Chapter22

176 13 1
                                    


***Thea Gomez***

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari, nagpunta ako dito sa Iloilo para magmove on at kalimutan ang maling nararamdaman ko para kay Maxine, pero heto tadhana na mismo ang naglapit sa amin.

Napaigtad ako ng maramdaman ko ang paghawak nito sa aking braso.

"Lets go?" malambing na boses nitong saad. Maang aking tumingin sa kanya at kumunot ang aking noo.

"S-saan tayo pupunta?" Nauutal kong tanong.

"May dadalawin tayo sa hospital "

Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya sa sasakyan. Matapos niya ako pagbuksan at papasukin sa kotse ay  umikot ito para pumasok sa kabilang pinto kung saan ang driver seat.

Ngumiti ito bago niya pinaandar ang sasakyan. Lalong nagwala ang puso ko dahil sa ngiting iyon.

"Hindi ka ba komportable hon?"  Tila nag aalalang tanong niya.

"Ahm huh?, okay lang ako" kabado kong sagot, mas lalong tila tumalon ang puso ko ng maramdaman ko ang pahawak nito sa kamay ko at idinaop sa kanyang kamay.

"B-baka mabunggo tayo kung iisang kamay ang gamit mo sa pagmamaneho" nag aalala kong saad sabay hila sa kamay ko pero hinigpitan niya ng hawak.

"Hindi ka ba masaya na may girlfriend kang cute" saad nito sabay kindat.

"Maxine bitawan mo na ang kamay ko, baka maaksidente pa tayo" naasar ko ng sambit.

"Mag i love you ka muna" pamimilit nito.

"Ayaw ko nga, hindi naman kita mahal bakit ko sasabihin" labas sa ilong kong saad, kahit alam ko sa sarili ko na mahal ko naman talaga siya.

"Okay ganito lang tayo" saad nito at ipinatong sa hita nito ang magkahawak naming kamay habang ang isang kamay nito ay nagmamaneho.

Kinakabahan ako dahil isang kamay lang niya ang kumokontrol sa monubela.

"Okay..sige na..I love you" mabilis kong wika ng makita kong may tatawid na aso pero mabilis naman itong nagpreno.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa halo halong nararamdaman.

"What did you say?" kalmado at nakangiting tanong nito, hindi ko manlang kakitaan ng pag aalala dahil sa muntikan ng makabunggo ng aso.

Hinila ko ang kamay ko pero hindi niya ito binitawan at muli itong nagmaneho.

"Please bitawan mo na ang kamay ko, baka maaksidente tayo sa ginagawa mo eh,..ayaw ko pang mategi noh"

"Magic word?" Ngising saad nito.

Sinulyapan ako bago muling bumaling sa daan.

"I-i love you" mahina at nauutal kong sambit.

"Hindi ko marinig" nakangusong wika nito.

"I love you" nahihiya kong saad, ngumiti ito at hinalikan ang kamay kong hawak niya at binitawan. Kumislap ang mata nito.

"I love you too" pakiramdam ko ay tanging ang pintig ng puso ko nalang ang naririnig ko dahil sa lakas ng kabog nito.

Hindi na ako umimik dahil sa kabang nararamdaman, aminin ko man o hindi..masaya ako..Oo masaya ako sa babaeng kasama ko at hindi ko maitangging mahal ko nga siya.

Nalaglag ang panga ko ng makarating kami sa hospital kung saan nakaconfine si Theo.

"Anong ginagawa natin dito?" nagtataka ko siyang tinignan.

"May bibisitahin lang tayo, gusto kong ipakita sayo na totoo ang intensyon ko at pagmamahal ko sayo" hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa loob ng hospital.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon