Namasyal kami buong maghapon at naging masaya naman iyon.
Nagpunta din kami sa Hongkong Disneyland at nagrides, talagang sinulit namin ang oras na magkasama kami, tawang tawa ako dahil hilong hilo na si Theo sa mga napipili kong sinasakyan namin"Uwi na tayo, baka dito na ako mawalang ng hininga" nasusuka at sapo sapo ang ulo matapos naming sumakay sa roller coaster racer.
"Okay ka lang?" natatawa kong hinaplos ang balikat nito at hinila papunta sa bench.
"Nahilo lang ako konti, pero ayos lang ako" muli ng bumalik ang ngiti nito.
Matapos naming mamasyal ay kumain kami sa isang chinese restaurant at doon kumain, napansin kong puro maanghang ang inorder nito samantalang hindi naman niya gusto ang maanghang.
"Kailan mo pa nakahiligan ang spicy food?" Nakangiti parin ako sa kanya.
"Ahmm, inaral ko paano kumain ng hot and spicy dahil sa mahilig ka ng spicy ayaw ko namang palagi nalang ikaw ang nag aadjust pagdating sa pagkain kaya eto naging paborito ko na" tugon nito.
Tumango ako at bahagyang tumitig sa kanya.
Mayroon talagang kakaiba sa kanya minsan hindi ko lang matukoy kung ano iyon, bukod sa paiba iba kong feelings sa kanya parang mqy gusto akong malaman sa pagkatao niya pero hindi ko alam kung ano iyon."Baka matunaw ako niyan" ngisi nito na ikinatawa ko.
"Ang gwapo mo kasi, hindi ka nakakasawang titigan"
"Mahilig ka bang magbasketball" biglang tanong nito.
"Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Ang galing mo kasing mambola" sagot nito kaya muli akong napatawa.
"Ewan ko sayo Theodore" nakangiti parin ito habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato.
"Siya nga pala bakit atat ang Daddy mo na maikasal ka sa lalaki" pag iiba nito sa usapan.
Nilunok ko ang pagkain na nasa aking bunganga at tumingin sa kanya.
"Natatakot kasi si Daddy na i will end up kay Magie, or sabihin nalang natin ayaw niyang pamarisan ko siya" pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya.
"Pamarisan?" Kunot noong tanong naman nito.
"Uhm, minsan na din kasing nagkasala si Dad sa amin, he fall inlove with a guy na pamilyado gaya niya at naging dahilan si Daddy sa pagkasira ng pamilyang iyon na hanggang ngayon pinag sisihan niya" malungkot kong saad.
"Bakit may pamilya din ba si Magie? Or may masisira ka ba just incase na papatol ka sa kapwa mo babae?" muling tanong nito.
Umiling ako. " sadyang ayaw na ni Dad kung maari na sumunod ako sa mundong tinahak niya noon"
"Ah see" tumango tangong sambit nito.
"Mabuti bumalik pa sa inyo ang Dad after niya sumama sa guy na iyon?"
"Bumalik siya noong namatay na yung lalaking kinakasama niya dahil may sakit, pinatawad namin siya dahil gusto ni Mom na magkaroon kami ng buong pamilya"
"Nakita mo yung lalaking iyon?" tila nagkainterest na tanong nito.
"Oo may larawan siya sa mansion pero pinatago na iyon ni Mommy" sagot.
Marami pa kaming napagkwentohan bago kami bumalik sa hotel na aming tinutuluyan.
"Gusto mo mag inom tayo? Last shot para sa pagiging rented boyfriend ko" ngiti nito pero bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil parang ayaw ko ng matapos pa ang araw na ito.
Tumingin ako sa kanya at malungkot na ngumiti.
"Kung pwede lang huwag na natin tapusin"malungkot kong saad.
"Pero kailangan dahil may kasintahan ako, mahal ko si Drex at sana mahanap mo din yung taong psra sayo talaga" tugon naman nito.
Parang tinusok ng karayom ang aking puso dahil sa sinabi nito.
"Mahal na kita" nakayuko kong saad dahil nakahanda na ang mga luhang babagsak mula sa aking mata.Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagtulo ng aking luha.
"Im just your rented boyfriend, no string attach...yan ang usapan natin noon " malamig niyang saad.
Hindi ito ang inaasahan kong ending naming dalawa, ang akala ko magiging totoong kasintahan ko siya sa huli pero ano to..ako lang pala ang nahulog sa sarili kong laro at patibong.
Inangat ko ang aking mukha at tumingin sa kanya, wala akong nakikitang kahit anong emosyon sa mata nito, malamig at tila hindi interesado kaya lalo akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko.
"K-kahit konti lang ba wala kang naramdaman sa akin?, yung nangyari sa atin kagabi anong ibig sabihin nun" tuluyan ng bumuhos ang luha sa aking mata.
"It was just s*x no love involve " akmang tatayo ito pero hinawakan ko ang kamay niya.
"Eto na ang huli nating pagkikita Maam Maxine, tapos na ang trabaho ko sayo"wika nito at pilit na inalis ang kamay ko na nakahawak sa kanya.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak., ngayon lang nangyari ang ganitong sakit sa dibdib ng dahil sa isang taong minahal ko.
Nag eempake na ito ng sinundan ko ito sa kwarto, bumuntong hininga ako at umupo sa gilid ng kama.
"Lets d-drink for the last time..please" mahinahon kong sambit.
Huminto ito sa paglagay ng kanyang damit sa maleta at tumingin sa akin.
" Magbabago ba ang nararamdaman mo kapag pinagbigyan kita?, kakalimutan mo na ba ako kapag pumayag ako? Dahil kung hindi huwag na baka mas lalo ka pangahulog sa akin" seryosong saad niya.
"Gusto kong pasayahin mo ako for the last time..make me happy " tangi kong sambit sa halip na sagutin ang tanong nito.
Dinig ko ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa katahimikan sa pagitan namin. Humakbang ito palapit sa akin at naupo sa aking tabi.
"I'm sorry kung hindi kita kayang mahalin" sabay haplos nito sa aking mukha.
Bakit hindi kayang paniwalaan ng puso ko ang mga sinasabi niya,bakit sa bawat haplos niya sa aking balat ay magpapahiwatig ng labis na pagmamahal."Come,lets drink" tipid itong ngumiti at iginiya ako sa living room.
Nag inoman kami hanggang sa sobrang lasing ko na, at tila may sarili na akong mundo,. Sinadya kong maglasing ng sobra para hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Naramdaman ko nalang ang tila pagbuhat sa akin ni Theo na parang bagong kasal at ilang segundo lang ay lumapat na ang aking likod sa malambot na kama.
Bago pa siya makatayo at pinulupot ko na ang aking braso sa kanyang batok dahilan para mapadagan ito sa akin.Alam kong hindi niya ako ginamitan ng kanyang sandata noong may nangyari sa amin, ngayon sisiguruhin kong mabubuntis niya ako.
Nagsimula narin maglikot ang aking kamay pero pinipigilan niya ito,idinaop niya ang isang palad niya sa aking palad at ang isa naman at nakahawak sa aking palapulsuan habang nakalagay sa aking ulohan.
Bumitaw ang isang kamay nito at bumaba sa aking kaselanan, habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa aking dalawang kamay na nakapiid ulit sa aking ulohan.
Naramdaman ko nalang ang paghabol ang aking hininga ng bumilis ang galaw ng kanyang daliri at ilang minuto pa nga ay narating ko na ang sukdulan.
Tumingin ito sa akin at kinintilan ako ng halik, dahil sa pagod at kalasingan ay nakatulog ako kahit gustohin ko man na bigyan din ito ng serbisyo."Sleepwell hon, hindi ko kayang mahalin ka sa ngayon..Paalam" iyon ang huli kong narinig bago ako tuluyang nakatulog.

BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
FanfictionMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...