***Thea Gomez***
"Dorothea,..yuhuu Dorothy!!!" Napalingon ako sa glass wall ng makita ko si Ryna na lumulundag lundag at pinag kakatok ang glass wall, dinig ko naman ang pagtawag nito dahil nakabukas ang pintuan.
Sinenyasan konitong mauna na atag oovertime ako ng isang oras, bumusangot ito at kumaway bago umalis.
Andito ako printing room kung saan narito lahat ang mga machine na ginagamit sa pag piprint, xerox at iba pang gamit ng marketing office.Naupo ako habang hinihintay na maprint ang first batch.
"Coffee" napaigtad ako ng biglang may magsalita sa aking likuran.
Paglingon ko ang maganda mukha at matamis na ngiti ni Maam Maxine ang bumulaga sa akin.
Napalunok ako ng bahagya atsaka yumukod."S-salamat po Maam" wika ko sabay kuha sa inabot nitong kape.
Akala ko aalis na ito pero naupo din ito sa bakanteng upuan na nasa harapan ko, nakatitig parin sa akin kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkabog sa aking dibdib.
"Thea, kalma ka lang..huwag kang magpahalatang apekptado ka sa presensya ni Maxine"saway ko sa aking sarili.
"Are you nervous?" Tumayo ito at lumapit sa akin.
Umiling ako pero muling humakbang ito palapit sa akin kaya napa atras ako.
"W- what are you doing?" nauutal kong tanong wala na akong aatrasan dahil mesa na ang nasa aking likuran at nablock na niya ako bahagya pa akong napaupo sa mesa pero hindi parin ito tumitigil sa paglapit ng kanyang mukha.
Unti unti na akong napapahiga sa mesa dahil nakatukod na ang kanyang kamay. Nanuyo na tuloy ang aking lalamunan.
Ngumisi ito. "Relax...aalisin ko lang yang ink na nakalagay sa noo mo" sambit nito kaya unti unti akong umupo sa mesa.
Naramdaman ko ang pagdami ng daliri nito sa aking noo at bahagyang pinunasan iyon.
Halos isang dangkal nalang ang lapit ng kanyang mukha sa akin kaya hindi ko maiwasang titigan ang labi nito, napalunok ako dahil sa pakiramdam na parang tuyong tuyo na ang aking lalamunan.Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya.
"What's going on here!?" isang tinig ang nagpabalik sa aking diwa. Sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses at kita ko ang galit na tingin ni Maam Scarlet.
"Bakit?.. nilinis ko lang noo niyang may tinta" malamig na tugon ni Maxine, ramdam ko ang pagkadisgusto niya sa sinasabi nilang future wife niya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Maxine at lumapit ito sa akin.
"Are flirting with my future wife?" Singhal nito sa akin kaya napaangat ako ng tingin.
"Hindi" matipid na saad ni Maam Maxine.
"At ano naman kung may haharot sa akin? Edi okay yun para hindi na hayaan ni Dad na matuloy ang kasal" seryosong dagdag nito atsaka naglakad at umupo kung saan nakapatong ang kape nito.
"Maxine?, matutuloy ang kasal sa ayaw at sa gusto mo" pagdidiin nito.
"Tssk...asa ka" pabulong na sagot nito pero malinaw ang pagkadinig ko.
"What did you say?" inis niyang nilapitan si Maxine.
"Baka po pwedeng lumabas na po kayo dito sa room, kailangan kong matapos ang printing bago gaganapin ang presentation sa new product ng Maxcis" naiirita kong saad dahil sa pag aaway ng dalawa ay nadadamay ang aking gawain.
"Pasensya ka na Dorothea..I'll be back" saad nito bago niya sa pilitang hilain si Scarlet.
"Wait, ano ba!..your hurting me"pag iinarte nito.
BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
FanfictionMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...