Chapter 2

415 17 1
                                    


***Maxine Alfonso***

"Theodore paunahin mo muna yang sasakyan na nasa unahan,kotse yan ni Magie baka mamaya kukulitin nanaman ako niyan,alam mo namang iniiwasan kk na siya" saad ko sa aking driver body guard.
Napansin ko ang pag asim ng mukha nito dahil ayaw niyang natatawag sa buo niyang pangalan.

Muli akong mapatingin sa kanya parang hawig niya yung sales lady kanina sa Mall.

"Yes Maam?may gusto ka pa bang sanihin?" Kunot noo niyang tingin sa rearview mirror .

"Wala may naalala lang ako" saad ko at muling tumingin sa bintana ng kotse.

Ako nga pala si Maxine Alfonso, isang modelo at anak ng isang kilalang negosyante ng Pilipinas. Spoiled brat at lahat ng gusto ko ay nakukuha ko pero pinapanatili kong malinis ang reputasyon ng aking pamilya dahil minsan ng muntikang mawala si Daddy ng dahil sa aking kabulastugan sa buhay.Hindi ko parin naiiwasan ang madawit sa gulo pero naayos din naman agad Ngayong andito na ako sa pilipinas  sa akin na ipinagkatiwala ni Dad ang pamamahala sa Maxie Mall ang pinakamalaking Mall sa Northern Luzon.

Maganda rin na konti lang ang nakakaalam na ako ang CEO ng Maxie para nagagawa ko parin ng normal ang aking routine nakakapamili ako ng damit na gusto ko.
Natigilan ako sa pag iisip ng maalala ko ang  short na kinuha ko kanina sa Mall.
Napngiti ako ng maalala ang mukha ng babaeng halos magwala na sa paghabol sakin pero pinigilan siya ni Manager Lim.

"Shes cute pero nagmukha siyang bisugo sa kapal ng lipstick niya" natatawa kong naiisip ang mukha nito.

"Maam okay ka lang?" agaw pansin ni Theodore kaya napasulyap ako sa kanya.

"Mukha ba akong hindi okay?" Pagsusungit kong tanong.

"Kanina ka pa po kasi ngingiti ngiti diyan" nahihiyang sambit nito.

"Alam mo Theodore masyado ka ng nakikialam sa buhay ko" pairap kong tugon.

Napapansin ko ang tila malambot na galawan minsan ni Theodore dahil sa mga gesture nito pero napapaisip nalang ako kung paano siya natanggap ng agency kung totoo mang ganun ang pagkatao niya.

"Ahmm Theodore may girlfriend ka na ba?" agad itong napapreno dahil sa tanong ko.

"What girlfriend?eeww hindi ako mag gigirlfriend noh" maarte at may pa aksyon pang saad nito.

Sapo ang akong noo dahil nangudngod ako harapan sa biglaan nitong pag preno.
Napangiwi akong tumingin sa kanya.

"S-sorry po Maam" agad naging baritono ang boses nito at tila biglang naging matikas na lalaki.

Inirapan ko ito habang hinihimas ang aking noo.

"Alam mo kapag hindi mo inayos ang pagmamaneho mo ipapatanggal na talaga kita sa trabaho" asik kong saad ng makarating na kami sa club na pupuntahan.

"Maam sorry na po hindi ko sinasadya nagulat lang kasi ako sa tanong mo" nahintatakutan nitong saad.

Ngumisi ako at binuksan ang pintuan sa driver seat,dumukwang ako palapit sa kanya.

Ang lapit na ng mukha namin pero kita ko ang asiwa at tila pandidiri sa mukha nito dahil nakapikit at nakangiwi pa itong napailag sa akin.

"Alam mo Theodore ang gwapo mo sana kung hindi ka takot sa babae" wika ko at iniwan na itong nakangiwi padin.

Naiiling akong pumasok sa loob at hinanap ang aking mga kaibigan,agad naman akong binati ng mga waiter sa loob ng club dahil kilala na nila ako.

"Andito na ang reyna ng dance floor!!" Sigaw ni Eanne na isa sa aking mga kaibigan.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon