"Love 13"

21 2 2
                                    

"Love 13"

Naging Maayos na si Yhen ng mga Nakaraan Araw,Hinayaan din nilang Mag asawa na Matulog sa mga Magulang ni Win ang Kambal kung kaya ilang araw ding sila lang tatlo ang nasa bahay. Masayang masaya ang Mag asawa ng ihatid ni Type ang mga bata.

'Mommy totoo bang Bad si Papa'sabi ni Sky

Napatingin si Yhen kay Win habang nasa Kwarto sila at nakahiga sa Kama

'Hindi mabait si Papa at Mabuti siyang Tao'sabi ni Yhen

'Sabi ko sayo Huwag tayong maniniwala si Daddy at Mommy lang Papaniwalaan natin' sabi ni Zoey

'Sinong nagsabi na Bad ang Papa ninyo'tanong ni Win

'Si Lola po sabi niya huwag daw kaming Papayag na tumira si Papa dito dahil bad siya'sabi ni Sky

'Saka Daddy sabi ni Lolo kapag daw Pumayag kami aagawin daw ni Papa yung Pwesto ni Mommy hindi ko po sila Maintindihan'sabi ni Zoey

'Mga Anak hindi lahat ng sinasabi ng nakakatanda ay Tama at Totoo dapat kahit bata pa kayo marunong din kayong tumingin sa intensyon ng matatanda mabuti ba ito o hindi.Tingin ba ninyo Bad ang Papa ninyo may ginawa na ba siyang bad sa inyo at sa amin ng Mommy ninyo' sabi ni Win

'Wala pa po'sabay na sagot ni Zoey at Sky

'Ganun naman pala so dapat ba pag isipan ninyo ang isang tao na bad ito dahil lang may nagsabi sa inyo' tanong ni Win

'Hindi po'sabay na sabi ng kambal

'Mga Anak mabuting Tao ang Papa ninyo at Mabuti siyang Kaibigan mahal niya ako at ang Daddy ninyo kaya mahal na mahal din kayo ng Papa ninyo kahit bago pa lang natin siyang nakakasama' sabi ni Yhen

Nasa likod ng bahay si Bright nakagawian na niya na kkung wala sa Kwarto nasa likod siya ng bahay,hindi rin naman siya makalabas dahil ayaw niyang Pag usapan si Yhen at Win ng mga tao kaya itinatago niya ang sarili.Kapag may Nagpupunta at Dumadalaw kay Yhen na mga dati nilang kaibigan hindi siya Lumalabas kahit pa pilitin siya ni Yhen. Alam naman niya na balewala kay Yhen ang sasabihin ng iba pero alam niya na Mahalaga kay Win ang magandang Sasabihin tungkol sa kanilang mag asawa kaya siya na mismo ang Lumalayo.Kapag naman nasa bahay nila Win ang Magulang ng huli hindi rin siya sumasali sa kwentuhan at sumasabay Pagkain.Ayaw niyang makaagdag pa sa stress ng Mag asawa tinitiis niya ang masasamang tingin ng Mag asawa sa kanya at nagkukunwaring wala siyang naririnig kapag palihim silang nagpaparinig kay Bright.Lahat ng yun ay napagmasdan ng dalawang Kambal kung Paano tratuhin ng mga Lolo at Lola nila ang kanilang Papa kapag nakatalikod ang mga Magulang nila.Nakita nilang hindi nagpapakita ng Pangit na Ugali ang Papa nila at Madalas nasa Likod lang ito ng bahay.Pinalaki ni Win at Yhen si Zoey at Sky na parang mga Batang nasa Tamang Edad tinuturuan nila itong mag isip base sa kung ano ang nakikita nila sa Paligid.At Palaging sinasabi nila na sa tama at totoo sila papanig dahil ang Kabutihan ang kailangan maghari.

'Zoey Tingnan mo si Papa malungkot na naman'sabi ni Sky

'Halika Puntahan natin'sabi ni Zoey

Dahan dahan nagpunta ang Kambal sa Likod ni Bright saka ito ginulat,Nagtawanan ang kambal dahil Nagulat nila ang kanilang Papa.

'Kayo talaga bakit kayo ng Gugulat'sabi ni Bright na natatawa at hinaplos ang buhok ng kambal

'Papa bakit Malungkot ka'sabi ni Zoey

'Hindi naman ako Malungkot May Iniisip lang ako' sabi ni Bright

'Na mimiss mo na sina Grandma at Grandpa' tanong ni Sky

'Yeah parang ganun na nga'sabi ni Bright

'Bakit hindi natin Puntahan'sabi ni Zoey

'Oo nga Papa mas Gusto namin sa beach kesa dito' sabi ni Sky

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon