Chapter 1

930 25 3
                                    


***Thea Gomez***

"Ma pwede ba tama na ang kaiinom ng alak,akala mo naman masosolo ang paghihirap kapag ikaw nahospital nanaman..abah maawa ka naman kay Inay na palagi nalang dumedelehensya sa pang araw araw natin" panenermon ko sa aking inang lasengga

"Bakit ano bang pakialam mo Thea!" Lasing nitong sagot habang tinutungga ang isang bote ng alak.

"Thea hayaan mo nalang siya..mag gayak ka na diyan at malelate ka na sa trabaho mo"ani ng aking kapatid.

Ako nga pala si Dorothea Gomez,saleslady sa isang malaking at kilalang  mall dito sa Pangasinan.Maliit palang kami iniwan na kami ng aming ama at sumama sa kapwa niya lalaki ayon sa kwento ni Mama kaya naman hanggang ngayon hindi parin tanggap ng aming ina na ipinagpalit siya sa lalaki.

Bumaling ang tingin ko sa aking kapatid.

"Kaya tumitigas ang ulo eh kinakampihan mo" irap ko dito.

Sumenyas ito na umalis na ako para hindi na kami mag away pa ni Mama pero palabas na ako ay nakasalubong si lola na ngayon ay masama din ang tingin sa akin.Galit na din ito sa aming magkapatid simula iniwan kami ni Papa bata palang kami at sumama ito sa kanyang kapwa lalaki kaya naman sa amin naibunton ang galit nila sa aming ama.

"Mano po Lola,nasa loob po si Mama" anito bago ko ito nilampasa

Naiiling nalang akong  umalis ng bahay at sumakay na sa nakaparadang tricycle na nasa labas ng bahay.

"Pasensya na manong pinaghintay ko kayo" nahihiya kong saad kay Mang Ostin.

"Ayos lang yun ineng atsaka okay na din at nakapagpahinga ako saglit" tugon naman nito.

"Sa Maxxie Mall ka parin ba nag tatrabaho nak?" Tanong nito na ikinatingin ko sa kanya.

"Opo Mang Ostin..sana nga hindi ako mapabiliang sa mailipat sa ibang branch ng Mall dahil naglilipat sila ng mga empleyado ngayon para sa makapasok ang mga trainee na studyante" kwento ko.

"Kung maililipat ka maigi na din yon para hindi na kayo palaging nagbabangayan ng ina mo kapag nasa malayo ka" natatawa nitong wika.

May punto naman siya pero kahit ganon si mama mahal ko naman siya,hindi ko din pwdeng iwan dahil bihira lang din umuwi ang aking kapatid dahil isa siya body guard ng isang kilalang modelo at business tycoon ng Pilipinas kaya ayaw kong iwan din si Mama

Matapos akong maihatid ay agad n akong pumasok ng Mall at dumeretso sa aking locker at doon naglagay ako ng makapal na redlipstick at konting foundation.Bawal kasi sa mga saleslady dito ang hindi naka make up kaya kahit ayaw ko kinakailangan.
Naglagay din ako ng contact lense atsaka ko inayos ang aking pilikmata at kilay.

Pagpasok ko palang sa area kung saan ako nakatoka ay agad akong sinalubong ni Marilou ang bestfriend ko na kawork ko din.Halos sabay kaming na hired sa Mall na ito kaya baguhan palang kaming pareho.

"Dorothea buti dumating ka na hay nako ang hirap kausapin ng isang costumer kanina pa siya nag iikot napapagod na ang paa ko ka susunod sa kanya" wika ni Malou na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.

"Thea,,..nakakaimbyerna yang tinatawag mo ako sa buo kong pangalan"pairap kong tugon.

"Bakit naman kase ang aga ng babae na yan anong oras palang oh halos dipa naayos ang lahat" sintemyento ko din dahil nasa area ko sa mga signature items ito na mga damit.

"Ako na ang bahala" wika ko at iniwan ko na ito

" Goodmorning Maam,how may I help you..baka po gusto nyong magpatulong para mas mabilisan ang paghahanap nyo baka po nasa stock po ang nais nyo" magalang kong bati at wika sa babae.
Nilingon lang niya ako at muli itong naglakad kaya sumunod ulit ako.
Dinampot niya ang isang dry fit short na may tatak na Nike atsaka ito naglakad diretso papuntang unang palapag kaya hinabol ko ito.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon