***Maxine Alfonso***"Theo kailangan mong sumama sa business trip ko sa hongkong for sure susundan nanaman ako ni Magie doon lalot kasama ang parents niya sa business trip na iyon" saad ko kay Theo habang tahimik na nakaupo sa sofa.
"Maxine, pwedeng bayaran ko nalang yung utang ko sayo para itigil na natin to..apektado na kasi ang relasyon namin ni Drex" malungkot nitong saad.
Ayaw ko din naman maging selfish, pero kailangan ko siya ngayon at siguradong ipapakasal na ako ni dad sa iba kapag nalaman ni Daddy na wala na kami.
Tumayo ako at umupo sa tabi nito. Hinawakan ko ang braso.
"Okay kailangan mong sumama sa hongkong bukas para may bantay ako" pakiusap ko sa kanya.
"Basta last na to,.at mag reresign narin ako bilang driver body guard mo pagbalik natin ng pinas" wika nito.
Malungkot ako sa desisyon ni Theo pero hindi ko naman hawak ang buhay nito dahil pera lang naman ang utang niya at pwde iyon mabayaran pero ang pag mamahalan nila ng kanyang sintahan ay hindi kayang tumbasan ng kahit anong halaga.
"Sige hihintayin kita bukas sa airport" sabay abot ko sa kanya ng plane ticket.
"Mauna ka nalang sa hongkong, magkita nalang tayo doon kailangan ko pang isecure ang kalagayan ni Mama..promise susunod ako" naka taas pa ang palad nito na animoy nangangako.
May tiwala naman ako sa kanya kaya kinabukasan ay nauna na akong nag flight papuntang Hongkong, chinat ko din si Theo kung saang hotel siya tutuloy.
Isang araw na ang nakalipas simula andito ako sa Hongkong pero wala parin akong natatanggap na mensahe mula kay Theo. Mamayang gabi na gaganapin ang business meeting with the CEO's ng ibat ibang kumpanya.
Nakaramdam ako ng tuwa ng may nag doorbell sa pintuan dahil sa inaasahan kong si Theo ay hindi ko na ito sinilip bago buksan.
"Theo...mabuti naman at dum.....ikaw!?" napatid kong saad ng makita ang abot taingang ngiti ni Magie.
"Hello baby, nalaman ko kasi kila Mommy na dito ka nakatuloy kaya pinuntahan kita..eto may dala akong food para sayo"
"Umalis ka na Magie, madami pa akong gagawin ayaw ko ng na iistorbo"walang emosyong saad ko.
Pero sa halip na umalis ay dumiretso na sa loob ng kwarto at tinungo ang maliit na pantry.
"Hindi ako aalis hanggat hindi mo kinakain tong mga dala ko" nakangiting sambit nito.
"Hindi ko talaga kakainin yan dahil hindi magkakasya ang aking dress mamayang gabi kapag ako nabusog, ilagay mo nalang diya kainin ko nalang after ng business meeting" may halong iritang saad ko.
Lumingon ito sa akin at nakangiti parin.
"Lahat naman ginagawa ko na para lang bumalik ka, ano pa bang dapat kong gawin para lang mapasaakin ka ulit?" nakatitig lang ako sa kanya.
"Tell me..gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang" muling saad nito.
"Sayo na ako dati, pero hindi mo inalaagaan..pinabayaan at niloko mo lang. Im happy now without you...Im happy with Theo.."
"Kapag ba nawala si Theo, babalik ka na sa akin?" Muling tanong nito.
"Mawala man si Theo o mawala man ang kung anong meron ako hindi na kita babalikan...inalis na ako sa sitwasyong sobra akong nagpakatanga bakit pa ako babalik..Magie tama na.. tanggapin mo nalang na wala na talagang babalik pa" saad ko at iniwan ko siya sa.loob ng aking kwarto at nagtungo sa lobby ng hotel pero sumunod parin ito.
"Max...please ayusin natin to..i still love you kaya bigyan mo sana ng chansa ang relasyon natin"
Inis ko itong nilingon.
"Magie wala ng tayo at wala ng chansa pa!..kaya pwde lumayo ka na!" Naiinis at naiirita kong sambit.
"No..i dont believe you.." hawak na nito ang aking braso, mabuti nalang at walang tao sa pasilyo ng hotel kundi eskandalo na sana ang ganapan.
"Bitawan mo nga ako!. Ano ba nasasaktan ako!.." pagpupumiglas ko. Dahil mas matangkad si Magie ay halos hindi ako makaalis sa pagkakahawak nito.
" kung ayaw mong bumalik..sige..bago kita iwan ng tuluyan ipapatikim ko muna sayo ang bagay na hindi mo naranasan noong tayo pa" nakangisi nitong sambit sabay hila nito sa akin pabalik ng aking kwarto.
"Ano ba...aray..nasasaktan ako Magie..ano ba!!" Pagpupumiglas ko.
Nagtagumpay itoy naibalik ako sa kwarto at malakas akong hinagis sa kama.
Nakaramdam na ako ng takot dahil sa itsura nito na tila demonyitang nakatingin sa akin."Pinapakiusapan kita ng maayos pero bakit ayaw mo..siguro sa ganitong paraan pumayag ka ng makipagbalikan sa akin" nakangising wika nito, akmang tatayo ako ng mabilis niya akong dinaganan at pinipilit na halikan ako sa labi pero kinagat ko ang labi ko at patuloy sa pagpupumiglas.
Nagawa niyang punitin ang aking damit lantad na ang aking katawan sa kanya wala akong suot na bra dahil nipple tape ang gamit ko.
Pinilit ko siyang itulak ang akmang hahalikan na niya ako sa dibdib nawalan ito ng balanse kaya natumba ito at mabilis kong tinungo ang pintuan na hindi iniisip na wala na akong saplot kundi ang panty yakap yakap ko ang aking sarili habang umiiyak pero hindi ko pa nahahawakan ang door knob ng haklitin ulit niya ako at isandal sa pader.
Labis na takot ang aking naramdaman ng may matulis na bagay ang naramdaman ko sa aking tagiliran.
"Akin ka lang Maxine! Naintindihan mo?"
Napalunok ako ng makita ang hawak nitong kutsilyo.
"Pagbigyan mo ako para makakauwi kang buhay sa pilipinas" nakangising sambit nito at nag umpisa na niya akong halikan sa leeg pababa sa aking dibdib ng biglang may sumigaw.
"Manyaakkk!!!" narinig ko ang pagkatilapon ng hawak ni Magie na patalim at napadilat ako ng makita si Theo na sinasabunutan na si Magie.
Isa,dalawa at naka tatlong sampal ang ginawa niya sa aking ex sabay tadyak nito sa kanyang sikmura.
"Hayop ka.. iniingatan ko ang gf ko tapos ikaw bababuyin mo lang!" dinig kong saad nito, kahit kaba at takot ang aking nararamdaman ay hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kilig sa sinabi nito.
Mabilis na kumaripas ng takbo si Magie ng pulutin na ni Theo ang patalim.
Mabilis namang lumapit si Theo sa akin pero napatigil ito at tinitigan ako,nakita ko ang bahagya nitong paglunok at nanginginig ang kamay na ibinalot sa akin ang kumot.Nanginginig din ang buo kong katawan dahil sa takot.
"Ssshhh..your safe.." mahinang bulong nito habang yakap yakap ako.
I feel safe and secured sa taong nakayakap ngayon sa akin. Hindi ko alam pero ito ang tunay kong nararamdaman..May time na at peace ako kapag si Theo ang kasama ko, pero may time din na parang hangin lang siya minsan sa akin na tila wala akong pakialam.
Pero ngayon ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa yakap at hagod nito sa aking likod.Nakatulog na ako sa kaiiyak at pagising ko may suot na akong tshirt at short.
Nagpalinga linga ako at bumangon. Nakita ko si Theo na nagluluto.
Lumapit ako at niyakap mula sa likod nito. Napa igtad ito sa gulat.
" kumusta na ang pakiramdam mo?" Mahinahon niyang tanong habang hinahalo ang niluluto nitong tinola.
Idinampi ko ang aking pisngi sa kanyang likod, napasinghap ulit ito.
"Thank you for saving me" mahina kong saad.
Naramdaman ko ang pag harap nito kaya sa dibdib napunta ang nakasandal kong mukha mula sa kanyang likod."Ill do everything to protect you Hon" tila musika sa aking pandinig ang sinambit nito kaya napayakap ako ng mahigpit sa kanya.
Punong puno ng saya ang aking puso sa hindi malamang dahilan.Susulitin ko nalang ang pagkakataon na ito dahil pag uwi namin ng pilipinas matatapos na din ang lahat.
BINABASA MO ANG
Rented Boyfriend
Fiksi PenggemarMinsan dahil sa pagpapanggap. nakakaligtas tayo sa mga sitwasyong ayaw natin at gusto nating iwasan.Muli samahan niyo ako sa Panibagong kwento ng Rented Boyfriend ito ay kwento ng dalawang dalagang naghahanap ng paraan para makaiwas sa sitwasyong ki...