***Thea Gomez***Hindi ako nakatulog na maayos dahil sa iniisip kong pakikipagkita kay Maxine bilang si Theodore.
"Kaya mo yan, isipin mo nalang para sa kapatid mo " wika no Drex ng magtungo ako sa hospital, nakaayos na ako bilang si Theo.
"Kailangan namin magpalit ng phone" wika ko at kinuha ang cellphone nito.
"Bilisan mo magpapagaling dahil bubugbugin pa kita pag gising mo, ipinapahamak mo nanaman ako" naiinis at naluluha ko itong tinitigan habang mahimbing ang tulog nito.
"Paano yan magpapagaling kung ngayon palang binabantaan mo na" natatawang saad naman ni Drex.
"Hays tigas kasi ng ulo kaya yan ang napapala niya,..ikaw na ang bahala sa kanya, hindi alam ni Mama ang nangyaring ito sinabi ko lang na sumama sa business trip si Theo kaya wala siya" paalala ko kay Drex bago ako lumabas ng kwarto nito mula sa hospital.
Suot ang damit ni Theo na black tshirt at maong pants nagtungo sa restaurant na sinabi ni Maxine, inayos ko ang aking sarili at bumuga ng hangin bago ako pumasok sa lo9b ng restaurant.
Nagpalinga linga ako kung narito na siya sa loob.
"Mr. Theodore Gomez?" Saad ng waiter na lumapit sa akin.
"Yes" saad ko sa panlalaking boses.
"This way po sir, nasa loob na po si Maam Maxine" aniya at iginiya ako sa isang private room.
Tanging mga matataas at mayayamang tao lamang ang may afford na kumain sa ganitong klaseng mamahaling kainan.
Napangiwi ako ng madaan ko ang mga menu na nakalagay sa mga monitor isang sahuran ko na ang presyo ng mga pagkain.
Napahinto ako ng huminto ang waiter sa harap ng malaking pintuan, kumatok ito ng tatlong beses bago niya tuluyang binuksan.Naunang pumasok ito, "Come in Sir" magalang niyang saad.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang napakalawak na kwarto, may mga indoor plants pa na nagpaganda sa loob ng silid na ito.
Sa gitna ay naroon ang hapagkainan at may nakasindi pang kandila,mga nagkalat na petals ng roses sa floor.Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ng may marinig akong kumakanta.
🎵🎵I still wonder
If this is a dream
That someone like you
Would stand here with me
look in your eyes
I still get butterflies
oh my
It's like a dream🎵🎵🎵Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha dahil sa lyrics ng kanta nito habang papalapit sa akin at matamis na nakangiti.
Hinawakan nito ang aking kamay at iginiya sa mesa na may nakahanda pa itong cake at nakasinding kandila.🎵🎵 I'm not perfect
But somehow It's you
Who still love me
And yes it is true
You make my heart flows
More than you ever know🎵🎵🎵Pagpapatuloy nito sa pagkanta.
"Ano to?..bakit may paganito ka pang nalalaman" hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko dahil sa aking nararamdaman. Ang lakas ng tibok ng aking puso habang pinagmamasdan itong kumakanta.
🎵🎵There will be no more blues Cause you fulfill my life🎵🎵
Namumungay ang matang nakatitig sa akin, hindi ko na mapigilan pa ang sayang nararamdaman ko kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
"Namiss kita" bulong nito. Hindi ko alam pero maging ako ay sobrang namiss ko siya kahit naman magkasama kami sa opisina buong maghapon pero iba parin yung pinaparamdam niya na mahal niya ako.
"Dont cry honey" dinampian ako ng halik sa noo.
"Ikaw kasi eh, kung ano anong ginagawa mo" wika ko sa boses lalaki.
Ngumiti ito at halata sa mata niya ang saya.
BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
FanfictionMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...