Chapter24

251 20 2
                                    


***Thea Gomez***

"Sis..mahal mo naman siya bakit hindi mo nalang patawarin si Tito Max at tanggapin na ang magiging asawa mo ay ang unica iha niya" masuyong saad ng aking kakambal.

"Pumayag naman na ako diba?" Nakairap kong tugon, tumayo ako at kumuha ng osang mansanas sa rrf at hinugasan iyon.

Bumuntong hininga ako.

"Pero napipilitan ka lang ba?" Muling tanong nito, kumagat ako sa hawak kong mansanas at sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi na mahalaga kung napipilitan man ako, ang mahalaga masaya si Mama At hindi na siya ma stress pa" tugon ko at muling kumagat ng mansanas.

"Hindi mo kailangang magalit sa Tito Max nyo, dahil ako ang dahilan kung bakit naudlot ang pagmamahalan nila noon, masaya ang samahan namin nila Max at Francis, bestfriend kaming tatlo noong panahong iyon pero nagkaroon ng di inaasahang pangyayari nilasing kaming lahat ni Amelia dahil sa sobrang pagkagusto niya sa Papa niyo pero sa ibang kwarto ang napasukan niya at ako ay ipinasok sa kwarto kung saan naroon si Francis,doon may naganap sa amin at Nagbunga ang naganap na iyon sa pagitan namin nig Papa nyo maya napilitan siyang pakasalan ako,lahat kami ay maging biktima sa kasamaan ni Amelia. Nalaman ko din na nagbuntis siya at sa palagay ko so Max ang ama ng batang iyon" mahabang kwento ni Mama.

"Ibig sabihin magkapatid si Maxine at Scarlet? Taliwas sa sinasabi nilang si Papa ang ama niya?..pero bakit pinipilit na ipakasal kay Maxine eh magkapatid naman sila?" Kunot noo g tanong ni Theo.

"Dahil sa pera, gusto nilang makuha ang kayamanan ng Papa niyo"

Naliwanagan ang aking isip dahil s kwento ni Mama pero hindi ko parin maiwasan ang makaramdam ng pagtatampo dahil nawala si Papa ng hindi manlang namin siya nakakausap.

"Bakit hindi tayo pinuntahan ni Papa bago manlang sana siya pumanaw" may tampo at kirot sa aking puso habang nakatingin kay Mama.

" Hiniling daw niya iyon sa Tito Francis niyo na huwag nalang isabi pa sa atin dahil ayaw niya tayong bigyan ng obligasyon pa, tanging bilin lang niya na kapag nagkrus ang landas ng Gomez at Alfonso ay ibigay at tuparin ang huling habilin nito"

Marami pang sinabi si Mama at ipinaintindi sa amin ni Theo, mabilis namang lumambot ang puso ng aking kapatid pero ako may tampo parin akong nararamdaman sa pamilya ng mga Alfonso dahil sa paglisan ni Papa na hindi ko manlang nasilayan.

Pagsapit nga ng gabi ay dumating sila Tito Max upang pag usapan ang aming kasal.

Kalmado ang mukha ni Maxine at tila nag niningning pa angata nito habang ako ay simangot amg ibinungad ko sa.lahat.

Kanina pa sila nag uusap usap pero tila wala akong naririnig at wala ang atensyon ko sa kanila, nilalaro ko lang ang hawak kong  throw pillow.

"Hindi naman na siguro mahihirapan pa ang ating mga anak dahil nabalitaan kong may mutual understanding naman na daw sila" dinog kong saad ni Tito Max na agad kong iki aangat ng tingin.

"Mutual anger po siguro" walang emosyon kong tugon.

Hinawakan ni Mama ang aking kamay na nakapatong sa unan.

"Yes Dad, may mutual feelings po kami para sa isat isa,..ayaw lang talagang aminin ni Thea dahil hindi niya inaasahang mahuhulog siya sa magandang dilag na gaya ko" nakangiting wika ni Maxine  sabay kindat nito.

"May bagyo po ngayon,gabi na baka abutan po kayo ng ulan" wala sa sariling saad ko.
Napakunot naman si Mama sa sinabi ko.

"Wala naman binabalita kanina nak"

"Pero ngayon po ay meron na Maxine po ang pangalan ng bagyo, kaya ingat nalang ang lahat baka tangayin tayo sa sobramg kahanginan" seryoso parin ang mukha ko sinabayan ng irap si Maxine.

"Okay lang yon, ikaw lang naman ang gusto kong tangayin" nakangiting saad nito.

"Pftr..Corny lakas talaga ng hangin" bulong ko.

"Ganun din kalakas ang pagtibok ng puso ko para sayo" pakindat niyang saad, magkatabi lang kami sa upuan kaya dinig ko iyon kahit mahina lang ang pagkakasabi.

Umirap ako.

"Oh siya tama na yan, mamaya magkapikunan pa kayo" wika ni Mama na nakaupo din sa tabi ko.

Hindi na ako nagsalita pa dahil sa inis.
Wala akong naintindihan sa kanilang usapan dahil wala ako sa focus.

"Dad dito nalang po muna ako, bukas na po ako uuwi..gusto kong makabonding ang future wife ko" dinig kong wika ni Maxine kaya biglang nagising ang diwa ko.

"Ha?, saan ka matutulog walang bakanteng kwarto dito kaya umuwi ka na" agad kong sambit.

Ngumisi lang ito at tumayo.

"Mama Theresse saan po ang room ni Thea, doon nalang ako matutulog" aniya

Lumingon si Mama na ngayon ay naglalakad na ito palabas ng bahay para ihatid sa labas sila Tito Max " sa ikalawang pinto nak" tugon naman ni Mama.

"Ang kapal ng mukha akala mo naman close sa mama ko" padabog kong saad at tumalikod na patungo sa aking kwarto pero bago pa man ako makapasok ay nauna na ito.

"Hoy...ano ba, lumabas ka dito...hindi ka matutulog dito sa kwarto ko" singhal ko pero tila wala siyang narinig at dumiretso sa banyo at ilang minuto pa ay dinig ko na ang paglagaslas ng tubig sa shower.
Makalipas ng halos kalahating oras ay lumabas na din ito nakabalabal lamang ito ng towel.

"Buti lumabas ka pa" nakahalukipkip kong saad.

"Pahiram ako ng damit mo, wala akong isusuot" wika niya pero inirapan ko lang ito.

"Bahala ka, sinabi ko kasing umuwi ka na dahil wala kang gamit dito matulog ka na ganyang nakabalabal ka ng tuwalya" inis kong saad at pumasok na din sa banyo para maglinis ng katawan.

Paglabas ko ay nakahiga na ito sa kama at nakahanger na ang towel na ginamit nito kanina.

"Saan ka kumuha ng damit mo" inis kong tanong sabay hila sa kumot na bumalot sa katawan nito ,namilog ang mata ko.

Ngumiti lang ito.

"Sino nagsabing may damit ako, pahiramin mo ako kung ayaw mong matulog na may katabi kang nakahubo" nakangising wika nito.

Natarata akong tumalikod at nagtungo sa drawer para hanapan ito ng maari niyang isuot.

"Calm down hon, nakita mo na nga ito diba, ilang beses mo ng sinamba ang katawan ko sa katauhan noon ni Theo" bulong nito,hindi ko namalayang nasa likod ko na ito at nakapulot ang braso nito sa aking bewang.

"A-anong pinag sasabi mo" nauutal kong saad.

"Please kalimutan na natin ang nakaraan ng magulang natin at ituloy natin ang napagkasunduan, mahal kita Thea..hindi ko hahayaang sa iba ako ikasal, gusto ko sayo ako ikakasal" tila musika sa aking pandinig ang sinabi nito.

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg at ang banayad na pagdampi ng labi nito.

"Gosh,, wag kang bibigay Thea...magpahard to get ka naman" saway ko sa aking sarili kahit ramdam ko na ang panlalambot ng aking tuhod dahil sa haplos at presensya ni Maxine.

Ang lakas ng pintig ng aking puso,ramdama ko sa aking likod ang paglapat ng malambot niyang niyang dibdib. Aminin ko man o hindi mabilis akong nakakaramdam ng arousal pagdating kay Maxine,init na hindi ko nararamdam sa kahit sinong babaeng nakakatrabaho ko,kailangan kong pigilan ang aking sarili.

"Oh eto isuot mo" inis kong ibinigay ang damit pero hindi ako lumilingon sa kanya, napalunok ako ng bumitaw na ito sa pagkakayakap pero nanatili akong nakatalikod.

"Im done hon, halika ka sleep na tayo..pupunta pa tayo bukas sa bayan para magpasukat ng isusuot natin sa wedding day" wika nito, narinig ko ang mahinang paghiga nito sa kama kaya doon lang ako lumingon.

Nahiga ako at tumalikod sa kanya, naramdaman ko ang paggalaw nito at ilang saglit lang ay may kamay na pumulupot sa aking bewang at ang paa nito ay idinantay sa akong binti.

" Maxine..ano ba ang luwang ng kama" reklamo ko.

"Hayaan mo lang ako, I want to feel you habang natutulog" bulong nito habang nakasiksik ang ulo nito sa bandang batok ko.

Marahas nalang akong napabuga ng hangin. Ang kulit talaga.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon