**Maxine Alfonso**
"Salamat at dumating ka kung hindi baka kung ano na ang ginawa sa akin ni Magie" saad ko ng kumakain na kami.
"Huwag ka na kasing makipag usap pa sa kanya" seryosong wika nito habang hinihiwa nito ang tocino at inilagay sa aking plato.
Tumingin ako sa kanya at napangiti.
"Bakit ang sweet mo ngayon?" Tipid itong ngumiti.
"Isipin mo nalang end of the world, gawin nating memorable habang magkasama tayo dito sa Hongkong" namumungay ang matang wika nito.
Tumango tango naman ako at nagsimula na rin kumain.
Konti lang ang kinain ko dahil dadalo kami mamaya sa isang party event kasama ang mga naglalakihang tao sa mundo ng negosyo.Ng mag alas tres na ay gumayak na kami para sa pagpunta namin sa event.
"Ang gwapo mo, bagay sayo ang tuxedo mo" nakangiti kong saad kay Theo. Nilapitan ko ito at inayos ang kurbata nito habang siya ay hindi maalis ang tingin nito sa akin.
"I-ikaw din ang ganda mo" tila nahihiyang wika nito. Napangiti naman ako sa kanya at pinampag ang damit tuxedo nito malapit sa kanyang dibdib pero napa atras ito na ikonakunot ng noo ko.
"I'm sorry" saad ko.
"Pasensya na nagulat lang ako" sambit nito.
"Tara na nga baka malate pa tayo at hindi natin maabutan ang mga taong sadya natin sa event.
Hindi tayo uuwi ng Pilipinas na hindi ko nalalaman ang tunay mong katauhan Theo, kung tama ba ang hinala ko na hindi ka tunay na lalaki pero malabo yun dahil minsan ko na siyang nakitang walang pang itaas na damit at may abs pa nga ito.
Pero pwede din isa siyang transman."Hays kung ano ano nalang naiisip ko" sambit ko sa aking isipan.
Naging tahimik si Theo sa event pero panay ang alalay sa akin na labis naman ikinakilig ko.
"Hon, 'wag kang masyadong mag inom baka malasing ka" bulong nito sa akin ng kumuha ako ng wine glass.
"Don't worry, I can manage" sabay wink ko sa kanya ngumiti naman ito sumunod sa akin ng naglakad ako patungo sa iba naming mga kasama.
"Maxine, nice to see you here iha.." wika ni Miss Guan, isa sa mga may malaking negosyo dito sa hongkong, maganda at sexy ito.
Lumipat ang tingin nito kay Theo at lumawak ang ngiti nito."And who is he?" Baling nito sa akin.
"He is Theodore..."
"Boyfriend po ni Max, Im Theodore..just call me Theo" putol ni Theo sa aking pagsasalita.
"Ang pogi mo naman" sabay haplos nito sa balikat ni Theo na ikinairap ko.
"Thanks " sabay alis nito sa nakapatong na kamay ni Miss Guan at inilawit ni Theo ang braso nito sa aking bewang na ikinapanatag naman ng pakiramdam ko, parang sinasabi niyang Hes mine and no one can take him away from me.
"Bat ka namumula diyan"bulong pa nito.
"A? Huh..h-hindi ah..nagblush on ako eh" palusot ko kahit kilig na kilig na ako.
Umalis si Miss Guan ng hindi siya pinapansin ni Theo.
"Ang isnabero mo, umalis tuloy" bulong ko sa kanya habang nakatingin sa palayo na si Miss Guan.
"Andito ako para sa iisang tao lang, at ikaw yun" seryoso at hindi nakatingin na saad nito.
Nakaramdam nanaman ako ng kakaibang kilig parang gusto ng lumabas ang puso ko sa sobrang kilig."Ahm t-tara doon" turo ko sa kumpulan ng mga chinese businessman.
Nakipag usap ako sa kanila habang si Theo ay nakasunod at umaalalay lang din sa akin, medyo tipsy na din ako dahil sa bawat nakakausap ko at may napapadeal sa offer ko ay napapainom ako ng alak.
"Tama na yung pitong deal na yon, masyado ka ng yayaman niyan"pabirong bulong ni Theo.
"Kulang pa yun si Dad nga nakakabenteng tao sa isang event lang" ani ko.
"We to go home hon, lasing ka na din and I saw Magie around baka kung ano pang binabalak nun kapag nalingat ako" wika nito na biglang kinakaba naman ng dibdib ko.
Humawak ako sa braso ni Theo.
"Huwag kang hihiwalay sakin baka gawan nanaman ako ng masama" nagpalinga linga kong sambit.
Ayaw ko pa sanang umuwi pero mapilit si Theo kaya wala na akong nagawa.
"Magshower ka na para makapagpahinga na" wika nito.
"Samahan mo ako " nakanguso kong lambing dito pero nag iwas ito ng tingin.
"Hindi pwede, sige na pumasok ka na sa banyo"
Tinanggal ko ang damit ko sa harapan nito at hinayaan kong malaglag sa sahig.
Tumalikod ito at akmang maglalakad pero hinawakan ko ang kamay nito. Buo na ang desisyon ko, bago kami umuwi ng Pilipinas kailangan kong maisagawa ang plano ko.
Magpapabuntis ako sa kanya para mapilitan siyang magpakasal sa akin."Theo...I want you" namumungay ang matang tumitig ako sa kanya.
"Lasing ka lang Max magpahinga ka na, lilipas din yan" seryoso ang mukha nito at hindi ko kakitaan ng pagkagusto sa akin.
"Hindi mo ba ako gusto? Kahit konti lang?"
Umiling ito at tumalikod na. Dahil sa inis ay kumuha ako ng alak sa ref at nag inom ng nag inom hanggang sa tuluyan na talaga akong malasing.
Kalahating oras na siyang nasa labas pero hindi parin ito bumabalik."Ganon ba ako ka..hirap magustuhan ha..Theo!.." asik ko habang itinutungga ang bote ng alak.
"Anong ginagawa mo..argh bakit ka nag inom!?" galit na inagaw ni Theo ang hawak kong bote.
"Alak pa..gusto ko pa ng alak, para makalimutan ko ang nararamdaman ko sayo...hindi naman kita gusto, pero bakit ngayon gusto nanaman kita..Bakit noong huli nating usap hindi naman ganito tumibok ito eh!" Sabay suntok ko sa aking dibdib.
"Enough na Maxine, your hurting yourself" saway nito sa akin at hinawakan ang aking kamay at niyakap.
Ngayon lang ako nakalapit ng ganito sa kanya ang dikit na dikit dahil sa pagkakayakap amoy babae, isiniksik ko ang mukha ko sa kanyang leeg habang patuloy sa paghikbi hindi ko naman naramdaman ang pagtutol nito.
"Huwag ka ng umiyak, I'm sorry kung napaiyak kita"malambing na wika nito sabay haplos sa aking likod.
Dala ng kalasingan ay nakaramdam ako ng init sa aking katawan ng maramdaman ko ang malambot nitong kamay na humahagod sa aking balikat.
Humiwalay ako sa yakap at tinitigan ito sa mukha at walang paalam na hinalikan ito sa labi. Noong una ay hindi ito tumutugon pero kalaunan ay sumukli na rin ito.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon at tuluyan na ngang nagapi ako ng pagnanasa sa taong kasama ko ngayon.Naisuko ko ang aking katawan na hindi ko nagawa kay Magie at Kay Theo na isang rented boyfriend ko naibigay ang pinakaiingatan kong kayamanan.
Nagising akong masakit ang aking katawan, lalo na sa aking pagitan. Hindi naman ganon kasakit pero mahapdi ito ng maalala ko ang nangyari kagabi ay sumilay ang ngiti sa aking labi. Wala na si Theo sa aking tabi kaya nagbihis na din ako bago lumabas ng kwarto.
"Hon, gising ka na pala..ito ipinagluto kita ng soup para pantanggal sa hang over mo" nakangiting wika nito kaya napangiti narin ako.
Naupo ako at tumitig lang sa mapungay nitong mata. Napatingin siya sa akin at napakagat ng pang ibabang labi.
"I'm sorry for what happened last night, hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko" biglang napawi ang ngiti nito at yumuko.
"Okay lang kung magagalit ka,..k-kung sasampalin mo ako maiintindihan kita" nakayukong wika nito pero hinawakan ko ang kamay niya at hinila paupo sa aking kandungan.
Namula ang pisngi nito na tila kinikilig.
"No regrets at all hon, ginusto ko iyon at diba enjoy nalang natin ang moment natin bukas babalik na tayo ng Pinas so lets make a memory together, yung happy lang and think na im not your rented boyfriend but a person who cares and loves you".
Dahil sa sinabi nito ay lalong natuliro ang aking puso at wala na talagang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko.
"Sana totoo nalang lahat" saad ko sa aking isipan ng mapagtanto na ang lahat ay temporary lamang.
BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
FanfictionMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...