***Maxine Alfonso***Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako, nagising nalang ako sa mahinang tapik sa aking balikat.
"Anak, gising na hindi ka pa kumakain" boses ni Mommy. Unti unti kong idinilat ang aking mata at mataman akong tinitigan.
"Im not hungry" tipid kong sagot.
"Iha, intindihin mo nalang ang Dad mo, alam kong para din sa ikakabuti mo ang ginagawa niya" tamad akong bumangon at sumandal sa headboard ng aking kama.
Umiling ako.
"Ginagawa niya para sa sarili lang niya.. Hindi ko hinangad ang madaming kayamanan Mommy..gusto ko lang masaya at malaya" garagal kong saad habang nag umpisa nanamang mamuo ang aking luha.
Akmang magsasalita pa sana si Mommy ng bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa doon si Daddy at sa likod nito ay si yaya na may tulak tulak na dalawang malalaking maleta.
"Andito na so Scarlet, dito muna siya mag stay ng ilang buwan para makilala ninyo ang isat isa" wika ni Dad at lumabas mula sa likod nito ang isang matangkad at magandang babae.
Napangisi ako ng mapait at tumango.
"Wala na akong magagawa sa gusto ninyong mangyari ngayon, Im going to laguna today..pwde nyo siya patuluyin dito if ypu want..she can use my room " wika ko at tumayo na ako para mag empake.
"Walang aalis..ang Maxie Mall sa laguna ay hayaan mo na dahil andun ang pinsan mo para mamahala..kayo ni Scarlet ay pupunta ng Ilo-ilo para sa Maxcis group at kayo ang mamahala kumpanya" maotoridad na sambit ni Dad.
Alam kong galit na ito dahil umigting ang panga niyang nakatitig sa akin.
Wala na akong nagawa matapos sabihin iyon ng aking ama, naramdaman k9 ang mahinang pag tapik ni Mommy sa akin."Pakisamahan mo nalang si Scarlet, dont worry anak gagawa ako ng paraan para makasiguro na magiging masaya ka sa pagpapakasal sa anak ni Francis" bulong nito at napatingin ako sa babaeng napaka sopistikada tignan.
Hindi nalang ako umimik at iniwan ang mga ito.
"Anong plano mo niyan? Akala ko ba kasi magpapabuntis ka na kay Theo sa Hongkong bakit hindi ka ba nadali" saad ni Eanne ng madatnan ako sa paborito naming bar.
Tinawagan ko ito na agad naman akong pinuntahan."May nangyari sa amin pero, hindi ko naramdaman na ginamitan niya ako ng kanyang sandata" mahina kong saad sabay inom ng alak.
"Omg wala kang napatayo sa kanya?" Singit naman ni Alyssa na kanina pa tahimik na nakikinig.
"Tumayo ang daliri" pabulong na wika ni Eanne sabay hagikgik.
"Siraulo talaga kayo, pero seryoso naguguluhan ako sa sinabi ni Dad na when I was in Hongkong nagpunta si Theo sa bahay para pormal na magpaalam sa kanyang trabaho"at muli akong lumagok ng alak.
"So ibig sabihin dalawang Theo ang nakakasama mo?" Kunot noong tanong ni Alyssa.
Tinitigan ako ng dalawa at nag aabang sa aking isasagot.
"I think so"
"May kambal si Theo?" Halos sabay nilang bulalas.
"Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari, may Theo na mahilig sa coffee with creamer and isang nakakasama ko black coffee lang dahil sumasakit ang tiyan kapag may creamer ang kape, marunong mag drive ang totoong Theo habang ang impostor ay hindi"
"At sa impostor ka nainlove hindi kay Theo..Hindi rin si Theo ang kasama mo sa hongkong.." konklusyon ni Eanne.
"Oww emmm gee...sinuko mo ang kiffy mo sa impostor!!?" nanlalaki ang matang saad naman ni Alyssa.
Sinamaan ko ito ng tingin "bunganga mo ang daldal" saway ko dito kaya napatahip ng bibig.
"Ang dami ko ng iniisip, isa pa yung Scarlet na iyon" problemadong sambit.
Kita ko ang awa sa mata ng aking mga kaibigan at sabay nilang tinapik ang aking balikat.
"Kaya mo Yan Maxie" sabay nilang sambit. Tumango lang ako at muling lumagok ng alak.
"So magpapasakal ka sa babaeng hindi mo naman kilala?" muling tanong ni Alysa.
"Hindi..hahanapin ko si Theo at pipiliting pakasalan ako sa ayaw sa gusto niya para hindi matuloy ang kasal na binabalak ng aking magulang" desidido kong tugon.
"Eanne I need your help, kailangang mahanap mo si Theo bago maganap ang kasal namin ni Scarlet sa susunod na buwan" dugtong ko at seryoso akong tumingin sa kawalan.
Hindi ko hahayaang maikasal ako sa taong hindi ko naman mahal, maiging kay Theo ako maitali kaysa babae na iyon.
"Ang problema nga hindi ka kay Theo inlove Maxie, saan mo hahanapin yung Theo na nakasama mo sa Hongkong?"
Nalipat ko tingin ko kay Alyssa ng magsalita ito.
"Ramdam kong may alam si Theo sa mga nangyari kaya kailangan siyang mahanap"
Nangako naman si Eanne na tutulongan niya aking mahanap si Theo.
_____Isang araw nang nasa bahay si Scarlet at hindi pa kami nagkakaroon ng maayos na pag uusap dahil hindi ako natutulog sa room ko kung saan siya pinatuloy ni Daddy.
"Andiyan ka lang pala, pwede ba tayong mag usap?" nakahalukipkip itong lumapit sa akin habang na nonood ako ng news.l at naupo sa sofa.
Tinapunan ko lang siya ng tingin at muling ibinalik ang aking atensyon sa screen ng telebisyon.
"We should accept the fact na ito na talaga ang nakatadhana para sa atin, kaya sana huwag mo na gawing komplikado ang lahat" saad nito na tila gustong gusto nitong maikasal.
"Magkano ba ang kailangan mo para umalis ka na sa bahay na ito, ibibigay ko sayo ang lahat ng gusto mo huwag ka lang pumayag sa gusto ni Dad" malamig ko itong nilingon.
Nagkibit balikat lang ito at ngumisi bago tumayo ulit.
"Susunod ako sa kung ano ang nakasulat sa last will ni Papa Francis" saad nito bago ito nalakad palabas ng bahay.
Kumuyom ang aking kamao at humigpit ang hawak ko sa remote control hindi ko napigilan ang aking emosyon at naihagis ko ito sa sahig dahilan para maghiwa-hiwalay ang mga parte nito.
Napalunok ako at napasabunot nalang sa aking ulo.
Akmang pupulutin ko ito ng tumunog ang aking cellphone. Ng makita kong si Eanne ang tumatawag ay agad ko itong sinagot." hello Eanne anong balita?" Agad kong tanong.
"Good news nasa Iloilo sila ngayon kasama ang buong pamilya ni Theo at magugulat ka sa sasabihin ko..." wika nito na tila na eexcite.
"Ano yon? Sabihin mo na" atat kong saad.
"Natransfer mo na ba yung bayad sa serbisyo ko?" napa irap ako sa kawalan.
"Mukhang pera ka talaga, oo ipapatransfer ko sa bank account mo after this call okay kaya sabihin mo na ang nalaman mo!" naiinis kong wika.
"Kalma..si Theo ay may kakambal and identical twins sila,may twin sister siya"
Hindi agad ako nakapagsalita sa nalaman.
"Nagwowork ang babae sa Maxcis group ang isa sa mga sikat na beauty product company sa Iloilo" dugtong nito.
"Maxine..hello..hoy..hello..yung pera wag kalimutan na isend" dinig kong saad nito bago ko pinatay ang tawag at mabilis na umakyat sa aking kwarto at nag empake atsaka ko hinanap si Daddy dito sa mansion.
"Dad, luluwas na kami papuntang Iloilo, tinatanggap ko na ang pamamahala sa kumpanya nyo ng Francis na iyon pero sana hayaan nyo kami ni Scarlet kung madevelop ang feelings namin sige magpapakasal ako sa kanya pero kung hindi sana huwag niyo akong pilitin" sambit ko kay Dad.
Hindi naman naging mahirap kausapin si Dad sa gusto kong mangyari kaya naman agad din kaming naghanda papuntang Iloilo.
"Pupunta ako doon para malinawan ang lahat. Hindi para madevelop ang feelings ko sa babaeng ito" saad ko sa aking isipan sabay sulyap katabi kong busy sa kapipindot sa cellphone.
"Theo magtutuos tayo".
BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
FanficMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...