Chapter16

157 14 1
                                    

Chapter 16

***Thea Gomez***

"Sis, pasensya ka na kung nadamay ka pa" malungkot na saad ng aking twin brother habang nag gagayak ako papasok sa trabaho.

"Ginusto ko din naman ang lahat Theo and nakatulong din naman siya para mapagamot natin si Mama" matipid kong ngiti sa kanya.

"Pero naging malungkutin ka na simula noong  iniwan mo siya sa hongkong..yung totoo mahal mo ba si Maam Maxine?" Tanong nito at hinawakan niya ako sa braso.

"Kung mahal mo siya hindi mo na kailangang magpanggap pa Thea, aamin tayo sa kanya kung talagang mahal ka niya hindi iyon magagalit sayo" dugtong nito.

Umiling ako at mapait na ngumiti.

"Hindi ko pwedeng mahalin ang anak ng taong sumira sa pamilya natin" wala sa sariling saad ko na ikinakunot naman ng noo ni Theodore.

"What do you mean?"

"Nothing..siya sige na malelate na ako sa work" at mabilis kong kinuha ang aking bag.

"Ma papasok na po ako, mag iingat po kayo dito..yung gamot mo huwag kalimutang inumin" paalala ko at hinalikan ko ito sa noo bago lumabas ng bahay.

Hindi na rin ngumangawa si Mama simula naoperahan ito, ramdam kong tila nahihiya siya sa amin kahit naman kasi gaano siya kabunganga mahal na mahal parin namin siya dahil siya ang Mama namin at ramdam ko din naman na naging coping mechanism lang niya ang pagbubunganga sa aming magkapatid noon para mailabas niya ang sakit sa puso niya dahil sa pag iwan sa amin ni Papa.

Huminto ang isang tricycle sa aking tabi at sumakay ako doon.

"Manong sa Maxcis building po" saad ko ngumiti naman ang driver.

"Lahat talaga ng naisasakay ko na nagtatrabaho sa Maxcis ay puro magaganda" pagbibirong saad ng driver.

"Naku manong hindi naman po, nakukuha lang kami sa make up at sa produkto po ng Maxcis kaya ikaw Manong kung gusto mong gumanda ang kutis mo bumili ka na maxcis beauty soap..sabihan mo ako para makadiscount ka" nakangiti ko namang sagot.

"Dinali mo naman ako sa marketing strategy mo Maam, pero sige po kapag nakaipon po ako bibili ako ng sabon ng maxcis" natatawang saad nito.

Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng building dahil sa kadaldalan ni Manong driver.

"Maraming salamat manong" kaway ko sa kanya ng maibigay ko na ang aking pamasahe.

Mabilis akong nagtungo sa marketing department at dumiretcho sa aking cubicle.
Mabuti nalang at nakahanap agad ako ng trabaho dito kahit paano hindi kami mahihirapang magsimula sa panibagong buhay. Buhay na malayo sa mga Alfonso.

"Ang aga mo naman" napalingon ako sa nagsalita at ngumiti ako dito.

"Hello Ryna goodmorning..marami kasi akong ihahabol na mga irereview na product kailangan daw mamaya sabi ni Head" masaya kong saad.

Si Ryna ang naging kaclose ko agad dito sa kumpanya at nakagaanan ng loob kaya hindi din ako nahirapan dahil matagal na din siya dito sa kumpanyang ito kaya sa kanya ako nagpapatulong at nanghihingi ng advice kapag hindi ko alam ang aking ginagawa.

"Mabuti at maaga ka darating ngayon si Maam Scarlet ang anak ng may ari nitong kumpanya baka magkakaroon lang din ngayon ng welcome party para sa kanila ng future wife niya" saad nito.

"Scarlet?..lalaki ba ?" kuryoso kong tanong.

Napatawa ito ng mahina.

"No, shes a gay..at babae din ang magiging asawa nito" nakangiting wika niya.

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

Ilang saglit pa ay nagkakagulo na ang lahat sa labas kaya naman napatayo narin ako. Nakita ko ang isang matangkad na babae, sexy at  maganda lahat ng nadadaanan niya ay niyuyukuran ito.

"Magandang araw Maam Scarlet" bati ng aking mga kasama kaya nakiyuko narin ako dahil siya pala ang anak ng may ari nitong kumpanya.

Huminto ito sa aking tabi at tumingin sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang sa paa.

"Maganda ka, bakit dito ka sa office nag tatrabaho? Pwede kang maging endorser ng beauty product" taas kilay nitong sambit.

"Hindi po ako pwde doon Maam" matipid kong sagot. Pinasadaan ulit ako ng tingin bago ito lumagpas sa aking kinatatayuan.

"Lesbian daw yun, grabe ang ganda niya para maging tibo" dinig kong wika ng isang empleyado na may ilongga accent pa ito.

Napakibit balikat nalang ako at bumalik na sa aking mesa. Pero bago pa man ako ulit makapasok sa aming opisina ay muling nagkagulo ang mga empleyado kaya napalingon ako.

"Maayong adlaw Maam Maxine" masayang salubong ng mga ito. Biglang kumabog ang dibdib sa pangalan na narinig.

"Maganda araw sa inyo" masayang sagot ng babae at sa boses palang niya ay parang kilala ko na ito kaya unti unti akong umatras para matakpan ako ng mga empleyado na nasa harapan ko na nakatayo.

"Dorothea?" napahawak ako sa aking id ng marinig ko ang pagtawag nito sa aking pangalan at pilit akong ngumiti.

"He-Hello po Maam Maxine" nahihiya kong bati.

"Nice to see you here, mukhang hindi ako mahihirapan dahil may kakilala naman pala ako dito" matamis na ngiting lumapit sa akin atsaka bumulong.

"Mag uusap tayo mamaya" wika nito at naramdaman ko ang paghawak nito sa aking bewang bago siya tuluyang umalis.

"Naku fren mukhang love at first sight sayo ang magjowa..biruin mo yon nasa likod ka na pero ikaw parin ang nakita ni Maam Scarlet tapos sumunod naman si Maam Maxine..iba talaga ang ganda mo girl" tila kinikilig na wika ni Ryna.

"Sira ka talaga hindi naman sadyang matangkad lang ako kaya ako ang nakita" saad ko kahit ramdam ko ang kaba dahil sa presensya ni Maxine.

"Alam na kaya niya, lumayo na ako para makapagmove on na at makalimutan ko na siya pero bakit parang pinaglalapit pa kami ng tadhana"

"Hoy Dorothy!..napasma ka na sa tunganga diyan" sigaw ni Ryna kaya napalingon ako sa kanya habang tawang tawa ito.
Napabusangot akong naglakad papunta sa aking mesa.

"Goodmorning madam ganda.." halos sabay sabay naming bati kay Ms Laura ng mabungaran namin sa pintuan. Siya ang Head namin dito sa marketing department. Masayahin siyanh tao kaya hindi ito mahirap pakisamahan.

"Nambola nanaman kayo, anyway ipapaalam ko lang na sa susunod na araw kailangan na nating matapos ang mga ginagawa nating presentation para sa bagong face cream natin kaya ireview ninyong maigi para kapag nagtanong ang isa sa mga boss natin lahat ayay idea sa produkto baka mamaya matunganga nanaman ang lahat" saad nito habang nakangiti sa aming lahat.

"Ill give to Dorothea ang printing sa mga gagamiting visual aid sa araw ng presentation" dugtong nito at bumaling ng tingin sa akin.

"Yes po Maam, makakaasa po kayong magagawa ko lahat bago ang presentation" nakangiti ko namang tugon.

"Good..dapat prensentable ang lahat dahil manonood si Maam Maxine at Maam Scarlet" muling wika nito na magpakabog sa dibdib ko.

"Hindi ko na talaga siya maiiwasan kahit anong gawin ko dahil iisang building lang ang iniikutan namin" saad ko sa aking isipan at napahilot nalang sa aking sintido.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon