***Maxine Alfonso***
Hinihingal ako ng makarating ako sa third floor dito sa Mall, matapos naming magkausap ni Dorothea kanina ay nagpaalam itong kikitain ang Mama niya kasama ang amiga nito, hindi ko inaasahang si Tita Theresse na sinasabi niyang kameet niya ngayon ay siya ang Mama ni Dorothea.
"Sa kanya ako ipapakasal?, so siya ang anak ni Tito Francis ang taong dahilan ng pag iyak ni Mommy ,ang taong sumira sa childhood life ko dahil nailayo sa akin ang aking ama" bulong ko sa sarili ko ng mahimasmasan na ako.
Kita ko sa mata nito ang galit at pagkagulat. Hindi ko din maipaliwanag ang sarili ko kung bakit ako nag walk out marahil nagulat lang din ako sa nalaman. Tumingin ako sa ibaba, nakita ko si Dorothea na nagpupunas ng luha at palabas na ito ng Mall.
"Dapat masaya ako eh dahil tadhana ang gumawa ng paraan para sa amin,pero paano ako magiging masaya kung konektado kami sa mga taong nanakit sa aming mga ina" saad ko sa aking isipan.
Nakita ko na maraming missed calls galing kay Mommy pero hindi ko ito pinapansin.
Nagpalipas ako ng ilang oras bago ako bumaba, wala na si Mommy at Tita Theresse sa restaurant kaya dumiretso na ako sa parking lot kung nasaan ang aking kotse.
Dumiretso ako sa condo ko kung saan ako tumutuloy dito sa Iloilo, nadatnan ko si Mommy na tila nakikiusap ang mata nito.
"Mommy, ituloy nyo nalang ang plano niyong ipakasal ako kay Scarlet kaysa maikasal ako sa anak ni Tito Francis, alam kong kapag kami ang naging mag asawa huhungkatin namin palagi ang nakaraan na nagdulot ng malaking sugat sa aming mga puso" malungkot kong saad.
"Tapos na ang mga iyon, nangyari na ang nangyari. Hindi kayo magiging masaya kung patuloy ninyong binabalikan ang nakaraan" wika ni Mommy.
"Kailangan niyo ng maikasal sa lalong madaling panahon dahil naghahabol ang ex ng Dad mo na ex girlfriend din ng tito Francis mo at pinagpipilitan na anak ni Francis si Scarlet, ayaw mo naman sigurong patuloy na nagjihirap ang babaeng mahal mo anak" wika ni Mommy, nalaman ni Mommy na may gusto ak9 kay Dorothea ang kakambal ni Theo dahil kay Eanne na chismoso.
"Iha pag isipan mo sanang mabuti, gumawa ka ng paraan para mapaamo mo ang anak ni Francis, nagkausap na kami ni Theresse at pumayag na siyang ipakasal si Dorothea sayo kayo nalang dalawa ang hinihintay namin, pag isipan mo nak matagal din na panahong naghirap ang pamilya ni Francis dahil sa Daddy mo kaya kahit sa ganitong paraan lang ay makalasap din sila ng kaginhawaan sa buhay, isipin mo kung kay Scarlet ka ikakasal paano naman ang babaeng mahal mo?" dagdag pa nito bago umalis.
Napabuga ako ng hangin.
Napatingin ako sa cellphone ko na kanina pa nagriring, si Scarlet ang tumatawag.
Tamad kong kinuha ang phone at sinagot ang tawag.
" Ano nanaman Scarlet?" Kalmado kong tanong.
" Bukas na ang wedding nakausap ko ang mag oofficiate sa ating kasal at darating na din si Mommy at mga kamag anak ko mamayamg gabi para.."
" Hindi ako magpapakasal sayo Scarlet, kay Thea ako ikakasal sa legal at totoong anak ni Tito Francis" putol ko sa sinasabi na may halong inis.
"Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin Maxine kaya sa ayaw at sa gusto mo darating ka bukas para sa ating kasal" madiin nitong sambit.
"Huh?, ganyan ka na ba kahayok sa kayamanan na makukuha mo sa pamilya ng Alfonso, sa pagkakaalam ko ginahasa ng Mommy mo si Tito Francis at Dad, hindi pa nga sigurado na isa sa kanila ang ama mo dahil ilang lalaki ang nakalandian ng Mom mo" sarkasmo kong tugon.
"G*go ka ba, huwag mong mapagbibintangan si Mommy baka Mommy mo ang malandi dahil nilandi niya si Tito Max" ganti nito.
Napatawa ako. " Hahaha, ayaw mo lang aminin na talagang Mama mo ang naghabol, at ginagaya mo na siya dahil hinahabol mo ako diba, ano gagawin mo din ang teknik ng Mama mo at ecorner ako sa kasal?" napangisi ako ng magmura ito alam kong naiinis na.
"Arghhh, sinasabi ko sayo kung hindi ka darating hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" Singhal nito at mabilis na pinatay ang tawag.
Pinagwalang bahala ko ang sinabi nito at nagpahinga nalang dahil sa stress ang nararamdaman ko sa araw na ito.
Kinaumagahan nagtungo sa opisina at inayos ang mga dapat ayusin kailangang maunahan ko si Scarlet kung ano man ang binabalak nito sa kumpanya. Hindi ko hahayaan na mapunta sa iba ang para sa Kambal na Gomez.
Ngunit pagdating ko sa building ay nakita ko si Dad na may kausap itong babae, dahan dahan akong lumapit.
" Max kailangan mong pilitin ang anak mo kung ayaw mo ilabas ko ang scandal nating tatlo nila Francis!" Pananakot na wika ng babae.
"Amelia, hindi namin ginusto ang nangyari na iyon, nilasing at pinagamit mo kami ng ipinagbabawal na gamot wala kami sa aming sarili noong nangyari yun, ginahasa mo kami..sinamantala mo na wala kami sa aming mga sarili" napatahip ako ng aking bibig, ibig sabihin ito ang ina ni Scarlet.
"Nagseselos ako na may anak sila ni Theresse kaya ko ginawa iyon, kaya ako gumawa ng paraan para mabuntis niya ako.
"Nababaliw ka na!..hindi ako papayag sa gusto mong mangyari nung una oo pero ngayon na nahanap na ang tunay na pamilya ni Francis hindi na ako papayag, babawi ako sa kanila" kalmadong wika ni Dad.
"Okay kung ayaw mo, ako ang gagawa ng paraan para pumayag ka, guguluhin ko ang buhay ng pamilya ni Francis kung hindi ka papayag sa nais ko" nakangising wika nito bago tumalikod.
Agad kong tinawagan si Theo.
"Maxine?, anong kailangan mo" malungkot ang tinig nito mula sa kabilang linya.
"Theo..this is not the right time para magalit ka din sa akin..yeah anak ako ng taong sumira sa pamilya nyo, at ako man ay nasasaktan din dahil kayo ang anak ng taong naging dahilan ng pag iwan ni dad sa amin, but my love for Dorothea is bigger than my anger. I love her so much" narinig ko amg mahina nitong pagtawa.
"Tinanong ko lang kung ano kailangan mo, ang dami mo ng hanash" natatawang saad nito.
"H-hindi ka galit?"
"Hindi, bat naman ako magagalit sa future hipag ko" napangiti ako sa tinuran nito.
"Salamat Theo, anyway tumawag ako para sabihing mag ingat kayo palagi dahil may planong guluhin kayo ng pamilya ni Scarlet"
"Siya ba yung kinukwento ni Dorothea sakin na ipapakasal sayo?, subukan lang nila.. sasabunutan ko sila hanggang makalbo" saad nito sa maarte at pinabakla nitong boses.
Napatawa ako ng mahina dahil lumalabas na ang pagiging kalog nito na dati ay alam kong pinipigilan lang niya at umaastang tunay na tigasin.
"Mamayang gabi gaganapin ang engagemwnt ninyo ni Thea" biglang sumeryoso ang tinig nito.
Nagulat ako sa narinig.
"Ha? Anong sinabi mo?" Tila nabingi ako sa narinig.
"Ang sabi ko mamayang gabi na ang engagement niyo, nong una tutol si Thea pero wala na siyang magagawa dahil sa kahilingan ni Mama"
Nakaramdam ako ng saya sa aking puso dahil sa narinig. Kaya naman agad akong nagtungo sa Opisina ng chairman.
"Dad...totoo bang.." hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng tumango ito.
"Yes, ikakasal ka sa taong gusto mo at sa taong mahal mo..diba iyan ang sinabi mo noon sa akin na hayaan ka sa taong mahal mo? "
Tumango ako at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Excited na akong makita siya" saad ko sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
FanfictionMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...