Btw guys, just wanna inform you na edited na ang kabanata 20. I accidentally published it so hehe peace ✌️
I also wanted to say thank you everyone for reading this I never expected na may magbabasa pa pala nito HAHAHHÀ so maybe I'll try to update for you guysss
****
Nakapalumbaba ako habang nakatingin kay Luis–este MacMac na kasalukuyang nilalamutak ang mga pagkaing nakahain sa harapan niya. Nandito na kami sa bahay niya..ako ay busy sa pagtitig sa kanya habang siya naman ay busy sa pagkain.
Napabuntong hininga ako saka ako nag cross arms habang nakatingin sa kanya ng mariin. Agad dumapo ang mga mata ko sa pisngi niyang puro may bakas pa ng kamote..oo! kamote agad ni-request niya pagkarating namin. Kaloka imagine a very good looking man looking so messy right now dahil sa mga kamote HAHAHAH cute. Napanguso na lamang ako nang maalala ko ang mga ganap bago pa kami makauwi dito. Buti na lang nakabalik pa kami sa kabila ng napakaraming happenings kanina..nakakaloka!
"A-ate gutom si MacMac"
Ilang segundo pa ako natulala sa kanya saka ako natawa ng bahagya.
"HAHAHA umayos ka Luis 'di na ako natutuwa sa sunod sunod na paglabas ng mga alter mo ha"
Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring matawa ng peke and yes I know to myself na he's suffering from DID also known as Multiple Personality Disorder. Kakaloka nababasa ko lang sa wattpad mga ganito ah? Bakit naman pina-try din sa akin? Huhu 'di ako marunong mag-handle ng mga ganitong cases..nursing ako beh..nursing huhu hindi ako psychiatrist o ano huhu..send help please!
"Ate..ate..gutom na MacMac hingi pagkain" nilahad niya ang kaliwang palad niya saka niya ginamit ang kanan para hipuin ang tyan niya palatandaan na gutom nga siya. Nanatili pa rin akong tulala sa kanya ng mga 3 seconds ganern saka lang ako bumalik sa huwisyo ng tapikin niya ng bahagya ang paanan ko.
Napasinghap ako ng na-realize ko kung anong sitwasyon meron ako ngayon like omeged! Anytime soon pwedeng may magpunta sa amin dito sa liked upang tawagin si Luis and I can't let that happen! Naks naman English 'yon beh..ako lang 'to, the Englisherist
So ayon nga tumayo ako kahit masakit pa ang aking katawan dahil sa paghagis hagis sa akin ni Luis.. kakaloka buti sana kung bed niya ako hinagis eh hindi naman! Back to the topic, taimtim akong nag-iisip ng pwedeng gawin para makatakas kami ng hindi kami nakakakuha masyado ng atensyon.
Makalipas ang halos 2 minutong pag-iisip..tsaraaaan! may naisip na akong paraan!
"Oh siya halika na at umalis na tayo dito nai-stress na ako sa inyong mga alter ha. Ilan kaya kayo? O siya, yuko ka ha? Para 'di ka nila mamukhaan at para madali tayong makatakas dito..maliwanag ba?" tumango tango siya kaya naman tinulungan ko na siyang tumayo kasi haller? Paano siya tatakas kung nakaupo siya? Buti sana kung bubwit lang siya na pwedeng kargahin.
Nang makatayo na siya sa aking tabi ay nakailang inhale exhale pa ako bago ko siya hinawakan sa may bandang braso niya para alalayan siya sa pagtakas
Owemjiiii may biceps ang angkol mo hihihi
Ayon na nga agaran ang pagtakbo namin papunta sa kanyang kalesa. Bakas sa mukha ng kutsero ang pagtatakha dahil nandon na ang lalaki kahit hindi pa naman tapos ang pagdiriwang.

YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...