Chapter 16

36 8 0
                                    




Dala ng gulat ay biglang napatayo si Catori. Hindi makapaniwala sa kanyang nabalitaan. Halos hindi niya alam kung paano e proseso sa isipan ang sinabi ng matanda sa kanya. Hinarap niya ang matanda at tiningnan ito sa mga mata.

"Anong ibig niyong sabihin na siya ang namatay kong kapatid?"namamaos na tanong nito kay Inang Escabeche.

"A-ang mabuti pa, pumasok tayong lahat sa loob ng bahay. Mukhang hindi naman nakapasok sa sala ang tubig para doon pag-usapan ang lahat tungkol sa inyo ni Prinsesa Amaranth,"

Kaya lahat sila bumalik sa loob ng bahay at hinanap ang prinsesa. Nakaupo na silang lahat sa sala at biglang sumulpot ang mga kaibigan ng prinsesa mula sa kusina. Si Goryo hawak ang timba, si Bayawak, kagat kagat ang manok na inahin at dinala sa sala. Bigla naman itong kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

Lumabas din ang prinsesa at may dala itong mga itlog. Agad kay Raya napunta ang mga mata niya.

"Saan kayo nanggaling?"tanong ng nag-aalalang si Raya. Nagkasalubong na naman ang mga titig nila ng prinsesa kaya naman iniiwas niya ang tumitig dito dahil pakiramdam niya hinihigop siya ng mga mata ng prinsesa.

"Pinasok ng tubig ang kubo kaya kinuha ko ang mga itlog,"mahinahon nitong sagot at nagtataka dahil sa mga tingin sa kanya ni Catori,ng mga magulang ni Raya at ni inang Escabeche. "K-kamusta na pala ang pakiramdam mo?"

"Okay na ako. Salamat sa inyong lahat ah. Sabi ni nanay mga kaibigan mo daw ang naghagilap ng mga gamot ko,"

"Mas sanay sila sa gubat. Kaya alam ko na alam din nila kung saan ito kukunin,"wika ng prinsesa at nilapag ang hawak na mga itlog.

"Amaranth, meron kang dapat malaman. Halika, samahan mo muna kaming lahat dito para makapag usap ng maayos,"wika ng dalaga.

"Huwag kang mahiya apo,"tatango tangong saad ng matanda.

Napakunot ang noo ng prinsesa at isa-isang tiningnan ang mga kasama niya. Wala siyang nagawa kundi sundin ang kanilang pakiusap kahit na medyo nag-aalangan ito.

"Alam na kaya nila ang tungkol sa nararamdaman ko kay Raya? Sinabi na kaya ni Raya sa kanila ang namamagitan sa aming dalawa? Paano kung ayaw nila sa akin dahil sa kalagayan ko?"napayuko ang dalaga sa takot na baka mawala ng tuluyan sa buhay niya si Raya. "Inang hindi ko naman po sinasadya na-,"wika nito.

"May dapat kang malaman tungkol sa pagkatao mo at sa kapatid mo,"simula ng matanda. Kumunot ang noo ng prinsesa. Pumunta sa may sulok ang nasabing prinsesa at hinarap ang matanda.

"Kapatid? Paano po niyo nalaman na may kapatid ako eh balak niyo pa lang naman umuwi sa isla,"wika ng prinsesa.

"Dito sa isla na ito, mas madali ang makatanggap ng balita. Hindi katulad sa isla kung saan tayo nagmula. Makinig kang mabuti."

"At saka baka hindi niya naman ako kayang tanggapin na kapatid niya dahil sa kalagayan ko. Di ba nga sabi niyo, noong iniluwal ako ng aking ina, pinalayo niya ako. Inutusan niya kayo na ilayo ako mula sa isla,"matigas na wika nito na waring may pagtatampo sa mga magulang nila. "Inang, kayo lang naman po ang taong hindi ako iniwan sa kabila ng hitsura ko. Pinalaki niyo ako at inalagaan,"

"Amaranth, alam kong masama ang loob mo sa mga magulang niyo. Pero siguro ayaw lang nila na saktan ka ng mga kawan kapag nakita kang ganyan,"

"Hindi nga ako nagawang saktan ng mga tao. Pero nagawa naman akong ipamigay ng mga magulang ko,"ngumiti ito ng mapakla. Sobra namang naawa si Raya sa prinsesa dahil kitang kita sa mga mata nito ang sobrang kalungkutan. "Ngayon kapag nakita ba ako ng kapatid ko, kaya ba niya akong ituring na kapatid? Kaya ba niya akong ipagmalaki? Matatanggap kaya niya ako sa kabila ng kakaiba kong pagkatao?"

The Love of Princess AmaranthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon