***Maxine Alfonso***Maaga akong nagising dahil sa hindi ako makatulog sa sobrang kilig na nararamdaman at excited nanaman akong makita si Dorothea.
"Bakit ang aga mo " bungad ni Scarlet dahilan para masira ang araw ko.
"Pwede huwag kang magpapakita sa akin sa umaga nakakasira ka ng araw" padabog ko siyang iniwan.
Hindi na ako nag almusal at dumiretso na ako sa opisina, halos iilan palang ang naroon akala ko maaga na ako pero eto at may mas maaga pa pala sa akin.
Napangiti ako ng makita ko si Dorothea na nakayuko at busy sa binabasa nito sa computer.
"Hi..goodmorning Dorothea" magiliw kong bati pero isang masamang tingin ang ipinukol nito sa akin.
"Ano naman ang good sa morning?" irap nito atsaka binalik ang tingin sa binabasa.
"Kung gaano kaganda ang umaga ko ganun naman kapangit ang gising mo?" nagtataka kong tanong.
"Atsaka bakit mo ako sinusungitan nakalimutan mo ata na ako ang boss mo?" dugtong ko.
"Pasensya na po Maam, napagod lang po" masungit parin niyang tugon.
Kinuha ko ang phone ko at may tinawagan.
"Magpadeliver ka ng food dito sa office good for two person" wika ko sabay tingin kay Dorothea. Busy parin ito kaya malaya ko itong natitigan. "Ang ganda mo talaga" mahina kong sambit.
Nataranta ako ng bigla itong mag angat ng mukha at nagtama ang aming mata."Anong sabi mo?" kunot noong saad nito.
"Huh?..ahm sabi ko mag- magpapadeliver ako ng food, kapag dumating ipasok mo nalang sa loob" nauutal kong saad at mabilis akong naglakad papasok sa aking opisina.
Mula dito sa kinauupuan ko at may glasswall sa aming pagitan, hindi kita ang tao sa loob pero kapag nasa loob ay kita ang mga nasa labas ng opisina.
Naupo ako sa aking swivel chair at hindi mawala sa aking labi ang ngiti habang pinagmamasdan ito."Anong klaseng ngiti yan Maxine?"
"Hoy!!!" napaigtad ako dahil sa pagtama ng lukot na papel sa aking mukha, doon ko nakita ang tawang tawan na si Eanne.
"What are you doing here!..atsaka hindi ka ba marunong kumatok?" inis kong saad dito.
"Hello?! Kanina pa ako katok ng katok dito, at kanina pa kita kinakausap pero saan ka nakatingin, sa magandang dilag na kamukha ni Theodore ang tingin mo,..at may pangiti ngiti ka pa.. huwag mong sabihin na" tinakpan ko ang bunganga nito dahil nakita ko ang pagtayo ni Dorothea hawak ang isang paper bag patungo sa aking opisina.
"Tumahimik ka Eanne, guguntingin ko yang dila mo" Pagbabanta ko dito, naglakad ito at naupo sa sofa at kunwari nagbabasa ng magazine.
"Maam narito na po yung order mo" sabay lapag nito sa mesa. Lalabas na sana ito ng mabilis kong hinawakan ang kamay niya na ikalaki naman ng mata nito.
"B-bakit po?" gulat niyang tanong.
Ngumisi ng tila may pang aasar si Eanne, kung pwde lang kaladkarin ko siya palabas para hindi nakakaistorbo sa amin nI Dorothea ginawa ko na."Samahan mo akong kumain"maotoridad kong saad.
"Kumain na po ako Maam" wika nito pero biglang tumunog ang tiyan niya kaya napangiti ako.
"Nagrereklamo na nga intestine mo " tila nahiya naman ito dahil namula ang mukha niya.
Dinala ko ang paper bag sa center table sa mining dining room at doon inilapag ang pagkain.
"Wow sarap naman yan" natatakam na wika ni Eanne.
"Kumuha ka ng plato sa pantry" utos ko kay Eanne.
"Ako nalang Maam" agad naman saad ni Dorothea pero hinawakan ko ito sa palapulsuan.
BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
FanficMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...