"Love 25"

21 1 0
                                    

"Love 25"

Pumasok si Bright at Win sa Loob ng Kwarto nakita nilang nakahiga ang isang babae sa kama napansin ng babae na may pumasok kaya lumingon ito sa kanila.

'Anong Ginagawa ninyo dito' sabi ni Neevvy

'Gusto lang namin na kamustahin ka'sabi ni Bright

'Talaga o gusto ninyong malaman kung makakalakad pa ako,huwag kayong magsaya dahil daplis lang ang tama ng baril sa akin'sabi ni Neevvy

'Nandito kami para kamustahin ka walang ibang dahilan'sabi ni Win

Hinawakan ni bright si Win dahil naramdaman nito na may gigil pa rin ang fiance kay Neevvy

'Mahal ko muntik ka ng mamatay dahil sa kanya'bulong ni Win

'Hayaan mo na ang mahalaga Ligtas na ako'sabi ni Bright

'Nagpunta ang mga Magulang mo sa Bahay at Humihingi sila ng tawad sa ginawa mo umaasa sila na mapapatawad ka namin kahit hindi namin iurong ang kaso masaya na sila na mapatawad ka namin'sabi ni Bright

'Huwag kang umasa na hihingi ako ng tawad sayo'sabi Neevvy

'Hindi naman talaga ako Umaasa Gusto ko lang malaman mo na kahit nagawa mo yun sa akin na ilagay ako sa bingit ng kamatayan at pagbantaan ang taong mahal ko na Papatayin mo Nauunawaan pa rin kita nabulag ka ng sobrang Panibugho at hindi mo nakita na tinanggap kita bilang kaibigan sadya lamang na hindi yun ang gusto mo kaya hindi mo makita na bahagi ka rin ng sirkulo ng mga kaibigan ko' sabi ni Bright

'Hindi ko kayang ibigay ang gusto mo dahil kahit noon pa man na hindi ko naaalala ang tungkol sa nakaraan ko may bahagi sa Puso ko ang nagsasabing may nag mamay ari na dito kaya siguro hindi ko nagawang makita ka sa Romantikong Paraan pero Neevvy alam mo na nakioag kaibigan ako sayo ng totoo kagaya ng Pakikipag kaibigan ko kay Hannah at Tay kayong tatlo ang naging kaibigan kung matalik sa America kaya hindi ko inaasahan na kaya mo akkng Patayin'sabi ni Bright

Yumuko si Neevvy tumulo ang Luha

'Umalis na kayo hindi ko kayo kailangan dito Magpakasaya na kayo dahil sa wakas paglabas ko ng Ospital makukulong naman ako ng habang buhay sa Bilangguan'sabi ni Neevvy

Umalis sina Bright at Win at Pagsara ng Pinto doon ibinuhos ni Neevvy ang lahat ng luha na kanina pa niya gustong ilabas. Sinong hindi masasaktan lahat ng paraan ginawa niya upang mahalin siya ni Bright ngunit nanatiling bulag si Bright at hindi pinapansin ang lahat ng sakripisyo niya para dito.Minahal niya si Bright Noong Una pa lang Magtagpo ang landas nila sanisang Party kung Saan Pinagtanggol siya ni Bright sa mga kalalakihan na gusto siyang bastusin,Simula noon humanga na siya sa binata at abot langit ang tuwa niya ng malaman niya na family friend pala ng Pamilya nila ang Pamilya ni Bright. Umasa siya na may Patutunguhan ang lahat dahil nga kaibigan ng Pamilya nila ang Pamilya ni bright. Pati ang mga Magulang niya ay kinausap niya para gawing Posible na maging sila ni Bright. Ngunit hindi umadya sa kanya ang Tadhana dahil nalaman niya na mas mayaman ang mga Lolo at Lola ni Bright kesa sa kanila kaya hindi nito magagamit ang pagme Merge ng dalawang Pamilya. Kaya kinaibigan na lang ni Neevvy ang Lola at Nanay ni Bright upang matulungan siyang ilapit kay bright. Ngunit hindi pa rin umusad ang Plano.Nabalitaan niya na Uuwi sa Pilipinas sina Bright at Doon Magtatayo ng Negosyo kaya kahit wala na siyang kamag anak na nakatira sa Pilipinas naglakas Loob siyang Bumalik sa Pilipinas at dito nag trabaho sa isang kilalang Ospital. Kahit nasa Pilipinas na sila hindi pa rin nabago ang Pakikitungo sa kanya ni bright kaibigan lang siya para dito.Hanggang isang araw Tinangka niyang sabihin dito ang nararamdaman niya.Ngunit ang isinagot sa kanya ni Bright at hindi niya makakalimutan.Sinabi nitong hindi niya kayang ibalik ang Pagmamahal na binibigay ni Neevvy sa kanya at Tanging Kaibigan lamang ang nais niyang mamagitan sa kanilang dalawa.Nasaktan si Neevvy sakit na lalong tumindi ng isang Araw nalaman niya na bumalik na ang alaala ni Bright sa Nakaraan at natatandaan niyang may tao na itong Pinangakuan ng Pagmamahal. Inakala niya na isang Magandang Babae ang makikilala niya Subalit laking Gulat niya ng malaman niya na isang Gwapong Lalaki na tila may mukha ng isang Magandang babae ang nasa harapan niya. Nasaktan siya dahil hindi niya akalain na Lalaki pala ang kaagaw niya sa Puso ni Bright.Sinubukan niyang Alamin ang saloobin ng mga Magulang ni Bright Ngunit laking kabiguan ito sa kanya dahil tanggap nila kung Sinoman ang mamahalin ng anak nila at kilala ng mga ito si Win simula pagkabata nito kaya Payag sila sa Relasyon ng dalawa.Maging ang Lolo at Lola ni Bright ay binigyan ng bendisyon si Bright at Win sa harapan pa niya.Habang ang lahat ay nagsasaya dahil sa muling Pagtatagpo ni Bright at Win siya ay Nasasaktan dahil mahal na mahal niya si Bright at Pakiramdam niya ay wala siyang laban kay Win kahit anong gawin niya. Nakita niya kung gaano Kasaya si Bright sa Piling ni Win dagdagan pa na tuwang tuwa ang matatanda sa dalawang batang tinuring na nilang Apo.Kaya kinain ng Panibugho at sobrang taas na Ego.Umiyak si Neevvy dahil alam niya na sinayang niya ang lahat ng pagod niya para makuha lahat ng Pangarap niya sa buhay ng dahil lang sa kabaliwan sa Pag ibig.Umiyak siya dahil kahit hanggang huli nanatiling Matatag si Bright at Win habang siya ay bumagsak sa kulungan ng dahil sa sobrang Inggit.

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon