"Love 04"

46 3 0
                                        

"Love 04"

Nakaraan..

Nagmamadali si Bright at Win sa Pagtakbo sa Play Ground ng School nasa Library sila ng Sabihin ng isa sa Classmate nila na Nakikipag away si Yhen sa Seniors nila at Pinagtutulungan nila si Yhen.Habang Papalapit sila nakita nila na bagama't Pinagtutulungan ang Kaibigan nila ay Lumalaban pa rin ito.Paglapit ng Dalawa Tinulak ni Win ang Isa at Inawat ang mga ito.

'Ano ba tama na Nag iisa lang si Yhen appat kayo tigilan ninyo yan' sabi ni Win

'Bakit ba kayo nag aaway' sabi ni Bright

'Yan mga bruha na yan Na iinggit lang sa akin kaya kung anu anong sinasabi' sabi ni Yhen na itinuro ang Apat na Babae

'Bakit Totoo naman na Malandi ka' sabi ng isa

'Malandi bakit mo naman nasabing Malandi si Yhen' tanong ni Win na nagtaas ng boses dahil hindi nagustuhan ang sinabi ng babae

'Malandi naman talaga yan kung hindi siya Malandi bakit pareho kayong dalawa na Boyfriend niya' sabi ng isang Babae

'Kami'sabi ni Bright na Tinuro pa si Win

'Ano bang pakialam ninyo kung pareho ko silang Boyfriend as if naman na hindi nila alam pareho'sigaw ni Yhen

'Proud ka pa talaga sa kalandian mo' sabi ng isa pa

'Natural dalawang Pinaka Gwapo sa School ang  Boyfriend  ko kaya Proud ako Palibhasa walang nanliligaw sa inyo kasi ang Pangit ninyo at ang babaho pa' sabi ni Yhen

Biglang sinabunutan ng isa si Yhen at Nagkagulo na naman,Halos ilang minuto bago nakuha ni Bright at Win si Yhen laban sa apat na babae.Bitbit ni Bright si yhen pasan pasan sa balikat habang nagwawala na ibaba siya ni bright,Dala dala naman ni Win ang gamit ni Yhen at ang sapatos nito

'Sir Ibaba mo ako kakalbuhin ko ang apat na yun' sigaw ni Yhen habang nagwawala sa balikat ni bright,Hinampas ni Bright si Yhen sa Puwet at sinabi

'Tumigil ka akala mo magaan ka,Para kang Amasona kung makipag away ka dalaga mong tao' sabi ni Bright

Dinilaan ni Win si Yhen at tinutukso ito,Nang makalayo sila sa School at malapit na sila sa bahay nila Yhen Ibinaba nito ang Huli.

'Bakit mo ba sinabi na Boyfriend mo kaming Dalawa' tanong ni Bright

'Para Protektahan kayong Dalawa'sagot ni Yhen

'Sana isa lang'sabi ni Win

'Malay ko ba na chismosa pala yung dalawang Babae na yun at Nagtanungan pa sa Isa't isa  kung totoong Boyfriend  ko si Bright,tapos sabi Noong Isa hindi si Win ang Boyfriend niya sinabi niya sa akin tapos hindi nagpatalo yung isang chismosa sinabi rin ni Yhen sa akin na Girlfriend niya si Bright.Ayun pinagkalat na nila tapos yung Apat na yun pinagtulungan nila ako kasi may crush sila sa inyo'sabi ni Yhen

Hindi malaman ni Bright kung matatawa o magagalit dahil nabugbog si Yhen ng Apat na Babae dahil lang sa nagpanggap ito na Boyfriend nila.

'Sa kubo tayo Tumuloy kukuha lang ako ng First Aid Kit sa bahay'sabi ni Win

'Okey Wolfie Dalhin mo yan sa kubo para magamot ang mga pasa niya sa mukha kababaeng tao napaka basagulera' sabi ni Win

Kumuha si Win ng Gamot sa bahay nila may dala rin siyang Meryenda para sa kanilang Tatlo,Bago Kumain ginamot muna ni Win ang Sugat ni Yhen at ang mga Pasa

'Huwag ka ng makikipag away Boss Dalaga ka na hindi ka na dapat kumikilos na parang bata Paano ka Liligawan niyan kung mas Lalaki ka pang tingnan sa mga ka klase nating Lalaki'sabi ni Win

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon