***Thea Gomez***"Namimihasa na siya kahahalik sa akin, kainis"pagmamaktol ko sa cr habang nag aayos ng sarili dahil didiretso kami sa dinner party, hindi na sana ako sasama baka makahalata si Maam Maxine kapag nagkita kami ni Theo doon.
Kinapalan ko ang aking make up at lipstick atsaka ko nilugay ang mahaba kong buhok para hindi gaanong malantad ang aking mukha kung sakaling magka enkwentro kami ng aking kambal.
"Tara na Dorothy" sigaw ni Malou na kanina pa nag hihintay sa labas.
Bumuga ako ng hangin bago ako lumabas.
"Lets go" matipid kong ngiti.
Pagdating namin sa resto bar ay marami ng tao at lahat nga ay mga empleyado ng Mall.
Nakipagbatian ako sa bawat isa hanggang sa marating namin ang mesa kung saan kami uupo."Mahilig kase si Maam Maxine sa disco kaya dito ginanap ang dinner party" bulong ng isang babae sa aming likuran.
"Ang ganda ganda niya noh, balita ko baliko daw yon at nagkakagusto sa babae" ani din ng isa.
Napakagat ako ng aking labi dahil sa narinig, kaya ba normal nalang sa kanya ang humalik ng babae..pero hindi naman niya alam na babae ako noong hinalikan niya.
Napahawak ako sa aking labi.
"Ang lalim naman ng iniisip mo " dinig kong boses ng isang babae mula sa aking likuran pero hindi ko iyon pinansin dahil akala ko ay ang mga babaeng nagchichismisan iyon pero nagulat ako ng biglang may mainit na hangin ang lumandas sa aking tainga.
"Hey..baby" bulong nito kaya pakiramdam ko nagsitayuan na lahat ng buhok sa aking katawan.
Napalingon ako sa nagsalita at sa paglingon ko ay halos magkadikit na ang mukha namin dahil nakadukwang pala ito.
Bahagya akong lumayo at napalunok."Hello Maam"pilit kong ngiti.
"Akala ko hindi ka darating" matamis na ngiti nito.
"Hey Max!" hindi na ako nakasagot dahil sa lumapit sa kanya.
Nag usap ang mga ito kaya bumaling na ako sa aking mga kasama.
"Mukhang may gusto sayo si Boss" siko sa akin ni Malou kaya inirapan ko ito.
"Never..hindi ko siya papatulan at hindi ako magkakagusto sa kanya!" Madiin kong sagot.
"Weh!..nagkatikiman na nga kayo ng labi diyan na mag uumpisa yan"pqng aasar nito.
"Walang epekto ng halik niya noh, walang spark!"muli kong sagot. Pero ang totoo ay may naramdaman akong kakaiba ng halikan niya ako pero hindi iyon maari.
Nanlaki ang mata ko ng masulyapan ko si Theo na kausap na ngayon si Maam Maxine nakapulupot ang kamay nito sa braso ng aking kambal na halata namang tila napipilitan lang si Theo.
Bumaling ang tingin ni Theo sa kinauupuan namin kaya ngumisi ako, alam kong sa tingin niyang iyon ay dinudurog na niya ako.
Plano na niyqng ihinto ang pagiging rented boyfriend niya noong nakipagkita ako kay Maam Maxine para pumayag sa gusto nitong ipakilala sa lahat kapalit ng pagpapagamot kay Mama pero naituloy ni Theo dahil sa aking pagpapanggap.Nangunot ang noo ko ng makita ko ang babaeng papalapit sa kanila, si Magie ang ex ni Maam Maxine.
Pero iniwan nalang ni Theo si Maam Maxine at naupo sa kumpulan ng mga lalaki.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ito."Bumalik ka mga doon huwagong bigyan ng chansang mag usap sila gawin mo naman yung parte mo bilang jowa niya dahil ginawa naman niya yung parte niyang ipagamot si Mama" mahina pero may diin kong saad.
Tumayo ito at lumayo sa mga kasama nito kaya sinundan ko ito.
"Bumalik ka nga doon!"pagalit kong utos sa aking kakambal.
"Paano naman kase panay haplos ni Maam Maxine sa akin nakakadiri..eww hindi kami talo" nagmamaktol nitong sagot.
"Sige na bumalik ka na doon" pamimilit ko, kahit naman hindi naging maganda ang unang pagkikita namin ni Maam Maxine ay kailangan padin sumunod sa napag usapan.
Wala ngang nagawa si Theo kundi bumalik ito sa loob pero nakita kong nasa labas na si Maxine at si Magie.
"Magie please..enough na dont ruin this party!" galit na saad ni Maxine.
"Kahit ngayon lang pagbigyan mo ako, mag usap tayo" sagot naman ni Magie sabay hawak sa palapulsuan ni Maxine.
"Magie nasasaktan ako, ano ba!!" pagpupumiglas ni Maxine.
Lumapit ako sa kanila at malakas kong hinaklit ang kamay ni Maxine dahilan para magulat si Magie at mabitawan niya ito.
"What the!!..at sino ka naman na nakikialam dito!" Asik nito sa akin.
Hinila ko sa likod ko si Maxine at idinuro ang babaeng nanakit sa kanya.
"Miss umalis ka na kung ayaw mong maiba ang posisyon ng ilong mo!" pagbabanta ko dito kaya naman bigla niyang tinakpan ang ilong nito at umatras.
Akmang aambaan ko ito ng suntok ng magsalita ito
"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita Max" saad nito at kumaripas ng takbo.
Bumaling ako kay Maxine "okay ka lang Maam" concern kong tanong.
"Im fine, thank you for helping me.." wika nito.
"Wala 'yon Maam, sige na po bumalik na tayo sa loob" saad ko naman ng hindi tumitingin sa kanya pero nakatitig pala ito sa akin.
"Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa itsura mo, you look so maldita dahil sa makapal mong make up plus dagdag pa ang tingin mong pamatay" wala sa sariling napatingin ako sa kanya at tinaas ng kilay pero tinawanan lang niya ako.
Pero parang may kung anong kilig akong naramdaman sa mga tawa niyang iyon.
"Tatabingiin ko talaga ang retokada niyang ilong" kunwaring pag susungit ko.
"Hahaha sira, sige na pasok na tayo sa loob..and thank you ulit at dumating ka" magaan nitong sambit. Tila nawala ang di magandang ambiance sa pagitan namin dahil sa nangyari, naging mabait na ito sa akin at hindi na niya ako iniinis gaya ng dati na ikinaguilty ko naman dahil sa ginagawa naming pagpapanggap ni Theo.
Naging masaya ang dinner party na iyon, hindi masyadong naglalapit si Maxibe kay Theo dahil mas naglagi ito sa table namin na labis ko namang ipinagtaka.
Sa pagkakaalam ko ay ipapakilala niya si Theo bilang jowa niya pero natapos na ang lahat at nagsiuwian na ay wala parin itong ina announce."Dorothea tara na antok na ako" sabay lawit sa kamay ni Malou sa aking braso. Halatang lasing na ito dahil naniningkit na ang mata nito kaya tumayo na din ako.
"Guys mauna na kami ni Malou lasing na ang loka di ako pwdeng malasing dahil may alaga akong lasing" mahina kong tawa.
"Ihahatid ko na kayo" presinta ni Maxine.
"Naku Maam Maxine huwag na po, naghihintay jowa mo kaya umuwi na din po kayo" ani ko.
"Pinauwi ko na si Theo kaya ihahatid ko nalang kayo" pamimilit nito.
Wala na akong nagawa kung pumayag sa gusto nito. Ng makarating na kami sa bahay nila Malou ay bumaba na din ako akay akay ang aking kaibigan.
"Salamat sa paghatid Maam" ani ko.
"Diyan ka din tumutuloy?" kuryosong tanong niya.
Kailangan kong magpanggap dahil kung hindi matitiklo niya na ang bahay na inuuwian ni Theo at ako ay iisa.
"Ah oo Maam, malayo kasi ang bahay namin kaya dito muna ako pansamantala"
"Ah okay, sige na magpahinga na kayo".
Akmang tatalikod na sana kami ng tawagin ulit niya ako.
"Ahm Dorothea.." lumingon ako
"G-goodnight" nauutal na pagkasabi nito at mabilis na niyang pinaandar ang kotse na parang hangin sa bilis nitong nawala.
"Ano nangyare doon" kunot noo akong naiiling pero may kasamang ngiting hindi ko mawari.
BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
FanfictionMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...