***Thea Gomez***"Sir baka naman po pwedeng bigyan nyo naman kami ng chansa kahit bukas nalang po ninyo kami palayasin dito para hindi naman po gabing gabi sa lansangan kami matutulog" wika ko habang nagmamakaawa sa mga pulis at sa may ari ng lupa na kinatatayuan ng bahay namin pero hindi sila nakinig at pinilit kaming pinalayas.
"Huwag kayong mag alala bukas din may mahahanap din akong bagong bahay na lilipatan natin for now siguro dito muna tayo sa lansangan magpapalipas ng gabi" ani ni Theo na aking kakambal.
Identical twin kami pero magkaiba kami ng pananaw sa buhay,magkaiba ng ugali,kung siya ay kalmado ako naman ay warfreak. Kaya madalas ako napapaaway lalo na kung inaapi na nila ang aking twin brother.
"Theo...anong ginawa nyo dito sa kalsada gabing gabi na ah" ani ng isang babae,ay lalaki pero boses babae.
"Boss Eanne ikaw pala,na palayas kami sa bahay na tinitirhan namin hindi manlang nagbigay ng palugit" nakakamot ng batok na wika ni Theo sa driver ng kotse.
Hindi pa ako nakakabihis at may makapal padin akong make up napasulyap sa akin ang kausap ni Theo.
"Ganda ng chikababe mo ah" umirap ako at akmang magsasalita ng inakbayan ako ni Theo at bahagyang tinakpan ang aking bibig.
"Hehe kapatid ko si Dorothea" pakilala nito sa akin.
"May kilala akong pwde jyo tuluyan muna habang naghahanap kayo ng malilipatan kahit mag overnight lang kayo doon ngayon para naman hindi kayo dito matulog sa lansangan"
Sumama kami sa lesbian na kaibigan siguro ito ni Theo dinala kami sa isang apartment at nakakapagtakang kumpleto tlga ang gamit na parang pinaghandaan na darating kami.
Napakibit balikat nalang ako at hinayaan ko na silang mag usap.
Napansin kong tila kanina pa walang imik si Mama at nakatulala lamang ito."Ma..okay ka lang ba?" Tanong ko ng tumingin siya sa akin.
Ngumiti ito at tumango,lumapit ako sa kanya at hinawakan amg noo baka may lagnat dahil ang bait ng tingin niya ngayon.
"Ang bait ata ng mama namin ngayon ah" natutuwa at nang aasar ko pang saad pero hindi nanaman ito nagsalita.
Hinayaan ko nalang muna baka nabigla lang din sa pagpapaalis sa amin."Okay lang kayo"saad ni Theo habang naglalakad palapit sa amin.
"Ayos lang,nasaan na kasama mo?" Tanong ko.
"Umalis na may emergency daw sa kanila, hindi na siya kapag paalam pa dahil nagmamadali" saad niya.
Hindi na ako nagtanong pa sa mga bagay bagay at nagpahinga nalang kami kinabukasan ay maaga akong pumasok sa Mall dahil maaga din ang out ko mamaya.
Pero sa kamamadali ko natapilok ako at naputol ang heel ng isa kong sapatos.Akmang itataas ko sana ng biglang ma out of balance ang isa kong paa kaya naman ng mapapaupo na ako ay may malambot na katawan ang sumalo sa akin.
Napapikit ako at napangiwi habang hinihintay na bumagsak ako sa sahig pero pagdilat ko mukha ng mortal kong kaaway ang nakita ko at nakahapit sa aking katawan kaya agad akong kumawala pero nahila ko ito at sabay kaming bumagsak sa sahig at kumubabaw siya sa akin at ang kamay nitong isa ay nasa parteng dibdib ko at ang isa ay nakaalalay sa aking ulo"What the...." saad niya at mabilis itong tumayo na tila napaso pero maingat akong binitawan bago ito walang lingon na naglakad,habang ako naman ay hawak ang aking balakang sa sobrang sakit.
Binitbit ko ang sapatos ko at umakyat sa floor kung saan ako naka assign.
"Anong nangyari sayo Thea?" Tanong agad ni Malou ng makita akong tila lantang gulay.
BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
FanficMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...