"Love 14"

15 2 1
                                    

"Love 14"

Gabi na ng makarating ng Manila ang Buong Mag anak,Kasama nila si Bright at habang ibinababa ni Win at Bright ang mga gamit biglang nagsalita si Yhen

'Sir aayusin ko yung isang kwarto doon ka na muna mag stay'sabi ni Yhen

'Uuwi na lang ako boss bukas ng umaga babalik ako para mabantayan ka' sabi ni Bright

'Akala ko ba hindi mo ako iiwan bakit uuwi ka'sabi ni Yhen

'Boss'sabi ni Bright

'Ayusin ninyong dalawa ang Problema ninyo nangako kayo sa akin na ibabalik natin yung samahan natin kagaya noong nga bata pa tayo pero kayong dalawa para kayong aso at pusa na hindi magkasundo'sabi ni Yhen

'Hon Please hayaan mo na si Bright kung gusto niyang umuwi babalik naman siya bukas'sabi ni Win

Tumingin si Yhen kay Bright at nakita niya sa mga mata nito na nakikiusap ito na Payagan siya.

'Boss dadating nga pala bukas si Hannah' sabi ni Bright

'Sino si Hannah'tanong ni Yhen

'Siya yung Doktor na kaibigan ko'sabi ni Bright

'Babae' biglang nasabi nii Win kahit siya nagulat sa naging tanong niya

Napangiti ng Lihim si Yhen nakakita siya ng Solusyon sa Problema niya,Nahihirapan na rin siyang Pagkasunduin ang Dalawa dahil matigas si Win pagdating sa Desisyon niya.

'Sige Sir Saan ba yung Clinic niya or Ospital na Pwede namin Puntahan'tanong ni Yhen

'Isasama ko siya dito bukas then saka na lang ninyo pqg usapan kung Saan Ospital siya mag Duty ang alam ko kasi may Private Ospital ang Parents niya baka doon siguro niya kayo Papuntahin'sabi ni Bright

'Ahmmm Sir Single ba si Dra.Hannah' tanong ni Yhen na nakangiti

'Oo Single siya mas ahead lang siya ng tatlong taon sa atin pero hindi halata kasi parang ka edad lang natin siya o mas bata pa ngang tingnan'sabi ni Bright

'Maganda' tanong ni Yhen

'Oo maganda siya Matalino at higit sa lahat madaling makasundo dahil very down to earth 'sabi ni Bright

'Ganun naman pala bakit di mo na lang ligawan kung maganda naman pala matalino at down to earth diba yun ang mga type mo,Nauunawaan ko kung bakit hindi mo type si Neevvy pero yung description mo kay Dra. Hannah sure ako yun ang mga tipo ng babae na magugustuhan mo'sabi ni Yhen

Biglang naubo si Win

'Hon anong Problema hindi ka ba sang ayon sa sinabi ko' tanong ni Yhen

'Bahala nga kayong dalawa diyan papasok na ako'sabi ni Win

Tumabi si Yhen kay Bright

'Selos agad'sabi ni Yhen sabay tawa ng malakas

'Ikaw talaga wala ka ng ibang ginawa kundi push ang asawa mo sa akin' sabi ni Bright

'Kanino ko pa siya ipu push alangan naman sa ibang babae pa'sabi ni Yhen

'Magpagaling ka na kasi para hindi mo na kailangan itulak palayo si Win sa iba' sabi ni Bright

'Akala mo na ayaw kung gumaling kung alam mo lang pero habang tumatagal mas nararamdaman ko yung sakit ko tapos kayong dalawa hindi pa magkasundo'sabi ni Yhen

'Magkasundo naman kami bilang magkaibigan boss pero hanggang doon na lang dahil Mahal na mahal ka ni Win' sabi ni Bright

'Mahal na Mahal ko din naman siya Sir kaya lang kaunti na lang ang oras ko'sabi ni Yhen

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon