"Love 29"

20 2 0
                                    

"Love 29"

Malamig ang Simoy ng Hangin at Maririnig mo ang munting hampas ng Alon sa Dalampasigan natatanglawan ng Liwanag ng Buwan ang Tabing Dagat kung Saan Naglalaro sina Sky at Zoey kasama ang Mag Asawa,Ang Bawat Halakhak ng mga Bata ay Nagsisilbing Musika sa mga Lolo at Lola na nakabantay sa Kanila. Naroon ang Mga Magulang ni Bright maging ang Lolo at Lola niya ganun din ang mga Magulang ni Win kasama si Type. Sa Tabing Dagat sila Nag Hapunan kasama ang Malalapit na Kaibigan ng Mag Asawa. Si Glenda,Alma,Hannah,Joss,Tay
Luke at Yhen. Nakatingin silang Lahat sa Pamilya nila Bright at Win.

'Mommy Halika Sali kayo ni Dada' sabi ni Zoey

'Dada Dali Sali ka sa Amin' sabi ni Sky na hinila si Joss

Larawan sila ng Masayang Pamilya at Makikita sa kanila ang Magandang Pagsasamahan.Ang Kambal ang Sentro ng Dalawang Pamilya.

'Nakakatuwa silang Pag masdan simula Pagkataba silang Tatlo na ang Magkakaibigan Hanggang Ngayon napapanatili nilang buo ang kanilang Samahan'sabi ni Mang David

'Tingnan mo si Yhen Masayang Masaya siya sa Tingin ko nga siya ang Sentro ng Samahan nilang Magkakaibigan dahil sa kanya kaya nanatili silang Buo sa kabila ng lahat ng Pagsubok na pinagdaanan nila'sabi ni Aling Nancy

'Napakabait niyang Kaibigan hindi niya kailanman inuna ang sariling kaligayahan bagkus lagi niyang Inuuna si Bright at Win kaya hindi nakapagtataka na madali niyang nahanap ang taong Mag aalay sa kanya ng Pag ibig sa Pangalawang Pagkakataon' sabi ni Mang Ernesto

'Maiba tayo Balae bakit hindi ninyo Pag isipan na tumira na sa Maynila upang Mapalapit kayo sa mga Apo natin'sabi ni Mang David

'Naku Balae Matagal ko ng Hinihimok itong si Ernesto Ngunit ayaw niyang iwan ang baryo'sabi ni Aling Nancy

'Hindi ako Aalis sa Baryo dahil pag ginawa ko yun para ko na ring Iniwan ang Kakambal ko Nangako ako na Lagi ko siyang dadalawin at Hanggang Ngayon ginagawa ko yun Araw araw tuwing umaga nasa Sementeryo ako para Dalawin siya at Kwentuhan kahit na alam kung hindi niya naririnig umaasa akong natatanaw niya ako mula sa Langit'sabi ni Mang Ernesto na mangilid ngilid ang Luha

'Maswerte si Fernan na may Kakambal siya na tulad mo' sabi ni Mang David

Tumahimik ang lahat nakatanaw sa mga Naglalaro sa tabing Dagat

'Alam ko na Paulit ulit ko na itong sinabi sayo at sa Pamilya mo Balae at hindi ako Mag sasawang Humingi ng tawad ng dahil sa akin nawalan ka ng kapatid'sabi ni Mang David

Hinaplos naman ni Aling Zeny ang Likod ng Asawa nauunawaan niya ang nararamdaman ng kanyang Kabiyak. Matagal na Panahon din itong Natali sa Kalungkutan dahil nako konsensya siya sa Nangyari kay Fernan.

Nakaraan...

Biglang Kumalat ang Balita natagpuang Patay si Fernan sa Kwarto,Nagpakamatay ito sa Pamamagitan ng Pagbibigti.Nalaman agad ni David ang Balita dahil ang Layo ng Bahay nila kina Fernan ay isang Bakanteng Lote lamang. Kung kaya ng mapansin ng Abuelo nito na nagkakagulo sa bahay nila Fernan ay nagtungo ito doon at nalaman nga niya na Nagpakamatay si Fernan. Agad umuwi ito at ibinalita sa Asawa ang Nangyari na narinig naman ni David. Natulala ito at hindi makapagsalita tila naninigas ang kanyang katawan at para bang kinakalikaw ang kanyang Sikmura. Maririnig ang Pintig ng kanyang Puso na tila ba gustong humiyaw at isigaw ang Pangalan ni Fernan.

Unang Pag Ibig niya si Fernan ang Lalaking madalas niyang Kulitin at Asarin. Madalas niyang itinatago ang gamit nito upang pansinin lamang siya nito at kapag iniirapan siya ni Fernan pakiramdam niya ay Nagtagumpay siya na Mapansin ng Lalaking Hinahangaan.

Ang Pagkawala nito ay nagpatindi ng galit sa kanya ng Matalik na Kaibigan, halos isumpa siya at Patayin sa Bugbog Ngunit hindi siya Lumaban dahil higit pa sa sakit ng mga Suntok ni Ernesto ang  nararamdaman ng kanyang Puso. Sa Araw ng Libing ni Fernan gusto niyang Sumama sa Pakikipag libing Ngunit sinabi ni Zeny na huwag na dahil lalo lang madadagdagan ang sakit na nararamdaman ng Pamilya ni Fernan kapag nakita siya. Pagkaalis ng mga tao sa Sementeryo at saka lumabas si David sa isang Punong kanyang Pinagtataguan. Mugto ang mga mata habang hawak ang isang Puting Orchids na Paborito ni Fernan na Sumisimbolo sa pagiging Inosente nito at Kagandahan sa mata ni David. Lumuluha siyang Naglakad patungo sa nitso ni Fernan habang papalapit siya ng Papalapit ay tila papabigat ng papabigat ang bawat hakbang niya. At ng nasa tapat na siya ng Nitso nito ay bumuhos ang kanyang Luha napuno siya ng Pagsisisi at Awa sa sinapit ng taong minamahal ng dahil sa kanya. Umiyak siya ng Umiyak hanggang unti unting manlambot ang kanyang tuhod at napaupo siya. Paulit ulit siyang Humingi ng Tawad sa Puntod ng dating kasintahan.

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon