"Love 20"
Pagmulat ng mata ni Win isang Maamong mukha ang nakita niya sa tabi niya,Mahimbing na natutulog at tila may magandang Panaginip pa itong naglalaro sa kanyang Isipan.Medyo ngumingiti pa ito na tila kinikiliti. Napailing si Win at saka lumapit ng bahagya at hinalikan ito sa labi
'Good Morning Wolfie' bulong ni Win kay bright
Nagmulat naman si Bright at tumitig kay Win
'Nasa Langit na ba ako'sabi ni Bright
'Corny ng Joke mo ilang beses na yang Ginamit sa Teleserye Wolfie' sabi ni Win na nakangiti habang nakasiksik sa leeg ni bright
'Pero ito ang hindi Corny Bunny Ang sarap gumising na katabi ka at kayakap Sana lagi tayong Ganito' sabi ni Bright
'Sana nga Wolfie'sabi ni Win
'Teka bakit naman parang ang lungkot ng Pagkakasabi mo Bunny hindi mo na naiisip na gumising araw araw na kasama ko'sabi ni Bright
'Gusto ko Wolfie pero hindi pa kami Malaya ni Boss kaya Paano nating magagawa na gumising Araw araw na Magkasama'sabi ni Win
'Darating din yung araw na maayos ninyo ang Annulment at pag Dumating yun Pupunta agad tayo sa America para Magpakasal'sabi ni Bright
'Papakasalan mo ako'tanong ni Win
'Oo naman kaya nga may Promise Ring na tayo diba'sabi ni Bright na itinaas ang kamay niya upang makita ni Win ang Singsing na suot ni Bright
'Halika na ligpitin na natin ito at Sasamahan pa natin si Boss na Magpa check up'sabi ni Win
'May inutusan na akong mag ligpit nito bunny halika na sigurado naghihintay sila para mag breakfast' sabi ni Bright
Habang nasa Lamesa at nag breakfast panay ang sulyap ni Yhen kay Bright at Win
'Sabihin mo na boss kung anong gusto mong sabihin kanina ka pa nakatitig sa amin'sabi ni Bright
'Nakailan kayo'sabi ni Yhen na walang kagatol gatol
Naibuga ni Win ang Kapeng Iniinom,Nagtawanan naman si Hannah at Joss habang si Bright ay inaasikaso si Win na nasamid ng kape
'Boss Ano ba yan'sabi ni Win na inirapan si Yhen
'Bakit tayo tayo lang naman saka sigurado kami na may Nangyari sa inyo dahil dumapo na naman yung lamok sa leeg ni Sir sigurado ako pag naghubad yan mas madami pa ang nasa dibdib'sabi ni Yhen na tumatawa at kinindatan si Hannah
'Saka bakit kayo mahihiyang Pag usapan wala naman dito ang mga bata'sabi ni Hannah
'Nasaan nga pala sila' tanong ni Win
'Sinama ng mga Lolo at Lola papasyal daw sila sa Enchanted Kingdom'sabi ni Yhen
'Kaya Tayo lang ang nasa bahay'sabi ni Hannah
'Bakit hindi tayo mag Bonding Anong Magandang gawin ngayon'sabi ni Joss
'Diba may Check Up ka ngayon Boss' sabi ni Win
'Nandito naman ang Doktor ko saka maganda naman yung Pakiramdam ko napapansin ko nga na hindi na ako masyadong nanghihina di tulad noon na bawat araw pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko parang upos na kandilang unti unting nauubos' sabi ni Yhen
'Buti pa mag Picnic na lang tayo sa tabing dagat mas maganda yun'sabi ni Hannah
'Oo nga Tama makaka pag relax pa tayo'sabi ni Joss
'Kayong dalawa kailan ninyo balak mag date'sabi ni Bright
'Saka na Pag maayos na ang kalagayan ni Yhen makakapaghintay naman ako'sabi ni Joss

BINABASA MO ANG
"Still Love 2 Love"
FanfictionAng Pag ibig na Wagas ay Nagpapalaya yan ang lagi kung Sinasabi sa aking Sarili,Hindi kailangan ikulong ang isang tao sa Seremonya ng kasal kung alam mo na ang ikaliligaya nito ay ang taong minsan ng Lumayo sa buhay niya. Ako si Yhen ang Asawa na ka...