"Love 06"
Pagkatapos ng Ilang Araw na Pananatili ni Yhen sa Ospital nakalabas din siya at sa Paglabas niya Sinigurado ni Bright na nasa Tabi siya ni Yhen at Win.Nakatingin siya sa Mag anak sa mata niya ay makikita ang Lungkot at Panghihinayang na kung hindi ba siya biglang Lumayo Ganito kaya ang Sitwasyon na Makikita niya.Masayang Masaya si Win at Yhen kasama ng Kanilang mga Anak,Dalawang Munting Anghel na naging Bunga ng Pagmamahalan ni Win at Bright.Alam ni Bright na Mahal na Mahal ni Win ang Asawa Kung Paano niya Asikasuhin si Yhen ay Repleksyon ng Purong Pagmamahal ni Win kay Yhen
'Hoy Sir Anong Iniisip mo Tara na'sabi ni Yhen
Nagulat si Bright sa biglang Pagtapik ni Yhen sa Kanya Napatingin siya kay Yhen at Pagkatapos kay Win. Tinaas naman ni Win ang kilay niya na Parang Nagtataka sa Kinikilos ni Bright. Sasakyan ni Bright ang gamit nila dahil Coding ang sasakyan ni Win at ang kay Yhen naman ay Maliit para sa mga Gamit nila na iuuwi.
'Hon sa harapan ka na Umupo dito na lang ako sa tabi ng mga bata' sabi ni Yhen
'Okey' sabi ni Win na Napipilitan lang at Nahihiya naman siya kung Pag mumukhain nilang Driver si Bright kahit na Technically eh si Bright naman talaga ang nag drive.
Habang nasa Daan Nagtanong si Bright
'Boss Nag Order nga pala ako ng Food sa Inyo ko ipapa deliver'sabi ni Bright
'Sir Ano ka ba hindi na Kailangan yun' sabi ni Yhen
'Na order ko na' sabi ni Bright na Ngumiti
Napansin ni Bright na Tahimik si Win
'Bakit Tahimik ka Bunny' sabi ni Bright
Tumingin si Win kay Bright at Tumitig lang ito kay Bright,Kilala ng Huli si Win alam niya ang bawat ibig sabihin ng Ekpresyon nito.Kapag Masaya Kumikinang ang mga Mata,Kapag Nalulungkot Mapanglaw ang sumasalamin sa Mata nito at Pagka ganitong Tingin na hindi niya mabasa ibig sabihin Naiinis Ito.Ngumiti si Bright kay Win at saka Ipinagpatuloy ang Pag drive.Alam niyang hindi Komportable si Win kapag nasa paligid siya nito.Tamang tama sa Pagdating nila sa bahay ay Pumarada din ang Grab na may dala ng food na inorder ni Bright,Pagkatapos niyang mabayaran ang Grab Pumasok na si Bright na Dala ang Pagkain.Tinulungan ni Win si Bright na Ayusin ang Lamesa pero hindi sila Nag uusap.
'Sir Thank You sa Food'sabi ni Yhen
Ngumiti lang si Bright Habang Kumakain sila walang tigil sa Pagtatanong ang kambal kung Paano naging Best Friend ng Mommy at Daddy nila si Bright
'Uncle Bright Bakit Ngayon ka lang po namin nakita' sabi ni Zoey
'Sa America kasi ako Nag aral ng College after naman ng School naka focus ako sa Family Business'sabi ni Bright
'So sa America ka pala Nagtago Sir'sabi ni Yhen na Pabiro
'Biglaan lang din yun boss'sabi ni Bright
'Anong Biglaan' tanong ni Yhen
'Biglang May Nangyari na kailangan kung Umalis'sabi ni Bright na yumuko
'Anong Nangyari'sabi ni Yhen
Kahit hindi tumitingin si Win kay Bright nakikinig siya Umaasang sapat ang magiging Paliwanag ni Bright para sa lahat ng sakit na naramdaman niya
'Boss Pag Usapan na lang natin kapag tayo na lang mahirap ipaliwanag'sabi ni Bright
'Okey Sir Pero sana Huwag mo ng Patagalin kasi Sampung Taon na kaming naghahanap ng sagot'sabi ni Yhen
Umalis si Win sa Lamesa at Umakyat sa Kwarto nilang Mag asawa.
'Mga anak Akyat na kayo sa Kwarto Maglinis na kayo tapos Magpalit ng damit'sabi ni Yhen

BINABASA MO ANG
"Still Love 2 Love"
FanfictionAng Pag ibig na Wagas ay Nagpapalaya yan ang lagi kung Sinasabi sa aking Sarili,Hindi kailangan ikulong ang isang tao sa Seremonya ng kasal kung alam mo na ang ikaliligaya nito ay ang taong minsan ng Lumayo sa buhay niya. Ako si Yhen ang Asawa na ka...