Chapter19

131 15 1
                                    


***Maxine Alfonso***

Matapos kong mailabas sa kwarto kung saan nagtatrabaho si Dorothea ay iniwan ko na si Scarlet at pinuntahan si Theo sa park kung saan kami magkikita.

Naroon na sila ng boyfriend niya ng makarating ako.

"Theo" bungad ko.

Yumukod ito na tila nahihiya.

"Maam Im sorry po talaga sa ginawa ko" wika nito na tila kinakabahan.

Ngumiti ako.

"Shes working until now, babalikan ko after nating mag usap.. kung gusto mong patawarin kita sa ginawa ninyong magkapatid makipagtulungan ka sa gusto kong mangyari" seryoso kong saad at tumitig sa kanya.

Wala akong maramdaman na kahit anong spark sa kaharap kong Theo ngayon, kahit manlang sana konting kaba sa presensya niya ay wala kundi gaya ng dati isang body guard, driver at parang kapatid ang tingin ko sa kanya.

"Hindi nga talaga ikaw yung minahal kundi siya" muli kong baling sa kanya.

Tahimik lang na nakikinig si Drex sa aming usapan.

"Gusto kong magpanggap ka ulit para pigilan ang gustong mangyari ni Dad" pagpapatuloy ko doon naman sumingit si Drex.

"Nagugulo na ang relasyon namin dahil sa nangyari Maam Maxine, sana itigil mo na ito baka naman may ibang paraan pa para mapigilan ang gusto ni Sir Max" malungkot na wika ni Drex.

"Maam...nawawalan na kami halos ng time ni Drex dahil sa pagpapanggap ko na iyon, maghanap ka nalang po ng iba" saad  naman ni Theo.

"Gusto kong papasukin mo bilang rented boyfriend ko yung impostor mong kakambal" direktang saad ko.

"Huh?..hindi po niya gugustuhin kaya nga po kami nagtungo dito sa iloilo para malayuan ka na niya" agad niyang sagot.

"Bakit niya ako lalayuan?"

"Dahil nahuhulog daw siya sayo at ayaw niyang matuluyan lalot nagpapanggap lamang siya bilang ako at alam niya si Theo ang mahal mo at hindi siya"

"Gagawan natin ng paraan para mapapayag ito" nakangisi kong saad.

"Anong paraan Maam?" tanong nito.

"Sabihin mong marami kang utang tapos ikukulong ka for sure hindi ka matitiis ng kakambal mo" seryoso kong sagot.

Umiling ito. " Baka bugbugin pa ako nun kapag yan ang ginawa kong rason" nakangusong tugon nito.

"Wala akong maisip na paraan para mapapayag siya ng mabilisan" saad ko.

"What if pilayan mo ako o kaya sagasahan tapos dalhin nyo ako sa hospital at sabihin sa kanya na kailangan ng malaking halaga..alam kong hindi niya ako matitiis " saad nito kaya napangiti ako.

" Well, thats great" sabay unday ko sa kanya ng suntok sa kanyang sikmura.

"Ouch...sandali Maam..ngayon na talaga?, what if lang yon bakit mo tininotoo..Aray sakit.." taas kamay nitong saad at natarantang tinulungan siya ni Drex na tumayo.
Pero bago pa makatayo ay tinadyakan ko ito sa tuhod kaya napahiga silang dalawa.

Tinawagan ko ang kaibigan kong Doctor sa hospital.

"May pasyente dito magpadala ka ng ambulance..I sesend ko sa email mo ang mga dapat mong gawin and Ill transfer money sa bank acount mo" wika ko at ngumisi sa dalawa na ngayon ay mapait na itong nakangiti sa akin.

"Send me the location of your house, Ill drop her later" seryoso kong saad at pinampag ang aking slack na nalukot.

"And you" turo kay Drex. "Go home at abangan mo si Dorothea na umuwi".

"Alam mo ng si Dorothea ang kakambal ko?" Nakangiwing hawak ang hita nito habang nakatingin sa akin.

"Ofcourse,, nalaman ko yan noong iniwan niya ako sa Hongkong, naiwan niya ang pouch niya na may ID" Ngumisi ako at kumindat bago ko sila iniwan.

"Ikaw kasi kung ano anong naiisip mong paraan ,tuso naman pala ang boss mo..yan tuloy napapala mo" panenermon ni Drex sa kasintahan.
Nakangiti akong pumasok ng kotse at dumiretso na sa kumpanya para ihatid na si Dorothea.
Sakto naman nakita kong nag aabang na ng masasakyan.
Napangiti ako at pinagmasdan siyang mabuti.

" Akalain mo iyon,ang crush kong saleslady at ang impostor na Theo na minahal ko ay iisa..dapat magalit ako sayo eh pero sinasabi ng puso ko na mahalin nalang kita kaysa kamuhian, Mas bet ko ang pagiging  girly niyang manamit..pero gusto ko munang makipaglaro sayo Thea at paibigin ka hanggang sa ikaw na mismo ang magkukusang umamin kung sino ka" napabuga ako ng hangin at tinawag ko na ito para sumakay.

Noong una hesitant pa ito pero napilit ko din kalaunan. Nagtaka ito ng makarating kami sa kanilang bahay dahil alam ko ang direksyon.

Nngiti lang ang tugon ko dito bago ko siya iniwang tulala sa labas ng kanilang bahay.

"Alam kong nasa loob na din ng bahay nila si Drex dahil pinagplanuhan na namin ang magaganap sa araw na ito.

Napatingin ako sa aking cellphone ng magring ito.

"Hello Mommy, napatawag po kayo?"

"Iha, be carefull kay Scarlet...hindi siya ang anak ni Francis at Theresse..Nakita ko na ang anak noon ni Theresse dahil nagpupunta sila sa mansion para hanapin si Francis. Pina imbestigahan ko si Scarlet at may apat pa siyang kapatid. Dalawa lang ang anak ni Theresse at Francis, isang lalaki at isang babae". Mahabang kwento ni Mama.

Napapreno ako ng may dumaang pusa.

"Holy sh*t" pagmura ko.

"Anak are you okay?" nag aalalang tanong ni Mom.

"Ano plano ng Scarlet na iyon bakit siya nag papanggap" madiin at galit kong saad.

"Ex girlfriend ng Dad mo ang mama niya , I think gusto nilang manggulo..basta mag iingat ka anak, luluwas ako bukas para may kasama ka diyan pupuntahan ko si Theresse nalaman kong nariyan sila sa Iloilo ngayon" nag aalalang saad nito.

Napatango ako sa kawalan at napaisip

"kung hindi si Scarlet ang anak ni Tito Francis sino?.Kailangan kong maunahan si Dad na mahanap ang totoong anak ng Francis na iyon para makausap ko sila"

"Anak hayaan mong ako na ang gumawa ng paraan, magkakilala kami ng asawa ni Francis" saad ni Mommy sa kabilang linya.

_______

Ilang araw na ang nakalipas simula na hospital si Theo at hindi ko pa sinasabihan ang pagpapakilala sa kanya, naging regular din ang pagkikita namin ni Dorothea na labis ko namang ikinakasaya.

"Maam..heres your coffee" nag angat ako ng tingin at ngumiti sa kanya pero yumuko ito.

Nagpalipat din ako ng opisina dahil ayaw kong makasama si Scarlet sa iisang office at si Dorothea ang kinuha kong excutive secretary ko.

"Day off mo bukas?"

"Y-yes Maam" tipid nitong tugon. Bukas magkikita kami ni Theo at inaasahan kong ang impostor ang darating.

Muli akong ngumiti at humigop sa kapeng binigay nito.

"May kailangan ka pa po ba?" Nakayuko parin ito. Hindi na masyadong makapal ang make up nito kaya halata na ang pagkakahawig nila ni Theo pero hindi ko nalang muna iyon papansinin baka mag duda na alam ko na ang lahat.

"Ah wala na" muling yumukod ito at tumalikod na.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero sobrang saya ang nararamdaman dahil palagi ko siyang nakakasama.

"Balang araw mamahalin mo din ako ng walang pag aalinlangan Dorothea".

Nakangiti akong nagpatuloy sa pagbabasa ng mga dokumento na dapat kong aralin dito sa Maxcis group.

Napapasulyap ako sa glass wall kung saan nasa kabilang dako si Dorothea, may time na nagkakasabay kaming mapapatingin sa isat isa at may time na mahuhuli ko siyang nakatitig sa akin at ganun din naman ako sa kanya kaya bigla nalang akong natataranta kapag nagtatama ang aming paningin.

"Sh*t Im badly inlove with her" pigil ang ngiting nakatitig sa maganda nitong mukha atsaka ako nakangiting pumirma sa files na nakapatong sa mesa at iiling iling pa dahil sa nangyayari sa akin.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon