"Love 27"

37 3 0
                                        

"Love 27""

Matagal nakatayo ang bisita ni Mang Ernesto sa may Pintuan ng magsalita ito

'Hindi mo ba ako Papasukin'sabi ng Misteryosong Bisita

'Anong Kailangan mo hindi ba matagal ng Panahon ng huli kang nagpunta dito kahit pa iisang lugar lang tayo'sabi ni Mang Nestor

'Ikaw na rin ang nagsabi matagal ng Panahon pero hanggang Ngayon dala dala mo pa rin sa Puso mo ang galit sa akin'sabi ng Misteryosong bisita

Anong Akala mo matatanggal ng Panahong Lumipas ang katotohanan na ikaw ang dahilan ng Pagkawala ng Kakambal ko'sabi ni Mang Ernesto

'Ilang beses ba akong hihingi ng tawad sayo at sa buong Pamilya mo para lang Patawarin mo ako Ernesto hindi ko naisip na gagawin yun ni Fernan akala ko tanggap niya ang desisyon ko dahil yun ang sinabi niya sa akin' sabi ng Misteryosong Lalaki

'At Naniwala ka naman Pagkatapos mo siyang Pa ibigin at sabihan ng mga kasinungalingan sasabihin mo na Magpapakasal ka na sa isang Babae dahil yun ang Gusto ng mga Magulang mo,Hindi mo manblqng siya Pinaglaban sa Magulang mo Basta ka na lang sumunod sa utos nilang Magpakasal kahit Alam mong may masasaktan ka' sabi ni Mang Ernesto

Tahimik na yumuko ang kanyang Bisita hindi makapag salita dahil alam niya na malaki ang kasalanan niya sa kapatid ni Mang Ernesto.

'Umalis ka na hindi mababago ng paglapit mo sa akin ang Desisyon ko hindi ikaw ang makakapagpabago ng tingin ko sa kahihinatnan ng anak ko kung ipagpapatuloy niya ang kahibangan niya magagaya lang siya sa kakambal ko na Aagawin ng Kamatayan ang buhay ng dahil sa maling Pag ibig'sabi ni Mang Ernesto

'Alam ko na ang Paglapit ko ay mas makakapag pa alab ng galit mo Ngunit sana Pakinggan mo Ako Nagmamahalan si Bright at Win at hindi yun napigilan ng ginawa mo kay Bright Oo nalaman ko rin na ikaw ang dahilan kung bakit siya nawalan ng Memorya Ngunit hindi ako gumawa ng hakbang dahil alam kung nagawa mo yun dahil sa matinding galit sa akin,Ang naging Mahalaga na lang sa aming Mag asawa na Ligtas ang kaisa isa naming  anak'sabi ng Misteryosong Lalaki

'Napamulagat si Mang Ernesto hindi niya inakalang alam ni David ang tungkol sa Nangyari akala niya naitago ng matagal ang sikretong yun sa pag alis ng mga Vachirawit sa Baryo Ngunit mali siya at Ngayon kinakabahan siya sa maaring mangyari sa kanya.

'Huwag kang mag alala kung hindi ginusto ng anak ko na palakihin pa ang nangyari dahil maraming taon na rin ang Lumipas mas lalong wala akong balak na pangunahan ang desisyon ng anak ko yan ang isang bagay na natutunan ko at ng Papa ko sa pagkawala ni Fernan na hindi ang Magulang ang magdidikta kung sino ang mamahalin ng anak nandito tayo para gabayan sila Ngunit hindi para Pangunahan sila sa Desisyon ng buhay nila'sabi ni Mang David

'Huli na ng matuto kayong Mag ama dahil wala na ang kapatid ko'sabi ni Mang Ernesto

'Hindi ko na kayang ibalik ang Nakaraan at kung may Kakayahan man ako siguro Pipiliin ko na lang na hindi magtapat kay Fernan kesa ako pa ang naging Dahilan ng Pagkamatay niya,Ikakasal si Win at Bright sa America balak namin umalis sa susunod na Linggo upang doon sila Magpakasal nasa ramang edad na si Win pwede na siyang Mag desisyon pero gusto niyang bigyan mo siya ng Bendisyon bilang anak hinahanap pa rin niya ang Pag sang ayon ng kanyang Ama sana huwag mo namang ipagkait yun sa anak mo'sabi ni Mang David

'Umalis ka na' sigaw ni Mang Ernesto

Dahil sa Pagsigaw biglang Lumabas ang Nnaay ni Win sa Kwarto at si Type nagulat sila ng makita ang Ama ni Bright sa harap ng Pintuan,Nagbigay galang si Type at nagmano sa kapitbahay nila dati

'Uncle Pasok po'sabi ni Type

'Aalis na siya' sabi ni Mang Ernesto na may diin ang pagsasalita

Umalis na si Mang David at Sumakay sa kotse alam niyang mas lalong lumaki ang galit ni Mang Ernesto ang nais lang naman niya ay tulungan si Bright at Win na makuha ang Bendisyon nito

"Still Love 2 Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon