***Thea Gomez***"Mabuti naman at dumating ka na,kanina pa ako text ng text sayo!!." Singhal ko sa aking kakambal ng humihingal itong kumatok sa bintana ng kotse.
"Pasensya na,bakit ka kase naunang lumabas ng bahay yun tuloy ikaw ang naabutan niya doon,pero thank you dahil ikaw ang nakasama niya syempre ako ang nakipag kita kay Drex at nagkaroon kami ng quality time today.Thank you sis" tila kinikilig pa niyang wika.
Napatahimik kami ng biglang tumunog ang tiyan ko. Nag aalalang tumingin si Theo sa akin.
"Nagpunta kayo ng coffee shop?and she ordered coffee with milk" nakatahip ang kamay sa bigbig nito habang nakatitig sa akin.
May lactose intolerance ako bawal sa akin ang mga dairy milk dahil sasakit ang tiyan at mag babawas ako ng wala sa oras.inirapan ko ito at hinubad ko ang jacket.
"Yan isuot mo para di niya mapansin, I need to go tinatawag na ako ng kalikasan..kasalanan mo to eh..kaya agahan mo umuwi mamaya dahil maaga ang pasok ko sa Mall bukas kailangan ikaw ang pumasok tutal day off mo naman" naiinis akong lumabas ng kotse at mabilis na naghanap ng sasakyan pauwi ng bahay.
Hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko na ang palabas na si Maam Maxine sa Mall kaya ngtago ako sa isang poste.
Ng makaalis na ang sasakyan ay atsaka ako naghanap ng masasakyan pauwi,kaya ng makarating ako ng bahay ay dali dali akong nagtungo sa cr upang magbawas mabuti nalang naiuwi ko pa.
Nakailang ulit ako ng balik samantalang isang tasa lang naman yung nainom ko.Bumaba ako para uminom ng tubig dahil nanghihina na ako pabalik balik ng cr.
"Bakit ganyan ang itsura mo" kunot noong tanong ni Mama habang nakatitig sa akin.
Gulong gulo ang aking buhok dahil hindi ko na nasuklay ng tanggalin ko ang wig at sumbrerong suot ko kanina kaya tuloy nagmukha akong bruha sa gulo ng buhok."Wala po ma,masakit lang po ang tiyan ko" wika ko at tinungo ang kusina para uminom ng maligamgam na tubig.
Bumalik ako at naupo sa sala.
"Ano ba kasing kinain mo,ang sabi ni Theo kanina may date ka daw ?" nang uusisang tanong ulit ni Mama.
"Sino daw Ma?"
"Abah ikaw tong nakipag date ako ang tatanungin mo kung sino ang kadate mo?" medyo pasinghal niyang sambit.
"Ah..eh opo s-si Drex nagkita kami kanina at napakape ako ng may gatas" hindi ako tumitingin sa kanya ng bigla itong umupo sa aking tabi, hinawakan ako sa magkabilang braso at pinaharap niya ako sa kanya.
"Okay ka lang ba?..hindi ba masakit ang tiyan mo?..dadalhin ba kita sa hospital?..anak anong nararamdaman mo?" niyuyog yog nito ang aking balikat habang sunod sunod ang tanong nito.
Hindi ko mawari bakit parang sobrang pag aalala ang nakikita ko ngayon kay Mama na dati walang pakialam sa aming magkapatid.Nangilid din ang luha nito habang hinihimas ang aking tiyan.
"Ma..okay lang ako..atsaka konti lang nainom ko "kalmado kong tugon.
"Magsabi ka kung hindi mo kaya at dadalhin kita sa hospital" muling wika nito at tumayo na.
Napalingon ako sa kanya,alam kong pinipigilan niya ang kanyang sarili na mapalapit siya sa akin,sa amin ni Theo dahil lagi niyang iniisip na gaya ni Papa iiwan din namin siya.
"Ma, huwag kang mag alala bukas okay na ako" matamis ang ngiting iginawad ko sa kanya.
Kaya siguro ganun nalang mag alala dahil kamuntikan na akong mamatay noong bata ako dahil sa pagbawas ng walang tigil kaya nadehydrate ako simula noon hindi na ako tumikim pa ng mga gawa sa dairy milk.
BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
FanfictionMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...