"Love 21"

31 2 0
                                        

"Love 21"

Simula ng Ganap na tanggapin ni Win sa kanyang Sarili na Si Bright lang ang tanging gusto niyang makasama Habang Buhay naging Maayos na ang Relasyon ng Dalawa,Mas ipinapakita na ni Win ang Pagmamahal niya sa Pag aalaga kay Bright. Kasama ng Pag aayos nila sa kanilang Annulment ay Ibinebenta nila ang Bahay Napagkasunduan nilang Hatiin ang lahat ng Mapag bebentahan at Pinaubaya na ni Win kay Yhen ang lahat ng Gamit sa bahay.Ang kotse nila ay pinag tig isahan nilang dalawa.Naging Maayos ang Paghahati ng Mag asawa ng mga Ari arian at ang Ipon nila sa Bangko ay Napagkasunduan nilang Hahatiin sa Kambal.Nagkasundo si Bright at Joss na Bumili ng Property na magkalapit upang maging Convenient sa kambal at hindi sila mahihirapan kung na sakaling gusto nilang makita ang isa sa kanilang Magulang.Nagkasundo ang Mag asawa na si Win ang may Full Custody sa Kambal Subalit maaring Hiramin ni Yhen ang mga ito anong oras man niya gustuhin. Magaan naman tinanggap ng Kambal ang Desisyon ng mga Magulang kahit pa nga nasa mura pa silang edad.Hindi rin nag Adjust ang mga ito sa Sitwasyon natutunan nilang Tanggapin na meron silang Kakaibang Set of Family.Ang Mahalaga ay mahal sila ng mga Magulang at ng mga Bagong Partner ng mga ito.Madalas silang Magkakasama sa Outing at maging sa Pag travel.Unti unti na ring nagiging Maayos ang kalagayan ni Yhen ayon kay Hannah. Tanggap ng mga Magulang ni Yhen ang Desisyon ng Mag asawa at Tanggap naman ng Pamilya ni Bright ang Mag aama ni Win sa kanilang Pamilya.Ngunit sa lahat ng Magagandang Nangyayari sa kanila may Isang tao na hindi Masaya at Puno ng Inggit.Dahil Pakiramdam niya ay Inagaw ni Win ang Pag asa na mapa sa kanya si Bright.

'Kung hindi siya magiging akin wala ring dapat Makinabang sa kanya'sabi ni Neevvy sa kanyang sarili habang Kumakain kasama ang Pamilya ni Bright,at ang Mahahalagang Tao para kay Bright.

Nagbigay ng isang Party ang Lolo at Lola ni Bright para sa Pagpasok ng Mag Aama sa Pamilya Vachirawit at ang Paggaling ng tuluyan ni Yhen.Nasa Party ang Buong Pamilya ni Yhen ang Mag Pinsan na si Hannah at Joss. Maging ang Kuya ni Win na si Type kasama ang Asawa nito at ang mga anak.Hindi nagpunta sa Party ang mga Magulang ni Win. Ngunit Nauunawaan yun ng Huli dahil alam niyang mahirap para sa mga ito ang tanggapin ang desisyon ni Win.

'Congratulations sa Inyong Dalawa sa Wakas naging Malaya na rin kayong Mahalin ang Isa't isa'sabi ni Type

'Salamat Kuya dahil Sinuportahan mo ako'sabi ni Win na naluluha dahil sa sobrang saya hindi pa man ito ang kanilang kasal kundi Party para Taos Puso silang Tanggapin na mag aama sa buhay ni Bright ramdam na ramdam niya ang kaligayahan

'Sino pa ba ang Magbibigay sayo ng Suporta kundi ang sariling ka dugo mo'sabi ni Type

Nakangiti si Win pero malungkot ang kanyang mata sa sinabi ni Type

'Huwag mong masyadong isipin sina Tatay at Nanay Matatanggap din nila ang lahat sa Tamang Panahon'sabi ni Type

'Tama ka Kuya'sabi ni Win

'Bright huwag ka sanang magsasawa na Unawain ang mga Magulang namin ni Win alam ko na malaki ang kasalanan ni Tatay sayo pero sana lawakan mo pa ang pag unawa mo sa kanya'sabi ni Type

'Makakaasa ka Kuya'sabi ni Bright na Ngumiti kay Type

Masaya ang lahat sa Party Ngunit may isang tao na nakamasid sa kanila at Nagpupuyos sa Galit.

'Magsaya kayo dahil bilang na lang ang araw na magagawa ninyong Tumawa at Magdiwang dahil bibigyan ko kayo ng matinding Kalungkutan'sabi ni Neevvy

Natapos ang Party kina umagahan Nagpunta sina Yhen sa Bagong Bahay na nabili nila no Joss hindi pa man sila Ikinakasal dahil nasa Proseso pa rin ang Annulment ng Mag asawa Bumubuo na sila ng Tahanan. Magkalapit ang bahay na binili ni Joss at Bright.Pababa sila ng Sasakyan ng biglang Huminto ang Kotse ni Bright,Bumaba si Bright at Win kasama ang kambal na tuwang tuwa ng makita ang Ina.

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon