Chapter17

214 18 1
                                    

***Maxine Alfonso***

"Laura, ready na ba ang team mo para sa presentation sa sunod na araw? Ayaw kong may mga rush nanamang mga ipapahabol na props" dinig kong wika ni Scarlet.

Nalaman kong dalawang linggo palang din ni Scarlet dito sa kumpanya at wala pang masyadong alam sa pagpapatakbo.

"Wala naman akong pakialam sa kumpanyang ito ang nais ko ay  ang malaman kung nasaan si Theo at kung bakit naririto din sa iloilo si Dorothea"

"Maam Maxine ito nga po pala yung mga files na hinihingi niyo mula sa finance department" wika ni Laura sabay abot sa hawak nitong folder.

"Bigyan mo ako ng copy sa presentation na gagawin next day, I want to review it" pormal kong saad.

"Okay Maam, uutusan ko nalang si Dorothea para ihatid niya dito kapag nakaprint na siya" tugon nito dahilan para mabuhay ang natutulog kong diwa pagkarinig ko sa pangalan ni Dorothea.

"Okay" matipid kong tugon.

Pagkalabas ni Laura ay agad kong naman pinasadaan ang mga files na binigay nito, binasa ko ang bawat detalye.

"Malaking pera ang pumapasok kada buwan dito sa kumpanya Scarlet bakit mo pa gugustuhin maikasal kung ipapaubaya ko naman lahat ito sayo. Wala akong pakialam sa pera, kailangan ko ay freedom" saad ko habang binubuklat ang bawat pahina ng hawak kong folder.

"Maxine sumusunod lang ako sa gusto ni Papa Francis at Tito Max kaya sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal tayo" malandi nitong saad sabay hawak nito sa aking braso.
Nasa ganoong posisyon kami ng makita kong nakatayo si Dorothea sa pintuan ng opisina.

Nainis ako na naabutan niya kaming ganon ayaw kong may makakitang hinaharot ako ng babaeng ito.at.lalong ayaw kong makita iyon ni Dorothea.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" iritable kong tanong sa kanya sabay tulak sa kamay ni Scarlet na nakapatong sa aking braso.

"P-pasensya na po Maam, ihahatid ko lang tong pinapabigay ni Maam Laura" nakayukong wika nito, hindi ko mabanaag ang dati nitong kamalditahan sa Maxie Mall.

Nilapag nito ang hawak niyang folder at tumalikod na.

"Hoy ipagtimpla mo ako ng kape" saad ni Scarlet na ikinatigil nito sa paghakbang at mapakla itong ngumiti.

"Maam Scarlet hindi ko po trabaho ang magtimpla ng kape mo,kaya nga poay excutive secretary ka para siya ang utusan mo, hindi po ikaw ang boss ko dito kundi si Sir Francis" sarkasmo nitong saad.

"Hoy, anak ako ng boss mo atska patay na si Papa at ako na ang magmamana sa kumpanyang ito kapag naikasal na kami ni Maxine!" mataray nitong tugon at idinuro pa si Dorothea kaya tumayo ako at tinampal ang kamay nitong nakaturo kay Dorothea.

"Ouch..babe bakit !" Reklamo nito.

"Hindi Hoy ang pangalan niya, Siya si Dorothea atsaka tama naman siya may sekretarya ka kaya siya ang utusan mo" malamig kong saad at bumaling ang tingin ko kay Dorothea.

"You may go" tipid kong saad, yumukod ito bago umalis.

Napabuga nalang ako ng hangin at masamang nilingon si Scarlet na ngayon ay nakabusangot na.

"Babe, masakit yon tignan mo namula na" pababy talk niyang saad kaya lalo akong nainis.

"Wala akong pakialam kahit maputol pa yan" pagkawika ko ay iniwan ko na ito sa opisina dala ang folder na bigay ni Dorothea .

Tinungo ko ang Marketing department kung saan siya nagtatrabaho.

"May extra table ba dito?"  tanong ko ng makita kong abala ang lahat sa kani-kanilang computer.

"Hello Maam Maxine" halos sabay sabay nito bati.

"Doon sa mesa ni Dorothea Maam, dalawa yung chair doon at medyo maluwang ang mesa niya" ani ng  isa sa mga empleyado.

Wala si Dorothea sa kanyang mesa kaya naupo nalang ako sa isang upuan at doon ko binasa ang nilalaman ng presentation.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ng biglang may kumalabog sa pinto kaya napatingin ako pero ang mga empleyado ay tila walang pakialam.

"Dorothea, ikaw nanaman siguro yan" natatawang wika ng isang empleyado pero hindi naman ito lumilingon

"Hays kainis sira yung isang printing machine mag oovertime ako ngayon,inaayos ni Kuya Arnel" dinig kong reklamo nito habamg yakap yakap nito ang ilang files na mukhang tapos na nitong maprint.

Nilapag nito sa mesa ng hindi tumitingin sa akin kaya napangiti ako at maging ang mga empleyado ay di magawang magsalita dahil naglilipat lipat ang tingin nila sa akin at kay Dorothea.

"Bakit tameme kayo diyan, nagkape na ba kayo, gusto nyo bilhan ko kayo?" Muling saad nito.

"Hindi na fren nag order na si Maam Maxine kanina baka mamaya idedeliver na yon" wika naman ng empleyadong nasa katabi ng mesa nito.

"Nako, huwag niyo iinumin yun baka magayuma kayo at mainlove kayong lahat sa kanya" nakapamewang pang sambit nito.

Napatawa ako ng walang sound dahil sa pagpipigil nakatalikod kasi ito sa akin kaya hindi niya ako nakikita.

"Bakit ka tawang tawa diyan Ryna" tila nainis na ito sa katabi nito.

"Bakit natikman mo na ba ang pakape ni Maam Maxine at nainlove ka ba sa kanya?" Pagbibiro pa ng tinawag niyang Ryna.

Naiiling nalang ako.

Sakto namang dating ng inorder kong coffee para sa lahat mula sa isang sikat na coffeeshop dito sa ilo ilo

"Eto black coffee for you Dorothy, alam ko namang may lactose intolerance ka kaya sinabi namin kay Maam na itim na kape for you" sabay abot ni Ryna.

"Baka mainlove ka na niyan kapag natikman mo ang kape na yan" pagbibiro pa si Ryna.

" ay hindi muntikan lang akong mahulog doon pero siyempre dahil naoverdose ako sa selflove sinalo ko nalang ang sarili ko" muling saad nito kaya napatawa na ang iba.

"Ows talaga? Muntikan?..bakit hindi mo hinayaan na mahulog ka handa naman akong saluhin ka" nakangiti kong sambit.

Unti unti itong lumingon sa aking kinauupuan at kitang kita ko ang paglaki ng kanyang mata at pagkagulat.

"M-maam?..Maam Maxine...w-wala kang narinig...h-hindi totoo yon..ahmm nagbibiruan lang po kami dito Maam, huwag kang maniniwala sa lahat ng narinig mo" naTarantang wika.

"Cute" tanging usal ko sa aking isipan.

"Oo wala akong narinig" tipid akong ngumiti.

Napakagat ito sa kanyang pang ibabang labi at halatang tinatago ang hiya nito.
Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang aking cellphone,tinignan ko iyon at chat iyon ng private investigator ko sinasabing nakita na daw niya si Theodore.

"Guys maiwan ko na kayo, may mahalaga lang akong aasikasuhin.. "

Dipa tayo tapos Ms.Dorothea" pabulong ko sa kanya at mabilis akong umalis ng building at tinungo ang address na sinend ng aking tauhan.

Theo ikaw ang makakatulong para hindi matuloy ang nais ni Dad.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon