"Love 22"

43 2 0
                                        

"Love 22"

Unti unting dumilat si Bright hindi siya nagpahalata na Gising na siya dahil ayaw niyang maging Alerto ang Nagbabantay sa kanya,Nakita niya na may tatlong lalaki na nakaupo at tila Nag iinom dahil natanaw niya ang Isa na Tinaas ang maliit na Baso tila sinasabi sa kasama na Siya na ang iinom saka nilagok ang alak at uminom ng tubig. Nakikiramdam siya nagkukunwari pa rin siyang walang Malay upang Mapag aralan kung Ano ba ang dapat niyang gawin para makatakas.Paunti unti niyang tinatanggal ang tali sa kanyang kamay na nasa kanyang likuran,Maingat na maingat siyang hindi makahalata ang mga bantay sa ginagawa niya.

'Anong Oras ba darating si Amo'sabi ng isang Lalaki

'Sabi niya kanina bago Gumabi nandito na siya kaya bantayan daw nating mabuti ang bihag' sabi ng isa pa sa mga Lalaki

'Ano bang balak ni Amo sa Lalaking Yan Ex Boyfriend ba niya ito o baka naman na busted siya ni Pogi'sabi ng Pangatlong Lalaki

'Hindi ko Alam basta ang sabi niya malaki ang kasalanan ng lalaki na yan kay Amo kaya kailangan niyang Mamatay'sabi ng Unang Lalaki

Biglang Bumukas ang Pinto at Dumating ang isang babae na may dalang Pagkain para sa tatlong lalaki

'Ilagay mo dito at Lumabas ka na' sabi ng Unang lalaki

Nilagay ng Babae ang Pagkain sa Lamesa at saka Tumingin kay Bright na akala niya ay natutulog. Naawa ang Babae kay Bright at narinig niya sa kanyang Asawa na Papatayin ito ng Amo ng Asawa niya kaya naman hindi niya mapigilan ang sarili na Maawa.Lumabas ang Babae at saka Nagpalakad lakad sa Labas ng Bahay iniisip kung Paano matutulungan ang Lalaki. Nang biglang naisip niya ang Gamot na iniinom niya kapag inaatake siya ng Anxiety niya. Bigla siyang Tinawag ng Asawa at Sinabing Ipaggawa sila ng Kape dahil gusto nilang Magkape pagka kain. Agad naman sumunod ang Babae sa asawa at nagmamadali itong Nagtimpla ng Kape. Ibinigay niya ang kape sa kanyang Asawa at sa Dalawang kaibigan nito.Napansin niya na Gising na ang Lalaki dahil nagtama ang kanilang mata at bigla uli itong Pumikit kaya naisip niya na nagtutulog tulugan na lang ito. Mayamaya pa Pagkatapos makalabas ng Babae pumasok uli ito sa Bahay at nakita niyang tulog na ang kanyang Asawa at ang mga kaibigan nito,Kaya dali dali niyang nilapitan ang lalaking nakahiga sa Papag at nakatali ang kamay at Paa.

'Huwag kang Matakot mabait ako hindi ako masamang tao'sabi ng Babae

Matapos maalis ng Babae ang tali ni Bright sinamahan nito papalabas ang lalaki peroo nakita nila na may paparating na sasakyan kaya agad niyang Hinila si Bright sa likod ng bahay kung saan doon sila Dumaan papunta sa kabilanh kalsada.

'Sumama na kayo sa akin'sabi ni Bright

'Hindi pwede nasa Eskwelahan ang anak ko' sabi ng Babae

'Daanan natin siya hindi kayo ligtas pag nalaman nila na pinatakas ninyo ako baka kayo ang patayin ng Amo ng asawa ninyo'sabi ni Bright

Nagdadalawang isip ang babae ngunit sumama rin ito kay Bright Sumakay sila ng tricycle at nagpadala sa Eskwelahan. Agad kinuha ng Babae ang anak na Lalaki nito at isinama sa Pagtakas.

Sa Bahay ng Kidnapper Pumasok si Neevvy at nagulat siya na tulog ang tatlong lalaki na inutusan niya at halatang nag iinom,Tumingin siya sa Paligid at hindi niya nakita si Bright ngunit naiwan sa Papag ang tali na ginamit,Sumigaw ng Malakas si Neevvy at Pinaghahampas ang Tatlong lalaki na naalimpungatan.

'Mga inutil Nasaan na ang Bihag ninyo Natakasan na kayo wala pa kayong kaalam alam'Sigaw ni Neevvy

Nag apurahan sa Paghahanap ang tatlong lalaki sa Paligid at hindi nila nakita ang bihag ganun din ang Asawa ng Unang Lalaki.

'Lintik Pinatakas ni Chelen ang Bihag natin'sabi ng Unang Lalaki

'Akala ko ba hindi gagawa ng katangahan yang asawa mo dahil takot sayo'sabi ng Pangalawa

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon