"Love 28"

15 1 0
                                    

"Love 28"

Hindi man nakuha ni Bright at Win ang Bendisyon na hinihingi buhat kay Mang Ernesto ay ipinagpatuloy pa rin ng dalawa ang kasal nila,Masayang Tumulak papuntang America ang Mag anak kasama ang mga Magulang ni Bright maging Lolo at Lola nito.Sina Yhen at Joss ay kasama rin maging si Hannah.Inisip na lang ni Win na matatanggap din siya ng Kanyang Ama at Ina sa tamang Panahon.

Sa Pagdating nila sa America madaming Pasyalan at mamahaling Restaurant ang Pinuntahan nila,Ginawa ni Bright ang lahat upang Mapasaya si Win maging ang mga bata.Tuwang tuwa ang mga ito maging si Yhen ay makikita ang lubos na kasiyahan sa mukha.Naging isang buong Pamilya sila na masayang nag iipon ng mga Alaala na maari nilang balikan sa mga Panahong nais nilang maalala ang nakaraan.

Naghahabulan si Zoey at Sky habang pinapanood ni Bright,Win,Yhen,Joss at Hannah sa isang Park.

'Daddy Sali ka sa amin dali'sabi ni Zoey

'Sige kakampi ko si Papa'sabi ni Sky

Tumatakbo si Zoey na hawak ang kamay ng Ama habang nasa likod naman nila si Sky na humahabol hawak ang kamay ng kanyang Papa.Maririnig ang bawat halakhak ng kambal habang masayang nakikipaglaro sa kanilang Magulang.Tumingin si Win kay Bright at saka kinindatan ito at Ngumiti ng Pagkatamis tamis.Gumanti naman ng Ngiti si Bright at saka nagsalita ng walang maririnig na boses Ngunit kita sa buka ng bibig ang Nais sabihin.

'I Love You'sabi ni Bright kay Win

'I Love You Too' sagot ni Win kay Bright

Sa mga Sandaling yun ay bahagyang nakalimot si Win sa katotohanan na hindi siya lubos na tanggap ng kanyang Ama.Masaya ang Maghapon na yun para sa kanila.Mamayang hapon  ikakasal na sila ni Bright simpleng kasalan sa harap ng isang Judge at mga piling saksi sa kanilang Pagmamahalan. Balak ni Bright at Win na sa Pagbalik nila sa Pilipinas ay mag ganap din ng isang Unofficial Wedding Ceremony sa Resort upang maimbita nila ang iba pang kaibigan.Naka Plano na ang Lahat ang Tatay at Nanay ni Bright ang nakikipag coordinate sa Wedding Planner upang mabigyan ng magarbong wedding Reception ang Mag asawa..

Naging Mabilis ang Pagdadaos ng kasal at Nagpunta sila sa isang Mamahaling Restaurant kung Saan si Joss naman ang nag Regalo sa Mag asawa ng isang Espesyal na Dinner para sa kanilang lahat.

'Thank You Bro nag abala ka pa talaga'sabi ni Win kay Joss

'Maliit na bagay bro at saka isang Pamilya na tayo'sabi ni Joss

'Daddy  dito na ba tayo titira'sabi ni Sky

'Hindi Baby uuwi din tayo next week'sabi ni Win

'Sayang gusto pa naman namin dito Daddy'sabi ni Zoey

'Pwede naman tayong mag bakasyon dito every Summer Vacation baby'sabi ni Bright

'Talaga Daddy Gusto namin yan kasama ba natin sina Mommy at Dada'sabi ni Sky

'Oo naman" sabi ni Bright

Ngumiti ang magkapatid at pumalakpak ang mga ito masayang masaya sila na lagi pa rin nilang nakakasama ang kanilang mga Magulang

Pagkatapos ng Isang Linggong Bakasyon ay Bumalik na silang lahat at sa Resort silang lahat Tumuloy upang doon naman idaos ang Bonggang Kasalan ni Bright at Win bagama't  hindi ito legal sa Pilipinas nagsisilbing Formality lamang.

Naka tingin si Win sa Paligid Manghang mangha ang kanyang mga mata sa nakikita,Pinaghandaan ng kanyang mga Biyenan ang Araw na ito para sa kanila ni Bright.Punong Puno ng mga Bulaklak ang Venue na Pagdarausan ng Kasalan,Lahat ng Empleyado ay masayang naghanda para sa kasal ng Tagapagmana ng mga Vachirawit. Madami ang Humahanga sa angkin kagwapuhan ni Win suot ang napaka eleganteng tuxedo. Kinakabahan siya kahit na alam naman niya na hindi ito Official Wedding Ceremony  dahil hindi ito legal sa Pilipinas.Ngunit Legal na silang kasal ni Bright sa America. Nasa Isang Kwarto siya habang hinihintay ang oras upang lumabas na siya. Iniwan muna siya ng lahat na kasama niya kanina sa Kwarto. Nang magbukas ang Pinto nagulat siyang at hindi makapaniwala na nasa harapan niya ang Ama at nakabihis ito umagos ang luha ni Win hindi siya makapag salita dahil hindi niya inaasahan ang tagpong ito. Tinanggap na niya sa kanyang sarili na hindi Dadalo ang kanyang Ama at Ina Ngunit nandito sa kanyang harapan ang kang Ama katabi ang kanyang Ina.
Patuloy ang Pagbuhos ng masaganang luha sa mga mata ni Win Niyakap siya ng kanyang Ama walang kahit Anong Salita ang namutawi sa kanilang bibig Subalit ang yakap ay sapat na upang maunawaan niya na binigay na ng Ama ang Bendisyon na hinihingi niya.Niyakap ng Mahigpit ni Win ang Ama at tumungin sa kanyang Ina.Dumadaloy ang Luha habang Pinagmamasdan ang Asawa at Anak na sa wakas ay ganap ng nagkasundo.

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon