Chapter14

169 14 1
                                    


***Maxine Alfonso***

Isang linggo na ang nakalipas simula iniwan ako ni Theo sa Hongkong at isang linggo na rin na wala itong paramdam.

"I badly missed him"

"Bakit hindi mo puntahan sa bahay nila?" Saad ni Eanne matapos nitong tumagay sa hawak nitong bote ng beer.

"I did..pero wala na sila doon, ayon sa napagtanungan ko lumipat na daw sila ng tirahan" malungkot akong napabuga ng hangin.

"Gusto mo bang hanapin ko sila?"

Umiling ako at tumagay na din ng alak.

"Hindi naman mababago ang tingin niya para sakin, hindi parin niya ako mamahalin kahit pa makita ko siya muli"

"Eh ano na ang plano mo ngayon?" seryoso itong tumingin sa akin.

"Pupunta ako ng Laguna para sa panibagong bukas na Mall doon, kailangan kong maging abala para hindi ko na siya naiisip pa"

Nasasaktan ako sa nangyaring ito, akala ko dati hindi ako mahuhulog sa lalaki dahil alam ko sa sarili ko na sa babae lang ako na aattract pero iba si Theo, iba yung pinaramdam niya sa akin.
Konti lang ang nainom ko bago ko iniwan si Eanne dahil dadaan pa ako sa Maxie Mall.

"Good afternoon Maam Maxie" bati ng mga empleyadong nakakasalubong ko at nadadaanan.

Isang tipid na ngiti lamang ang isinusukli ko sa kanila. Napadaan ako sa pwesto ni Dorothea pero bigo akong makita ito.
Nakita ko rin sa bulletin ng floor na ito na hiring sila ng mga saleslady.

"Kinukulang ba tayo ng saleslady?" Baling ko kay Manager Lim na ngayon ay nakatayo na sa aking tabi.

"Yes po Maam, nagresign na kase si Dorothea at may mga nag end contract din kaya sabay sabay na nabawasan ang empleyado"

Kunot noo akong lumingon kay Manager Lim.

"Bakit nagresign siya?" hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit nararamdaman ko yung lungkot at sakit nung iniwan din ako ni Theo at ngayon ganito din kay Dorothea.

Tumango nalang ako kay Manager Lim at umalis na ako papunta ng opisina ko dito sa Mall pinirmahan ko lang ang ilang dokumento bago ako umuwi para sa maggayak papuntang laguna.

"Anak andiyan ka na pala" salubong ni Mommy sa akin.

Nakita ko silang nag aabang ni Daddy kay blanko akong napatingin sa kanila.

"Mom?..Dad?..anong meron bakit parang hinihintay nyo ako?"

"Hinintay ka talaga namin anak dahil may mahalaga kaming sasabihin sayo" wika ni Daddy

"Tungkol po saan Dad?" Nahihiwagaan kong tanong

"Anak, may nasagap na akong balita sa pamilya ni Francis, at napag alaman kong may mga anak ito" panimula nito pero nakaramdam ako ng hindi maganda sa ibig ipahiwatig ni Dad.

" Wala akong pakialam sa Francis na yan Dad..dahil sa kanya kung bakit mo kami iniwan noon, bigyan nyo ng pera ang pamilya niya para manahimik nalang sila..kasalukuyang nasa top ang pangalan natin sa business world and huwag naman sana sila ang dahilan para masira ang pangalan ng mga Alfonso"  madiin kong wika, naramdaman ko ang paghawak ni Mommy sa aking kamay pinapahiwatig na kumalma lang ako.

"Anak alam mo namang half of my assets ay kay Francis at nangako akong ibibigay ko iyon sa kanyang pamilya pero may kasulatan kaming ginawa" wika pa nito.

"I dont care kung anong kasulatan pa iyan Dad, ibigay mo yung pera at ari arian na para sa kanila then leave them alone huwag mo ng idikit ang pamilyang iyan sa pamilya natin" umigting ang pangang saad ko.

"Iha..calm down..makinig ka muna sa Daddy mo" pagpapakalma ni Mommy sa akin.

Umiling iling ako sa kanila habang nagpapalipat lipat ang tingin sa aking magulang.
Bumuntong hininga ako.

"Pakasalan mo ang isa sa kanyang mga anak gaya ng napag usapan namin bago siya binawian ng buhay para jindi na kailangang hatiin pa ang negosyong naipundar naming magkasama noon" mariing saad ni Dad.

Nanlaki ang mata ko sa narinig at napatayo.

"No way!!...,ipapakasal niyo ako sa hindi ko kilala at sa anak pa ng taong sumira sa pamilya natin? Your so selfish dad!!" galit kong saad at akmang mag malalakad na ng hawakan ni Daddy ang palapusuan ko at nakita ko ang galit sa mata nito.

"Sit down!" maotoridad niyang wika.

"Anak please listen first" muling wika ni Mommy.

"I cant believe this..dahil lang sa kayamanan handa ninyo akong itali sa kasal na ayaw ko naman,..mahal ko si Theo Dad..siya ang gusto ko"naluluha kong sagot.

"May kasintahan na si Theo anak at nakausap ko narin siya noong nasa hongkong ka pumunta siya dito sa bahay para pormal na magpaalam sa akin" wika nito na lalong ikinagulo ng utak ko.

"What? Kasama ko si Theo sa Hongkong Dad..how come na nakausap mo siya dito"

Blanko naman tumingin sa akin si Daddy

"atsaka mo na problemahin si Theo ang pag uusapan natin ngayon ay ang pagpapakasal mo sa anak ni Francis dahil may asawa na ang isang anak nito sa babae niyang anak ikaw ikakasal" pagpapatuloy ni Dad na lalong ikinasingkit ng mata ko.

Tumayo ako at luhaan akong tumingin sa aking magulang.

"Hanggang ngayon hinahawakan nyo parin ako sa leeg, sana maranasan ko naman ang magkaroon ng kalayaan sa pamilyang ito,ang mahalin ang taong gusto ko. Ang pakasalan ang nais ng puso ko..Bakit hindi niyo ako hayaan na ako ang maghanap ng taong bubuo sa akin, ng taong makakasama kp habang buhay!" puno ng hinanakit na saad ko bago ako tuluyang tumakbo paakyat sa aking kwarto.

"Max!..bumalik ka dito!..." dinig k9ng sigaw ni Daddy bahagya akong lumingon ng nasa ika apat na baitan na ako ng hagdan.

"Ibigay niyo nalang lahat ng ipapamana niyo sa akin doon sa pamilya ng Francis na iyon huwag niyo lang po akong ipakasal sa kanyang anak..Dad please gusto ko ng lumaya" buhos ang luha kong saad bago ako tuluyang umakyat.

Walang silbi ang kayaman na meron ako kung pakiramdam ko naman ay isang bilanggo.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon