"Love 26"

15 2 0
                                    

"Love 26"

Mabilis na Lumipas ang mga Araw Ngayon na Ilalabas ang Resulta ng Annulment ni Win at Yhen kung kaya maaga silang Nakipagkita sa kanilang Abogado,Kung sa ibang mag asawa ang Proseso ng Annulment ay mahirap dahil maghihiwalay na ang dating nagsumpaan na Magmamahalan ng Habang Buhay. Ngunit sa Mag Asawa ni Win at Yhen ay iba ang kanilang nararamdaman. Ang Resulta ng Annulment  ay Siyang magsisimula ng bago nilang buhay kasama ang kani kanilang mahal sa buhay.

'Boss Ready ka na ba' sabi ni Win

'Wait lang hinihintay ko pa si Joss'sabi ni Yhen

'Okey hintayin na lang namin kayo sa sasakyan' sabi ni Win

'Yes Sir'sabi ni Yhen na kumindat pa kay win at Ngumiti

Naiiling si Win  bumalik na talaga ang sigla ni Yhen ang sabi niya sa kanyang isip

Pagkadating nila sa Opisina ng Law Firm na may Hawak ng kaso about sa Annulment nilang Mag asawa ay agad silang sinalubong ng Attorney na may hawak ng kaso

'Mr. And Mrs Metawin tamang tama ang dating ninyo'sabi ng Abogado

Ipinaliwanag ng Abogado ang napagkasunduan ng magkabilang panig kabilang na ang Legal na Custody ni Win sa mga anak at ang kasunduan na maaring hiramin ni Yhen ang mga bata ng walang pagtutol si Win anuman oras na magpaalam si Yhen. Lahat ng Expenses sa Pag aaral at iba pang Pangangailangan ng mga anak ay solong sinasagot ni Win bilang sa kanya ang full Custody ng mga ito. Pagkatapos ng Mahabang Paliwanagan Ganap ng Napawalang bisa ang kasal ng Mag asawa.

Niyakap ni Bright si Win at ganun din ni Joss si Yhen Masaya silang Umuwi Tumuloy sila sa isang Restaurant kung Saan Mag Celebrate silang Apat.

'Mahal ko Anong Gusto mong kainin'sabi ni Bright

'Ikaw na bahala Mahal ko alam mo naman na pagdating sa mga Fine Dining mas ikaw ang nakakaalam'sabi ni Win na nakangiti kay Bright

'Bakit naman kasi kayong dalawa ni Joss eh dito pa ninyo naisipan na dalhin kami pwede nga ako sa Fastfood lang'sabi ni Yhen kay Bright

'Boss mahalagang araw ito sa ating apat kaya kailangan sa mamahalin at eleganteng restaurant tayo mag celebrate na apat'sabi ni Bright na nakangiti kay yhen

'Kung Ganun bahala kayo ni Joss na umorder dahil kami ni Sir wala kaming alam diyan' sabi ni Yhen

Nagtatawanan silang apat habang abala sa Pagkain ng mga inorder ni Bright at Joss, masayang nagplano si Yhen ng kasal nila ni Joss

'Sure ba kayo Sir na kami muna ni Joss ang Magpapakasal'sabi ni Yhen

'Oo boss kailangan muna namin kunin ang bendisyon ng tatay at nanay ni Bunny' sabi ni Bright

'Paano kung hindi nila ibigay habang buhay eh di hindi rin kayo magpapakasal'sabi ni Yhen

'Baby huwag ka namang Nega malay mo naman na naghihintay na lang sila na lumapit uli si Bright at Win'sabi ni Joss

'Sabagay tama ka naman baby'sabi ni Yhen

'Saka kung sakaling paglapit namin hindi pa rin ako binigyan ng bendisyon ni Tatay at Nanay saka ko na pag dedesisyunan na magpakasal kahit walang bendisyon nila ang mahalaga Lumapit muna kami'sabi ni Win

'Sabagay tama ka naman at least hindi mo sila binale wala' sabi ni Yhen

Naging Abala sa Pag aasikaso ng Kasal ni Yhen at Joss ang lahat maging si Bright at Win ay naging abala din lalo na si Win na kailangan Paghandaan ang  Prada Spring Summer Men's Collection kaya naman puspusan ang pag gym ni win at pag diet.Si Bright ang nag aasikaso ng Almusal at Babaunin ng mga bata dahil maagang umaalis si Win para tumakbo. Nauunawaan naman ni Bright ang kanyang Fiance dahil alam nito na pangarap talaga ni Win ang makilala sa Fashion World at maka trabaho ang mga kilalang Brand sa buong mundo.Kaya naging maalaga si Win sa kanyang sarili lalong lalo na sa kanyang kutis dahil ito ang puhunan niya sa kanyang Pangarap.Hindi rin Pumapayag Ngayon si Win na lagyan siya ni Bright ng Kiss Mark dahil makakasira daw yun sa Pagrampa niya.

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon