"Love 10"
Sinenyasan ni Bright si Tay Tawan Ngumiti naman si ito Pabalik sa kanya at Tinutukso si Bright ng pa Sikreto. Nakita ni Win ang Reaksyon ng mukha ni Bright kaya Lumingon si Win kay Tay Tawan at bigla naman Sumeryoso ang Huli dahil baka makahalata ito na Tinutukso niya si Bright kay Win.
'Upo ka' sabi ni Bright
'Ano yun'sabi ni Win
'Alin'kunwaring hindi alam ni Bright ang Gustong tanungin ni Win
'Bakit Tinutukso ka ni Tay' sabi ni Win
'Tinutukso ba ako hindi naman' sabi ni Bright
'Huwag kang Magkaila Bright nakita ko ang Reaksyon ng Mukha mo' sabi ni Win na naiinis
Napangiti si Bright dahil para sa kanya Napaka Cute ng Mukha ni Win kapag naiinis
'Bakit ka Nakangiti'sabi ni Win
'Bawal ba Masaya lang ako'sabi ni Bright
'Ewan ko sayo saka alam mo na pala na sayo ako Nag trabaho bakit hindi mo sinabi sa akin'sabi ni Win
'Wala gusto ko lang na maging ganito yung Pagkikita natin dito sa Fashion House' sabi ni Bright
Tumayo na si Win at Nag Paalam kay Bright wala siyang Maisagot kay Bright Hanggang Ngayon Hirap pa rin siyang Makipag usap dito dahil ayaw niyang Ipagkanulo siya ng Sariling Emosyon.
'Alis na ako Ihahanda ko pa ang mga Gamit ng mga Bata' sabi ni Win
'Ingat ka'sabi ni Bright na Ngumiti
Ngumiti rin si Win kay Bright at ng Bubuksan na niya ang Pinto nagulat siya sa sinabi ni Bright
'Masaya ako na Makakasama kita sa Baryo Bunny kagaya Noong mga Bata pa tayo na Ako pa ang Nagmamay ari ng Puso mo'sabi ni Bright
Hindi na Lumingon si Win Ngunit Alam niyang Namumula ang kanyang mga Pisngi dahil sa Sinabi ni Bright. Hindibpa rin Nagbabago ang tibok ng Puso ni Bright para sa kanya Ngunit Nagbago na ang lahat para sa kanya si Yhen na ang Sentro ng kanyang Puso at hindi niya ito balak na ibalik sa dati kagaya Noong mga Bata pa sila. Ayaw sana niyang Bumalik sa Baryo Ngunit ito ang hiling ng kanyang Asawa kaya kailangan niya itong Pagbigyan kahit Alam niya na mahihirapan siya dahil makakasama nila ang Unang Pag ibig niya.
Kinausap ni Yhen sa Telepono ang Pamilya niya Alam na ng mga ito ang Tungkol sa Sakit niya at sinabi rin niya ang balak niyang Umuwi ng Baryo.Nagpasya ang Pamilya ni Yhen na samahan si Yhen at Doon tumira sa Dati nilang Bahay para kung anu at anuman madali nilang makakasama si Yhen.Ipinaalam din ni Yhen sa Bayaw at Biyenan niya ang Pagdating nila at nakiusap siya na kung Sino man ang Kasama nila ay Pakitunguhan ito ng Mabuti dahil mahalagang Parte ito ng Buhay niya at Gusto niya itong makasama sa huling Sandali.Alam ni Yhen na Tutol ang Biyenan niyang Babae at Tahimik lang ang Biyenan niyang Lalaki.Alam na rin naman ni Yhen kung bakit ito tahimik Ngunit wala siya sa Posisyon para sabihin na Alam niya ang Ginawa nito kay Bright Noon.Kung si Bright at Nagpatawad na Bakit hindi siya.
Isang Sasakyan lang ang dala nila kagaya ng Lumabas siya sa Ospital Sasakyan ni Bright ang Dala nila.
'Papa Ngayon ka lang po ba uli Uuwi sa Lugar ninyo'sabi ni Zoey
Hindi sanay si Bright na tawagin siyang Papa kaya sa Tuwing Tinatawag siyang Papa ng Kambal ay Namumula si Bright
'Umuwi ako Noong Nakaraan pero sandali lang hinanap ko lang ang Daddy at Mommy ninyo'sabi ni Bright
Papa bakit hindi mo Sinama si Auntie Neevvy' Tanong ni Sky
'Busy kasi yun Nagwo Work sa Hospital' sabi ni Bright

BINABASA MO ANG
"Still Love 2 Love"
FanfictionAng Pag ibig na Wagas ay Nagpapalaya yan ang lagi kung Sinasabi sa aking Sarili,Hindi kailangan ikulong ang isang tao sa Seremonya ng kasal kung alam mo na ang ikaliligaya nito ay ang taong minsan ng Lumayo sa buhay niya. Ako si Yhen ang Asawa na ka...