Chapter 18

38 9 3
                                    




Napatigil sa pag iyak ang dalaga at dahan dahang napatingin sa ibabang bahagi ng katawan ng prinsesa. Hindi ito nabighani sa nakikita niya ngunit mas ang ikinagulat niya ang pagkawala ng malaking buntot ng prinsesa at napalitan ng dalawang makikinis na mga binti.

Kandong pa niya ang dalaga at dahan-dahang hinaplos ang makinis na binti ni Amaranth. Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nakita. Parehong tikom ang bibig . Lahat nagulat at nagtataka sa mga nakikita nilang pagbabago sa prinsesa.

"B-bakit nawala ang buntot niya? Saan napunta ang buntot?"naguguluhang tanong at sinuyod ng mga mata ang medyo madilim na sala. "Anong nangyari?"

"Matapos ang malakas na pagkulog at kidlat, biglang dumilim ang paligid...ay ang pagkawala din ng buntot niya-"sambit ng matanda at narinig ito ng lahat na nakamasid lamang. Lumapit din ang iika-ikang ama ni Raya at nakita niya ang malaking pinagbago sa pagkatao ng prinsesa. Lalo itong gumanda lalo na ngayong mayroon na itong mga paa.

"Saan na ang buntot niya na ahas?"kakamot- kamot na tanong nito at sumilip pa sa ilalim ng upuan. Dahil nga halos nakatuon na ang lahat ng mga mata sa prinsesa kitang kita ang kakinisan ng binti nito. Bilang ama at may anak din silang babae,inutusan ng lalaki ang asawa na takpan ang binti ni Amaranth.

"Misis, takpan mo ang binti niya,"agad na utos ng mister ng babae. "Mukhang may sumpang nangyari sa kanya kung sino man siya,"saad pa niya. "Para siyang prinsesa sa sobrang ganda."mungkahi nito at pinagmamasdan ang dalaga. Napatango din ang misis niya na para bang sumasang-ayon sa kanyang sinabi.

"I know. Yan nga din ang naisip ko."

Agad na kinuha ng babae ang tela at tinakpan ang parti na iyon at maging siya ay nagtataka din. Ngunit bilang guro sa kanilang bayan may alam ito.

"İsa lang ang pagkakaintindi ko, sinumpa siya ng kung sinuman ang may galit sa kanya o sa mga magulang niya kung saan man siya nagmula at dahil sa wagas at tunay na pag-ibig na inialay mo sa kanya, natanggal mo sa katawan niya ang sumpang ibinigay ng kung sino man at ngayon kung sino ang gumawa niyan sigurado ako na magdurusa siya,"wika ng babae na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa nasaksihan. "Akala ko dati, sa libro ko lamang ito mababasa o kaya mapapanood ko lamang sa tv, pero mismong sa harapan ko nasaksihan ang lahat, it's incredible."

"Ano po ang nangyari? Bakit nawala ang kanyang buntot na ahas?"tanong ng naguguluhang ina ni Raya na wala ding alam sapagkat salât sila sa edukasyon.

Binalingan ng guro ang natulalang si Raya.

"Dahil sayo kaya nawala ang buntot niya,"turan nito. "Dahil sa iyong halik. Ang halik mo na punong-puno ng pagmamahal ang nakatanggal sa sumpa!"malakas niyang sabi at nanlaki ang mga mata.. Hinarap niya ang lahat sabay sabi.. "Sa tingin ko po, nag iibigan silang dalawa. At dahil tunay at wagas ang kanilang pagmamahalan kung kaya't natanggal ang sumpa na ipinataw dito sa mukhang prinsesa na nilalang,"esplika niya at nasa kay Amaranth ang mga mata. Nagkatinginan sila ni Raya para alamin kung tama ba ang kanyang hinala. "Totoo ang pagmamahal mo sa kaniya, di ba?"

"Totoo ba anak? May lihim kayong pagtitinginan?" Tanong ng nagulat na ama.

Halos hindi makatingin si Raya sa kanyang mga magulang na nagulat din sa kanilang narinig.Ilang segundo na hindi ito nakasagot.

"Nagmamahalan kayo ni Amaranth?"tanong ng nagulat na si Inang Escabeche. Nanlalamig at kinakabahang napatango ang dalaga.

"O—Opo,"tipid niyang sagot sa lahat saka pumatak ang mga luha niya.. "Ma-nagmamahalan kaming da-dalawa. Patawad nay, tay, lola Escabeche kung umibig ako sa kanya. Hindi ko naman sinadya na mahulog ang loob ko sa kanya po." paliwanag nito. "Mahal na mahal ko si Amaranth,"humihikbi pa ito. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng ama.

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon