"Love 24"

21 3 0
                                    

"Love 24"

Inayos ng mga may Kapangyarihan ang Plano para mahuli ang Mastermind sa Pagdukot kay Bright,Kinausap ng Pulis ang tatlong akusado na kapag nakipagtulungan ito sa mga awtoridad na mahuli ang Mastermind ay  may Pag asa na bumaba ang kanilang taon na bubunuin sa kulungan.

'Isipin ninyo ito malakas ang Ebidensya na kayo ang Kumidnap sa anak ni Mr.Vachirawit na nakatakas dahil sa tulong ng asawa mo' tinuro ng Pulis ang Unang Lalaki

'Malakas ang Ebidensya sa inyo at kung hindi man kayo makipag tulungan mahuhuli pa rin namin ang Pinuno ninyo dahil may Ebidensya kami na kausap niya kayo sa Cellphone,Kaya para sa ikagagaan ng kaso ninyo Pag isipan ninyo ang Alok ko at Isa pa hindi papabayaan ng Pamilya Vachirawit  ang Asawa at Anak mo habang nakakulong ka katunayan bilang ganti sa utang na loob nila sa Asawa mo Pag aaralin nila ang anak mo hanggang Kolehiyo at bibigyan ng maayos na trabaho ang Misis mo kaya ikaw Mag isip ka sa kabila ng ginawa mong masama sinuklian pa ng kabutihan ang iyong Pamilya ng taong Muntik ng Mapatay ng dahil sa inyo'Paliwanag ng Hepe

'Handa akong makipag tulungan'sabi ng Pangalawang lalaki

'Ako din basta ipangako ninyo na gagaan ang Sintensya ko'sabi ng Pangatlong Lalaki

'Makakaasa kayo,Ikaw anong Desisyon mo sa inyong tatlo mas higit ang magiging Pakinabang mo dahil Makakapag arall ang anak mo hanggang sa makatapos sa tingin mo ba kaya mong pag aralin ang anak mo kung ang trabaho mo ay illegal'sabi ng Hepe

Bumuntong Hininga ang Lalaki saka tumingin sa dalawang Kasama

'Sige Payag na ako basta makapag aral ang anak ko kahit ikulong ninyo ako ng habang buhay'sabi ng Unang Lalaki na yumuko dahil naisip niya na mabuting tao ang gustong patayin ng kanyang Amo at ang Masama talaga ay ang Babaeng Nagbayad sa kanila.

Kinasa ang Entrapment Operation dinala si Bright Chelen at ang bata sa Isang Lugar kung Saan malayo  sa maraming tao upang walang madamay kung Sakali. Wala naman kaalam alam si Neevvy dahil Lumabas sina Bright gamit ang Sasakyan ni Joss na nagkunwaring may aasikasuhin kasama si Win. Naiwan sa Bahay si Yhen,Hannah at ang dalawang matandang babae. Minabuti na rin ng Lolo ni Bright na huwag ng isali sa gulo ang Asawa at Manugang.

'Tawagan mo na ang Amo mo'sabi ng Hepe ng Pulis

Tahimik ang lahat Nandoon na ang lahat maging sina Win at Joss kasama si Bright,Chelen at ang Bata. Naka Pwesto na ang lahat ng mga Pulis sa Lugar maging mga Sniper kung Sakali na may Kasama si Neevvy.

Ring..ring..ring..

'Hello'sabi ni Neevvy na Ngumiti sa Nanay ni Bright at sa Lola nito nagkukunwari naman si Hannah at Yhen na Abala sa kanilang kanya kanyang ginagawa para hindi makahalata si Neevvy na Palabas lang ang Lahat.

'Ma'am Nakita na namin ang Pinagtataguan ng Asawa ko at Nakuha na namin ang Lalaking Nakatakas'sabi ng Unang Lalaki

'Talaga Mommy sige Uuwi na ako Ingatan mo ang Pasalubong ko'sabi ni Neevvy upang hindi makahalata ang Apat na Babae

'Ma'am lumipat po kami ng Location dahil naisip ko na baka mainit na kami sa Lugar ko kaya dito sa Abandunadong lugar dito sa may Baras kami Nandoon mas ligtas dito dahil malayo sa kabahayan at mapuno kaya hindi masyadong Halata na may tao'Paliwanag ng Lalaki

'Okey Mom Papunta na ako tatawagan kita pag malapit na ako Bye Mommy' sabi ni Neevvy na nagku kunwaring Excited sa Pasalubong ng Ina

'Auntie  Lola Uuwi po muna ako kasi dumating si Mommy galing State may Pasalubong daw siya sa akin babalik na lang po ako Bukas'sabi ni Neevvy na humalik pa sa Nanay ni Bright at sa Lola ng Huli.

'Sige Paki kamusta mo na lang ako sa Mommy mo at Pakisabi na mag Tea naman kami dito sa bahay para magka kwentuhan'sabi ng Nanay ni Bright na nakangiti kay Neevvy

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon