"Love 05"

26 3 0
                                    

Nakahiga ang Kambal sa Folding Bed na dinala ni Bright,Habang si Bright naman nakahiga sa Sofa at yakap ang sarili dahil Malamig ang Aircon sa Kwarto ni Yhen.Tumayo si Win at Lumabas Pagbalik niya may dala itong Kumot na hiniram sa Nurse ng Ospital.Kinumutan niya si Bright at saka bumalik sa Kalapit ni Yhen.Nagising naman si Bright ng Ilagay ni Win ang Kumot Ngunit nagkunwari lamang siyang Tulog upang hindi mapansin ni Win na alam niya ang ginawa ng Huli.

Nakaraan..

Siimula Pagkabata sanay si Bright na siya ang Nag aalaga kay Win,Lagi niyang Pinaparamdam kay Win na ito ang Pinakamahalaga sa kanya.Madalas nagseselos si Yhen kapag Inuuna ni Bright si Win Subalit  naunawaan na din ni Yhen kalaunan.

'Bunny Huwag kang Magpaulan baka mamaya Magkasakit ka'sabi ni Bright habang nasa Kubo sila

'Gusto kung Maligo Wolfie dali na'sabi ni Win

'Hindi pwede madali ka pa naman magka sipon' sabi ni Bright

'Sige na Wolfie Maligo na tayo' sabi ni Win

Walang nagawa si Bright kundi sundin si Win at habang paikot ikot sila sa kubo at Naglalaro ng Habulan Natanaw ni Yhen ang Dalawa.

'Hoy kayong Dalawa huwag kayong Magbabad sa Ulanan baka Magkasakit kayo'sigaw ni Yhen

Inasar ni Bright at Win si Yhen

'Ah Inggit'sabi ni Win

'Aba at Nang inggit pa sige pag nagkasakit kayo hindi ko kayo aalagaan'sigaw ni Yhen

Kinaumagahan nagtataka si Yhen dahil wala pa ang mga kaibigan niya sa Kubo at hindi rin ito nagsipasok sa Eskwelahan kung kaya ng matapos na ang Klase ay Nagpunta siya kina Win

'Tao po Win nandiyan ka ba'sigaw ni Yhen

'Tuloy ka'sabi ni Win na mahinang mahina ang Boses

'May sakit ka'sabi ni Yhen

Tumango si Win

'Yan kasi Ligo kayo ng ligo sa ulan eh di Nagkasakit ka tuloy'sabi ni Yhen

'Pumasok  ba si Wolfie'sabi ni Win kay Yhen

'Hindi rin malamang may sakit din yun'sabi ni Yhen

Pinunasan ni Yhen si Win sa Buong Katawan at saka Pinalitan ng Damit,Mayamaya at Nagpaalam kay Win upang Puntahan si Bright.Sinabi niya na babalik siya agad titingnan lang niya si Bright kung May Sakit din

'Tao po Bright'sigaw ni Yhen

'Tuloy'sabi ni Bright na umuubo pa

'Mag isa ka lang'tanong ni Yhen

'Oo nasa Bukid sina Tatay at Nanay'sabi ni Bright na hinang hina

'Alam ba nila na may Sakit ka'sabi ni Yhen

'Hindi alam mo naman na lagi silang busy sa Pag aasikaso ng Bukid nakakalimutan na nilang may anak sila'sabi ni Bright na may himig Pagtatampo

'Unawain mo na lang ginagawa nila yun para sa kinabukasan mo,saka sino pa bang magmamana ng Pinaghihirapan ng Magulang mo kundi Ikaw' sabi ni Yhen

'Nasaan si Bunny' tanong ni Bright

'May sakit Matigas kasi ang ulo ninyong Dalawa sinabi ng huwag Maligo sa Ulan naglaro pa kayo' sabi ni Yhen

'Sino Nagbabantay kay Bunny'tanong ni Bright

'Mag isa din siya sa bahay kasi Lumuwas ang Tatay at Nanay niya para dalawin ang Kuya ni Win sa Maynila'sabi ni Yhen

'Kawawa naman pala si Bunny Mag isa lang siya'sabi ni Bright

'Pareho lang kayong Kawawa buti na lang Girlfriend ninyo ako kaya aalagaan ko kayo'sabi ni Yhen na namgingiti

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon