Maayos kay Bright

Sino ba naman hindi masasamid kung ang nasa Harapan niya ay Isang Lalaking may Perpektong Pangangatawan,Malaki ang mga muscles at may Perpektong Abs na parang nag aanyaya na hawakan siya.

'Mainit kasi kaya naghubad ako ng sando at saka hindi ko naman alam na may tao pala sa Kusina' sabi ni Bright

'Okey Sige Pasok na ako sa Kwarto'sabi ni Win na dala dala pa rin ang Baso at Lagayan ng Tubig

'Win' tawag ni Bright

Hindi makalingon si Win kay Bright dahil sa Ngayon namumula ang kanyang Mukha na hindi niya mapigilan

'Bakit'tanong ni Win habang nakatalikod

'Yung Lagayan ng Tubig iinom din sana ako'sabi ni Bright

'Ah Oo nga pala Sorry Sige ito na'sabi ni Win na natataranta

'Hindi naman ito ang Unang Beses mo akong nakita na nakahubad Pero bakit parang hindi ka makatingin Nagustuhan mo ba ang Nakita mo'sabi ni Bright na Tinutukso si Win

'Ito ang Tubig' sabi ni Win sabay Buhos sa Ulo ni Bright

'Bunny Ang Lamig'Sabi ni Bright na natataranta sa Pagkuha ng Tissue na nasa Island Table

'Sabi mo Binabanas ka eh mukha naman naghahangin ka lang'sabi ni Win na tumalikod na.

Pero napangiti siya dahil ang Totoo Gusto niya ang Natanaw niyang Hubad na Katawan ni Bright,Sa kanyang Isip Malaki na ang Pinagbago ng Pangangatawan ni Bright Makalipas ang Sampung Taon.Noon bagama't Matipuno din naman ang tindig ni Bright Ngunit wala itong Perpektong  Abdominal Muscle na nakakabighani sa kahit sinong makakakita kay Bright na walang Damit.

'Hon Kala ko iinom ka lang Bakit ang tagal mo'sabi ni Yhen

'Ah Nakita ko kasi si Bright sa Kusina nagulat ako eh alam mo naman yun hindi papayag na hindi ako aasarin kapag may Pagkakataon siya'sabi ni Win

Hindi naglilihim si Win kay Yhen yun ang isang Ugali na gustong gusto ng Huli sa kanyang Asawa

'Kayo talagang Dalawa kailan ba kayo Magkakasundo na kagaya ng dati'sabi ni Yhen

'Wala ng mababalik na dati Hon Imposible na yun'sabi ni Win

'Aminin mo sa akin Sir kahit kaunti ba hindi mo nararamdaman ang kaparehong  Pakiramdam Noong mga bata pa tayo' sabi ni Yhen

'Matulog na tayo' sabi ni Win na Humiga at nag Taklob ng Kumot

'Hindi mo masagot kasi meron pa' sabi ni Yhen

Mahimbing ng Natutulog si Yhen pero gising pa rin si Win kaya naisipan niyang Lumabas at magpa Hangin sandali sa Likod bahay na may Puno ng Mangga na nakatayo. Umupo siya sa kawayang Upuan na nakapalibot sa Puno ng Mangga.

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon