"Love 02"

30 4 0
                                    

"Love 02"

Nilapitan ko si Win at hinawakan ko ang Balikat niya,Alam ko na kailangan niya ako sa Oras na ito.

'Hon Okey ka lang' sabi ko sa kanya

'Oo naman Hon Pasensya ka na sa akin nabigla lang ako' sabi ni Win

'Huwag kang humingi ng Pasensya diba hindi lang tayo Mag asawa Mag Best Friend din tayo kaya nauunawaan kita,Halika na Ma Late ka na Sigurado Lagot ka na naman kay Alma at Glenda' sabi ko sa kanya na Hinawakan ang Kamay niya at Umalis na kami.

Napalingon ako sa Likuran namin at Nakita ko si Bright na nakatingin sa aming Mag asawa.

'Hon Ilipaf na natin ang mga bata ng School' sabi ni Win

'Hon huwag mo naman idamay yung Education ng mga anak natin sa kagustuhan mo na hindi na makita si Bright,Okey simula ngayon lahat ng may kinalaman sa school ako na ang mag handle' sabi ko kay Win ng Malumanay

'Okey kung ayaw mo ilipat ang mga bata sige ikaw ang masusunod But Promise me na hindi na ako Pupunta sa School na ito'sabi ni Win

'Promise Sir' sabi ko na Ngumiti sa Asawa ko.

Naghiwalay kaming Mag asawa siya ay Nagpunta na sa Agency kung saan kakausapinb niya ang Fashion House  Owner na kumuha sa kanya  bilang Mukha ng kanilang Fashion House ang BunnyWolf Fashion and Design Inc.Malaking Kumpanya ang BunnyWolf at sikat siya Globally kaya naman excited si Win na Makapasok at Pumirmang Kontrata dito.Ako ay nasa Loob pa rin ng kotse at hindi makaalis sa Parking Lot ng School,hindi ko Alam kung tama ba itong inisip ko Pero gusto kung Bumaba at kausapin si Bright.Nakita ko pa rin ang Pares ng Mata na tumitingin kay Win ng buong Pagmamahal.Pero iiba na ngayon ako na ang asawa ni Win ng Siyam na Taon at Nawala si Bright ng Sampung Taon bakit Parehong Mata pa rin ang nakikita ko.Hinampas ko ang manibela ng aking Kotse at saka ako Mabilis na Nagmaneho Pauwi ng Bahay.

Bright's P.O.V

Nabigla ako ng Makita ko silang Magkasama hindi bilang Matalik na Magkaibigan kundi Mag asawa,Wala naman akong Karapatan na Magalit nawala ako ng Sampung Taon na hindi nagpaalam.Mahal ko pa rin si Win kagaya Noong mga bata pa kami.Ang Sarap Balikan ng Nakaraan kung Saan Malaya ko pa siyang natitingnan sa mata ng walang Panghuhusga ng iba.Mapapatawad kaya ako ni Win kapag nalaman niya ang katotohanan sa Pagkawala ko sa Araw na Ipinangako ko sa Kanya na Magpapakasal kami.

Nakaraan..

'Umamin ka nga sa akin May Gusto ka kay Win diba' sabi ni Yhen sa akin

Si Yhen ay isa sa Pinaka matalik kung Kaibigan,Kaming tatlo nina Win ay  Lumaking Magkakalaro at laging magkakasama sa araw araw.kaya alam kung hindi ako pwedeng magsinungaling sa kanya.

'Wala kaibigan ko lang siya parang ikaw'sabi ko kay Yhen

'Sinungaling nakikita ko sa mata mo na mahal mo siya'sabi ni Yhen sa akin

'Paano mo naman nasabi na may gusto ako sa kanya'tanong ko

'Madali lang kapag magkakasama tayong tatlo mas inaalagaan mo si Win kesa sa akin,Mas una mo siyang pinapahiram ng Assignments kesa sa akin saka lagi mo siyang sinasamahan kahit saan siya magpasama samantalang ako lagi mong sinasabi Malaki ka na yhen kaya mo na yan mas matangkad nga si Win sa akin pero siya sinasamahan mo' sabi ni Yhen

'Nagtatampo ka ba Sorry na hindi ko sinasadya yun'sabi ko kay Yhen

'Okey lang Tanggap ko na' sabi ni Ynen

'Anong Tanggap mo na' sabi ko sa kanya

'Tanggap ko na mas mahal mo si Win kesa sa akin okey lang yun kasi kaibigan lang naman kita,Pero natatakot ako na baka ganun din nararamdaman sayo ni Win'sabi ni Yhen

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon