Chapter 25 [Finale]

382 25 2
                                    

[Final Chap season 1]]

***Maxine Alfonso***

Natatawa nalang ako sa kasungitan ni Thea, mas lalo ko tuloy siyang minamahal dahil sa pinapakita nitong kasupladahan.

Nagising akong wala na sa tabi ko si Thea kaya bumangon na din ako para maghilamos, ginamit ko nalang ang toothbrush nito dahil wala naman akong dalang gamit.
Paglabas ko ay nakita ko ang isang maleta na nasa sala.

"Bakit aanhin mo yang isang maletang gamit mo na yan?" Kunot noo at nakahalukipkip na tanong ni Thea.

"Pinadala ba nila Mommy to?"

"Oo, at bakit ang dami mong damit na pinadala dito?" Naglakad ito patungo sa sofa habang hawak nito ang isang tasang black coffee.

"Dito muna ako titira habang inaayos natin ang mga kailangan sa kasal natin" saad ko, nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito.

"You mean magtatagal sa dito?" Naningkit ang matang tanong nito.

"Uhm" tumango ako at kumindat.

"Bahala ka!" Padabog niyang saad at tinungo ang kitchen sinundan ko ito.

"Anong iluluto mo?" Tanong ko pero hindi ito umimik at kumuha ng itlog sa ref at repolyo.
Nag umpisa itong maghiwa ng onions kaya hinayaan ko nalang at naupo nalang ako habang chinecheck ang mga emails ko.

"Ouch" daing nito kaya agad kong nilapitan.

"Are you okay?" nakita ko ang malaking sugat sa daliri nito kaya hinawakan ko ang kamay niya iginiya sa faucet para hugasan ang sugat.
Mabilis kong kinuha ang first aid kit at nilagyan ito ng band aid.

"Okay lang ako" malamig na saad nito.

"Sit here, ako na ang magluluto" wika ko at tinuloy ko na ang ginagawa nito.

Wala parin itong imik, sa gilid ng aking mata nakita kong natitig lang siya sa akin kaya nilingon ko ito dahilan para matuliro at hindi na alam ang gagawin.

Ngumiti ako.

"Relax , baka matunaw naman ako sa titig mo na iyan" nakangisi kong saad.

"H-hindi ah,..ikaw nga ang tumititig sa akin" palusot nito.

"Nakita mo naman na nagluluto ako"

"Eh, paano mo alam na tinitigan kita kung hindi ka nakatitig din sa akin" sarkasmo niyang tugon kaya napatawa nalang ako ng mahina, narinig ko din ang mahina nitong pagtawa.

Matapos kong maluto ang itlog naay repolyo ay inihain ko na ito sa hapag at sabay na kaming kumain, hindi ko alam kung bakit walang tao ngayon dito sa bahay nila eh ang aga aga palang.

"Nasaan sila Tita?" Nagtataka kong tanong.

"Umalis sila kasama ang Mama mo may pupuntahan daw sila, si Theo naman may date sila ni Drex, aalis din sana ako pero wala kang kasama" malamig niyang tugon.

"Ah ganon ba, ahmm gusto ko sanang ayain kang lumabas" wika ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nag iwas ito ng tingin dahil namumula ang mukha nito.

"Marami akong gagawin" aniya

"Please?" Namumungay ang mata kong nakatingin sa kanya.

"Hays okay" bagot nitong tugon at tumayo na.

Sumunod ako sa kanya sa kwarto para magbihis. Gamit ang aking kotse ay bumiyahe kami papunta sa isang private beach resort dito sa iloilo ,maraming nangyari sa amin at mga hindi inaasahang revelation sa mga buhay namin kaya siguro masyadong naging sarado ang utak namin na tanggapin ang lahat dahil sa pagod at stress na hatid nito sa aming buhay kaya naman magrerelax muna kami baka sakaling mabuksan ang isipan ni Thea para maging malaya na din siya sa anino ng nakaraan.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon