Chapter 7

229 14 2
                                    


***Maxine Alfonso***

"Ano pumayag ba?" tanong ni Eanne ng pumasok ito sa aking opisina.

Umiling ako.

"Ano gagawan ko na ba ulit ng paraan?" wika nito na ikinakunot ng noo ko.

"Anong paraan, hindi naman pwdeng palayasin natin sila sa bahay na bigay ko" irap kong tugon.

"Sa hospital.. alam mo ang ibig kong sabihin" nakangisi niyang sambit.

Napailing ako at binato ko ito ng ballpen na nakapatong sa aking mesa.

"Kaya ka di na propromote hanggang ngayon at SPO4 ka padin dahil sa dami mong kalokohan"

"Nagsalita ang may malinis na budhi..ano tong ginagawa mo sa body guard hindi ba panloloko din to dahil ginigipit mo siya" natatawang wika nito.

"May kapalit yun noh".

Biglang sumeryoso ang mukha nito at tumingin sa akin.

"Pero seryoso ka na diyan na ipapakilala mo siya sa buong mundo na siya ang soon to be husband mo, diba rented boyfriend lang ang usapan nyo bakit napunta sa instant fiancee" saad nito na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Gusto ni Dad,ikasal kami sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ipapaasawa niya ako sa anak ng kumpare niya na kasosyo nila sa negosyo kaya may dalawang buwan pa ako para convience si Dad na sure ako kay Theo..kapag nakita ni Dad na okay ang relasyon namin ni Theo for sure hindi na niya ako pakikialaman" paliwanag ko dito,tumango tango naman ito.

"Parang ngayon lang naging ganyan si Tito,ayaw na niyang pakawalan mo pa si Theodore" napapaisip kong tinignan si Eanne.

"Alam kong tuwang tuwa si Dad na lalaki na ang karelasyon ko ngayon alam mo namang ayaw na niyang sa babae ulit ako mahuhulog" malungkot kong sambit.

Naging miserable ang buhay ko noon ng dahil kay Magie sa sobrang selosa at teritorial niya ay halos hindi ko na makasama pa ang pamilya ko dahil ayaw niya akong palabasin ng nag iisa gusto niya palagi ko siyang kasama tuwing may lakad ako.Kaya laking pasalamat ko noong si Magie na ang kusang umalis at sumama sa ibang babae pero ngayon ay muli niya akong ginugulo na alam kong ikinababahala ng parents ko kaya gusto nilang maitali na agad ako kay Theo.

"Ano gagawa na ba ako ng paraan para mapapayag mo siya?" nakangising saad ni Eanne.

"Naawa din naman ako na parang ginigipit ko na siya,mabait si Theo sa akin at maasahan ko siya tama ba na kailangan ko siyang gipitin parang mapapayag" nakokonsensya kong tugon sa aking kaibigan.

"Pwde namang gamitin mo ang hospital na yun para mapapayag mo si Theo sa gusto mo,atsaka pareho naman kayong magbebenefit sa nais mo,ikaw mailayo kay Magie at siya mapagaling ang kanyang ina" muling saad nito.

Magsasalita pa sana ako biglang bumukas ang  pinto ng opisina.

"Pumapayag na ako sa nais mo,basta tumupad ka sa usapan na gumaling ang Mama ko,lahat ng gusto mo susunod ako pero lahat ng gastusin at pagpapagamot kay Mama ay ikaw na ang bahala" seryoso at walang kakurap kurap na wika nito.

Hindi ko alam bakit ganito nanaman ang aking nararamdaman habang nakatitig sa kanya.

"Ahm Theo pag isipan mong mabuti,gaya ng sabi ko maaring pag pyestahan tayo ng media, kaya kung sigurado ka talaga kausapin mo ang kasintahan mo para walang gulong magaganap baka mamaya kung anong gawin niya" wika ko habang nakatitig parin sa kanya.

Naglakad ito palapit at ipinatong ang kamay sa aking mesa.

"Maam kaya ako andito dahil sigurado na ako sa desisyon ko"

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon