"Love 17"

19 2 0
                                    

"Love 17"

Sa  Paglipas  ng Araw naging Maganda ang Kalusugan ni Yhen at Naging Malapit sa kanya si Joss Madalas siyang Dinadalaw nito at sinasamahan sa Ospital.Bumalik na sa Trabaho si Win at Si Bright naman ay Nagpatuloy na sa Pag Manage ng Kumpanya niya.Subalit nakarating sa mga Magulang ni Win ang Estado ng Pagsasama ng Mag asawa.Nalaman nila na Madalas nasa bahay nila Win si Bright at hinahayaan ito ni Yhen kung Kaya Sumugod ito sa Maynila Upang Komprontahin ang Anak at ang Manugang. Naghahanda si Yhen ng Pang Hapunan inimbitahan niya si Bright,Hannah at Joss

'Anong Oras Dadating si Win' tanong ni Joss kay Yhen

'Pauwi na yun sabay na daw sila ni Bright at Hannah' sabi ni Yhen

'Anong pwede kung itulong para naman hindi ako basta nakatunganga dito'sabi ni Joss

Biglang may nag Doorbell

'Paki Buksan mo na lang ang Pinto baka sina Sir na yan' sabi ni Yhen

Binuksan ni Joss ang Pinto at dahil hindi niya kilala ang nasa Harapan niya nakakunot ang Noo nito na nagtanong

'Ano pong Kailangan nila'sabi ni Joss

'Sino ka' Tanong ng Matandang Lalaki

'Ako po si Joss Kayo po Sino po kayo' sabi ni Joss

Tumaas ang kilay ng Matandang Babae at tumingin sa Asawa

'Joss Sina Bright na ba yan' Tanong ni Yhen na napahinto ng makita ang Biyenan sa Labas ng Pinto

'Tay Nay'sabi ni Yhen na nagmano sa dalawang matanda at saka Pinapasok sa loob

'Nasaan ang Asawa mo Yhen'sabi ng matandang lalaki ngunit nakatingin kay Joss

'Pauwi na po may Dinaanan lang po'sabi ni Yhen

'Sino itong kasama mo at nasaan ang mga Bata' sabi ni Aling Nancy

'Hiniram po ng Parents ko nami miss na po daw kasi ni Tatay' sabi ni Yhen

Bumukas ang Pinto at Bumungad si Win na Nakangiti habang kasunod si Hannah at Bright na nakangiti din.Biglang nawala ang Ngiti sa Mukha ni Win ganun din kay Bright dahil nakita ang Dalawang Matanda na naka upo sa Sofa

'Nay Tay Anong Gingawa ninyo dito' sabi ni Win

Sinenyasan ni Hannah si Joss na Tumayo at sumunod sa kanila ni Bright sa Kusina,Kaya naman tumayo si Joss upang Makapag usap ng masinsinan ang mga ito

'Anong ibig sabihin nito Win,Bakit nandito si Bright- sabi ni Mang Ernesto

'Kaibigan namin siya Tay ano naman po ang Masama kung Papuntahin namin siya'sabi ni Win

'Kaibigan nga nga o bumabalik na naman ang kabaliwan ninyong dalawa at ikaw Yhen hinahayaan mo ang Asawa mo sa kalokohan niya o isa ka rin na may ginagawang kalokohan kasama yung lalaking yun na dinatnan namin kanina'sabi ni Mang Ernesto

Yumuko si Yhen dahil nasaktan siya kung Paano sila kausapin ng Biyenan

'Tay may Sarili na akong Pamilya at wala na ako sa Poder ninyo hindi na ninyo sakop kung anoman ang Desisyon naming Mag asawa dahil Buhay na namin ito,Salamat sa Pagmamalasakit kung yun nga ang tamang sabihin pero hindi ko ho Pahihintulutan na Pagsalitaan ninyo ang Asawa ko lalo na sa kalagayan niya sa ngayon' sabi ni Win na matigas ang boses halatang Pigil na pigil ang galit

'Hindi ibig sabihin na may Sarili ka ng Pamilya pwede mo ng sirain ang Imahe ng Pamilya natin alalahanin mo dala dala mo ang Apelyido ko kaya wala kang karapatan na dungisan ito at Pag mukhain katawa tawa sa mga Tao'sabi ni Mang Ernesto na mataas na rin ang Boses

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon