"Love 18"

12 2 0
                                    

"Love 18"

Pinayuhan ni Hannah si Win na ilayo muna sa stress ang Asawa dahil nakakapagdulot ito ng Negatibong Reaksyon sa Immune System ni Yhen.Kaya kinausap ni Win ang mga Magulang ni Yhen tungkol sa kalagayan ni Yhen.

'Nay Pasensya na po kayo kung pati kayo nadadamay sa gulo hindi ko po talaga gustong ilagay si Yhen sa ganitong sitwasyon  na pati siya dinadamay ng mga Magulang ko'sabi ni Win

'Huwag mo kaming isipin pinaliwanag naman sa amin ni Yhen ang lahat at saka Bata pa lang naman kayong tatlo ganyan na ang sitwasyon ninyo para ma Protektahan kayo ni Bright laban sa mga taong sarado ang Isip Nagpapanggap si Yhen na Girlfriend ninyo kaya nagulat kami ng Hingiin mo ang kamay ng anak namin para Pakasalan dahil alam naman namin na si Bright talaga ang mahal mo Pero sabi ni Yhen magiging masaya siya sayo kaya pumayag kami at hindi naman siya Nagkamali naging Masaya nga siya'sabi ng Nanay ni Yhen

'Sa totoo lang po Nay kung ako ang masusunod hindi ko hahayaan na Magkahiwalay kami ni Yhen dahil minahal ko rin po siya ng lubos pero siya mismo ang laging nagtataboy sa akin Pabalik kay Bright Noong Una akala ko dahil lang sa sakit niya pero Noong mga nakaraan araw naramdaman ko na baka nga may nakikita si Yhen na ayaw ko lang na makita kaya ganun,na baka nga Ramdam niya na may parte pa rin si Bright sa Puso ko Pero Nay Maniwala po kayo kahit si Bright handa po siyang Mag sakripisyo para kay Yhen kaya lang sadya atang matigas ang ulo ng anak ninyo at kapag nag desisyon ay hindi na kayang mabago' sabi ni Win

Napangiti ang Nanay ni Yhen

'Lagi niyang sinasabi na hindi matigas ang ulo niya pero ang totoo hindi na ako nagtataka kung Saan niya nakuha ang Ugali ng mga anak ninyo dahil ang Totoo si Yhen ang Pinagmanahan nila sa Kapilyahan at sa pagiging Opinionated laging may sagot sa lahat at laging ipinipilit ang Gusto nagtataka nga ako na natitiis mo ang kapilyahan ng asawa mo'sabi nito kay Win

'Madali naman pong mahalin at unawain si Yhen sa totoo lang napakabuti niyang Asawa at Ina siguro masasabi ko rin na mabuti siyang Kaibigan'sabi ni Win

'At mabuti rin naman siyang anak'sabi ng Nanay ni Yhen

'Gusto ko po sanang ipagpaalam si Yhen at ang mga bata na habang bakasyon sa Batangas muna kami mag stay sa Resort nila Bright kailangan po kasi ni Yhen na Ilayo sa Polusyon at Stress para mapadali ang paggaling nito makakatulong po daw ang Positibong Environment para sa kanya' sabi ni Win

'Kung yan ang Makakatulong sa anak ko bakit ang hindi kami Papayag hayaan mo at Pagdating ng Tatay mo ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat'sabi ng Nanay ni Yhen

'Pwede po kayong Pumunta sa Batangas Anoman Oras at kung gusto ninyong hiramin ang mga bata pwede rin po'sabi ni Win

'Yun nga ang ipapakiusap ko sana sayo kung sakali man na Maghihiwalay kayong Mag asawa sana maging mabuting magulang pa rin kayo sa kambal dahil hindi madaling sabihin sa mga bata na maghihiwalay na ang mga Magulang nila kaya kailangan ninyong iparamdam sa kanila na hindi sila mababawasan ng Pagmamahal kundi madadagdagan pa Nasabi na rin sa akin ni Yhen ang tungkol kay Joss at Masaya ako dahil kahit Papaano may nagmamahal sa Anak ko'sabi ng Nanay ni Yhen

'Mahal ko pa rin naman po si Yhen hindi na nga lang po siguro sa Parte ng Pagiging Asawa kundi bilang Matalik na Kaibigan at parang Kapatid'sabi ni Win

'Nauunawaan kita Anak at may Bendisyon namin ng Tatay mo ang Desisyon ninyong Mag asawa pero hayaan na lang muna ninyo na Gumaling si Yhen bago ninyo gawing Legal ang Paghihiwalay para bawas na rin sa stress ninyong dalawa mauunawaan naman siguro kayo ni Bright at Joss'sabi ng Nanay ni Yhen

'Opo Nauunawaan po nila ang tanging Problema ay ang mga Magulang ko'sabi ni Win

'Bigyan mo sila ng Kaunting Panahon Alam kung Mauunawaan din nila ang Sitwasyon'sabi ng Nanay ni Yhen

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon